Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 32

Kapalaran ng pagpapatawad at ng pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David. Masquil.

32 Mapalad (A)siyang pinatawad ng pagsalangsang,
Na tinakpan ang kasalanan.
Mapalad ang tao na hindi paratangan ng kasamaan ng (B)Panginoon,
At (C)walang pagdaraya ang diwa niya.
Nang ako'y tumahimik, ay nanglumo ang (D)aking mga buto
Dahil sa aking pagangal buong araw.
Sapagka't araw at gabi ay (E)mabigat sa akin ang iyong kamay:
Ang aking lamig ng katawan ay naging katuyuan ng taginit. (Selah)
Aking kinilala ang (F)aking kasalanan sa iyo,
At ang aking kasamaan ay hindi ko ikinubli:
Aking sinabi, (G)Aking ipahahayag ang aking pagsalangsang sa Panginoon;
At iyong ipinatawad ang kasamaan ng aking kasalanan.
Dahil dito'y dalanginan ka nawa ng bawa't isa na banal sa (H)panahong masusumpungan ka:
Tunay na pagka ang mga malaking tubig ay nagsisiapaw ay hindi aabutan nila siya.
(I)Ikaw ay aking kublihang dako; iyong iingatan ako sa kabagabagan;
Iyong kukulungin ako sa palibot ng mga awit ng kaligtasan. (Selah)
(J)Aking ipaaalam sa iyo at ituturo sa iyo ang daan na iyong lalakaran:
Papayuhan kita na ang aking mga mata, ay nakatitig sa iyo.
(K)Huwag nawa kayong maging gaya ng kabayo, o gaya ng mula na walang unawa:
(L)Na marapat igayak ng busal at ng paningkaw upang ipangpigil sa kanila,
Na kung dili'y hindi sila magsisilapit sa iyo.
10 (M)Maraming kapanglawan ay sasapit sa masama:
Nguni't (N)siyang tumitiwala sa Panginoon, kagandahang-loob ang liligid sa kaniya sa palibot.
11 (O)Kayo'y mangatuwa sa Panginoon, at mangagalak kayo, kayong mga matuwid:
At magsihiyaw kayo ng dahil sa kagalakan kayong lahat na matuwid sa puso.

Genesis 4:1-16

Si Cain at si Abel.

At nakilala ng lalake si Eva na kaniyang asawa; at siya'y naglihi at ipinanganak si Cain, at sinabi, Nagkaanak ako ng lalake sa tulong ng Panginoon.

At sa muli ay ipinanganak ang kaniyang kapatid na si Abel. At si Abel ay tagapagalaga ng mga tupa; datapuwa't si Cain ay mangbubukid ng lupa.

At nangyari nang lumalakad ang panahon ay nagdala si Cain ng isang handog na mga (A)bunga ng lupa sa Panginoon.

At nagdala rin naman si Abel ng mga (B)panganay ng kaniyang kawan at ng mga taba ng mga yaon. (C)At nilingap ng Panginoon si Abel at ang kaniyang handog:

Datapuwa't hindi nilingap si Cain at ang kaniyang handog. At naginit na mainam si Cain, at namanglaw ang kaniyang mukha.

At sinabi ng Panginoon kay Cain, Bakit ka naginit? at bakit namanglaw ang iyong mukha?

Kung ikaw ay gumawa ng mabuti, di ba ikaw mamarapatin? at kung hindi ka gumawa ng mabuti, ay nahahandusay ang kasalanan sa pintuan: at (D)sa iyo'y pahihinuhod ang kaniyang nasá, at ikaw ang papanginoonin niya.

Pagpatay kay Abel.

At yao'y sinabi ni Cain sa kaniyang kapatid na kay Abel. At nangyari, nang sila'y nasa parang ay nagtindig si Cain laban kay Abel na kaniyang kapatid, (E)at siya'y kaniyang pinatay.

At sinabi ng Panginoon kay Cain, Saan naroon si Abel na iyong kapatid? At sinabi niya, (F)Aywan ko: ako ba'y tagapagbantay sa aking kapatid?

10 At sinabi niya, Anong iyong ginawa? ang tinig ng dugo ng iyong kapatid ay (G)dumadaing sa akin mula sa lupa.

11 At ngayo'y sinumpa ka sa lupa na siyang nagbuka ng bibig na tumanggap sa iyong kamay ng dugo ng iyong kapatid;

12 Pagbubukid mo ng lupa, ay di na ibibigay mula ngayon sa iyo ang kaniyang lakas; ikaw ay magiging palaboy at hampas-lupa sa lupa.

13 At sinabi ni Cain sa Panginoon, Ang aking kaparusahan ay higit kaysa mababata ko.

14 (H)Narito, ako'y iyong itinataboy ngayon mula sa ibabaw ng lupa, (I)at sa iyong harapan ay magtatago ako; at ako'y magiging palaboy at hampas-lupa; at mangyayari, na (J)sinomang makasumpong sa akin ay papatayin ako.

15 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Dahil dito'y sinomang pumatay kay Cain ay (K)makapitong gagantihan. At nilagyan ng Panginoon ng isang (L)tanda si Cain, baka siya'y sugatan ng sinomang makakasumpong sa kaniya.

16 At umalis si Cain sa harapan ng Panginoon at tumahan sa lupain ng Nod, sa silanganan ng Eden.

Mga Hebreo 4:14-5:10

14 Yaman ngang tayo'y mayroong (A)isang lubhang dakilang saserdote, (B)na pumasok sa kalangitan, si Jesus na Anak ng Dios, ay (C)ingatan nating matibay ang ating (D)pagkakilala.

15 Sapagka't tayo'y (E)walang isang dakilang saserdote (F)na hindi maaaring mahabag sa ating kahinaan, kundi isa na (G)tinukso sa lahat ng mga paraan gaya rin naman natin (H)gayon ma'y walang kasalanan.

16 (I)Magsilapit nga tayong may pagkakatiwala sa luklukan ng biyaya, upang tayo'y magsipagtamo ng awa, at mangakasumpong ng biyaya upang tumulong sa atin sa panahon ng pangangailangan.

Sapagka't ang bawa't dakilang saserdote palibhasa'y hinugot sa mga tao, (J)ay inilagay dahil sa mga tao (K)sa mga bagay na nauukol sa Dios, (L)upang siya'y makapaghandog ng mga kaloob at mga hain namang patungkol sa mga kasalanan:

Na makapagtitiis na may kaamuan (M)sa mga di nakaaalam at nangamamali, yamang (N)siya rin naman ay nalilibid ng kahinaan;

At (O)dahil dito'y nararapat siyang maghandog dahil sa mga kasalanan, at hindi lamang patungkol sa mga tao, kundi naman sa kaniyang sarili.

(P)At sinoman ay hindi tumatanggap sa kaniyang sarili ng karangalang ito, liban na kung tawagin siya ng Dios, na (Q)gaya ni Aaron.

Gayon din si Cristo man ay (R)hindi nagmapuri sa kaniyang sarili upang maging dakilang saserdote, kundi yaong sa kaniya ay nagsabi,

(S)Ikaw ay aking Anak.
Ikaw ay aking naging anak ngayon:

Gaya rin naman ng sinasabi niya sa ibang dako,

(T)Ikaw ay saserdote magpakailan man
Ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

Na siya sa mga araw ng kaniyang laman ay (U)naghandog ng mga panalangin at mga daing (V)na sumisigaw ng malakas at lumuluha (W)doon sa may kapangyarihang makapagligtas sa kaniya sa kamatayan, at siya'y dininig dahil sa kaniyang banal na takot,

Bagama't siya'y (X)Anak, gayon may (Y)natuto ng pagtalima sa pamamagitan ng mga bagay na kaniyang tiniis;

At (Z)nang siya'y mapaging sakdal, ay siya ang gumawa ng walang hanggang kaligtasan ng lahat na mga nagsisitalima sa kaniya;

10 Pinanganlan ng Dios na (AA)dakilang saserdote ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978