Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 112:1-9

Ang pananagana niyaong natatakot sa Panginoon.

112 Purihin ninyo ang Panginoon.
Mapalad (A)ang tao na natatakot sa Panginoon,
Na naliligayang mainam sa kaniyang mga utos.
(B)Ang kaniyang binhi ay magiging makapangyarihan sa lupa;
Ang lahi ng matuwid ay magiging mapalad.
(C)Kaginhawahan at kayamanan ay nasa kaniyang bahay:
At ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man.
Sa matuwid ay (D)bumabangon ang liwanag sa kadiliman:
(E)Siya'y mapagbiyaya at puspos ng kahabagan, at matuwid.
(F)Ang ikabubuti ng taong mapagbiyaya at nagpapahiram,
Kaniyang aalalayan ang kaniyang usap sa kahatulan.
Sapagka't siya'y hindi makikilos magpakailan man;
Ang matuwid ay maaalaalang walang hanggan.
Siya'y hindi matatakot (G)sa mga masamang balita:
Ang kaniyang (H)puso ay matatag, na tumitiwala sa Panginoon.
Ang kaniyang puso ay natatag, siya'y hindi matatakot,
Hanggang sa kaniyang (I)makita ang nasa niya sa kaniyang mga kaaway.
Kaniyang pinanabog, kaniyang ibinigay sa mapagkailangan;
Ang kaniyang katuwiran ay nananatili magpakailan man,
Ang kaniyang (J)sungay ay matataas na may karangalan.

Mga Awit 112:10

10 Makikita ng masama, at mamamanglaw;
Siya'y magngangalit ng kaniyang mga ngipin, at matutunaw:
Ang nasa ng masama ay (A)mapaparam.

Isaias 29:13-16

13 At sinabi ng Panginoon, (A)Yamang ang bayang ito ay lumapit sa akin, at pinapupurihan ako ng kanilang bibig at ng kanilang mga labi, nguni't inilayo ang kanilang puso sa akin, at ang kanilang takot sa akin ay (B)utos ng mga tao na itinuro sa kanila:

14 Dahil dito narito, pasisimulan kong gawin ang isang kagilagilalas na gawa sa gitna ng bayang ito, isang kagilagilalas na gawa at kamanghamangha: at ang karunungan ng kanilang mga pantas ay (C)mapapawi, at ang unawa ng kanilang mga mabait ay malilingid.

15 Sa aba nila, (D)na nagsisihanap ng kalaliman upang ilingid sa Panginoon ang kanilang payo, at ang kanilang mga gawa ay nasa kadiliman, at kanilang sinasabi, Sinong nakakakita sa atin? at sinong nakakakilala sa atin?

16 Kayo'y nangagbabaligtad ng mga bagay! Maibibilang bagang putik ang magpapalyok; upang sabihin ng (E)bagay na yari sa may-gawa sa kaniya, Hindi niya ginawa ako; o sabihin ng bagay na may anyo tungkol sa naganyo, Siya'y walang unawa?

Marcos 7:1-8

At (A)nakisama sa kanila ang mga Fariseo, at ilan sa mga eskriba, na nagsipanggaling sa Jerusalem,

At kanilang nangakita ang ilan sa kaniyang mga alagad na nagsisikain ng kanilang tinapay (B)ng mga kamay na marurumi, sa makatuwid baga'y mga kamay na hindi (C)hinugasan.

(Sapagka't ang mga Fariseo, at ang lahat ng mga Judio, ay hindi nagsisikain, kundi muna mangaghugas na maingat ng mga kamay, na pinanghahawakan ang mga sali't-saling sabi ng matatanda;

At kung nagsisipanggaling sila sa pamilihan, kung hindi muna mangaghugas, ay hindi sila nagsisikain; at may iba pang maraming bagay na kanilang minana, upang ganapin; gaya ng mga paghuhugas ng mga inuman, at ng mga saro, at ng mga inumang tanso.)

At siya'y tinanong ng mga Fariseo at ng mga eskriba, Bakit ang iyong mga alagad ay hindi nagsisilakad ng ayon sa sali't-saling sabi ng matatanda, kundi nagsisikain sila ng kanilang tinapay ng mga kamay na karumaldumal?

At sinabi niya sa kanila, Mabuti ang pagkahula ni Isaias tungkol sa inyong mga mapagpaimbabaw, ayon sa nasusulat,

(D)Ang bayang ito'y iginagalang ako ng kaniyang mga labi,
Datapuwa't ang kanilang puso ay malayo sa akin.
Datapuwa't walang kabuluhan ang pagsamba nila sa akin,
Na nagtuturo ng kanilang pinakaaral ng mga utos ng mga tao.

Nilisan ninyo ang utos ng Dios, at inyong pinanghahawakan ang sali't-saling sabi ng mga tao.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978