Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 78:17-20

17 Gayon ma'y nagkasala uli sila laban sa kaniya,
(A)Upang manghimagsik laban sa Kataastaasan sa ilang.
18 At kanilang (B)tinukso ang Dios sa kanilang puso,
Sa paghingi ng pagkain sa kanilang pita.
19 Oo, sila'y nagsalita laban sa Dios;
Kanilang sinabi, Makapaghahanda ba ang Dios ng dulang sa ilang?
20 (C)Narito, kaniyang pinalo ang bato, na ang mga tubig ay bumubuluwak,
At mga bukal ay nagsisiapaw;
Makapagbibigay ba siya ng tinapay naman?
Ipaghahanda ba niya ng karne ang kaniyang bayan?

Mga Awit 78:52-55

52 Nguni't kaniyang pinayaon ang kaniyang sariling bayan na (A)parang mga tupa,
At pinatnubayan sila sa ilang na parang kawan.
53 At inihatid niya silang tiwasay, na anopa't hindi sila nangatakot:
Nguni't (B)tinakpan ng dagat ang kanilang mga kaaway.
54 At dinala niya sila sa hangganan ng kaniyang (C)santuario,
Sa bundok na ito na binili ng kaniyang kanang kamay.
55 Pinalayas din niya ang mga bansa sa harap nila,
At (D)binahagi sa kanila na pinakamana (E)sa pamamagitan ng pising panukat,
At pinatahan ang mga lipi ng Israel sa kanilang mga tolda.

Exodo 33:7-23

Kinaugalian nga ni Moises na dalhin ang tolda at itayo sa labas ng kampamento, (A)na malayo sa kampamento at kaniyang tinawag iyon, Tabernakulo ng kapisanan. At nangyari na bawa't magsiyasat sa Panginoon ay lumalabas na pumaparoon sa tabernakulo ng kapisanan, na nasa labas ng kampamento.

At nangyari, pagka si Moises ay lumalabas na napasa sa Tolda, na ang buong bayan ay bumabangon (B)at tumatayo, bawa't lalake sa pintuan ng kaniyang tolda at pinanonood si Moises hanggang sa makapasok sa Tolda.

At nangyari, pagka si Moises ay pumapasok sa Tolda ay bumababa (C)ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda ang Panginoon ay nakikipagsalitaan kay Moises.

10 At nakikita ng buong bayan ang haliging ulap at tumitigil sa pintuan ng Tolda; at ang buong bayan ay tumitindig at sumasamba, na bawa't isa'y sa tabi ng pintuan ng kaniyang tolda.

11 At (D)nakikipagsalitaan ang Panginoon kay Moises ng mukhaan, gaya ng isang taong nakikipagsalitaan sa kaniyang kaibigan. At siya'y bumabalik uli sa kampamento, datapuwa't ang kaniyang tagapangasiwang (E)si Josue, na anak ni Nun, na may kabataan pa, ay hindi umaalis sa Tolda.

Si Moises ay nakipagusap sa Panginoon.

12 At sinabi ni Moises sa Panginoon, Tingnan mo, (F)iyong sinasabi sa akin: Isampa mo ang bayang ito: at hindi mo ipinakilala sa akin kung sino yaong susuguin mo na kasama ko. Gayon ma'y iyong sinabi, Aking nakikilala ka sa pangalan, at ikaw rin naman ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin.

13 Ngayon nga, isinasamo ko sa iyo, na kung ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, (G)ay ituro mo sa akin ngayon ang iyong mga daan, upang ikaw ay aking makilala, na ano pa't ako'y makasumpong ng biyaya sa iyong paningin: at akalain mo, na ang bansang ito ay (H)iyong bayan.

14 At kaniyang sinabi, (I)Ako'y sasa iyo, at ikaw ay (J)aking bibigyan ng kapahingahan.

15 At sinabi niya sa kaniya, (K)Kung ikaw ay hindi sasa akin ay huwag mo na kaming pasampahin mula rito.

16 Sapagka't saan ngayon makikilala na ako'y nakasumpong ng biyaya sa iyong paningin, ako at ang iyong bayan? (L)hindi ba dahil sa ikaw ay lumalakad na kasama namin, (M)upang kami ay maging bukod, ako at ang iyong bayan, sa lahat ng bayan na nasa balat ng lupa?

17 At sinabi ng Panginoon kay Moises, Akin ding gagawin ang bagay na ito na iyong sinalita: (N)sapagka't ikaw ay nakasumpong ng biyaya sa aking paningin, at ikaw ay aking nakikilala sa pangalan.

18 At sinabi ni Moises, Ipakita mo sa akin, idinadalangin ko sa iyo, ang iyong kaluwalhatian.

19 At kaniyang sinabi, (O)Aking papangyayarihin ang aking buong kabutihan sa harap mo, at aking itatanyag ang pangalan ng Panginoon sa harap mo; at ako'y (P)magkakaloob ng (Q)biyaya sa kanino mang aking ibig pagkalooban, at ako'y magmamaawain sa kanino mang aking ibig kaawaan.

20 At kaniyang sinabi, Hindi mo makikita ang aking mukha: (R)sapagka't hindi maaaring makita ako ng tao at mabuhay.

21 At sinabi ng Panginoon, Narito, may isang dako sa tabi ko, at ikaw ay tatayo sa ibabaw ng batong iyan:

22 At mangyayari, na samantalang ang aking kaluwalhatian ay dumadaan, na aking ilalagay ka sa isang bitak ng bato, at tatakpan kita ng aking kamay hanggang sa ako'y makaraan:

23 At aking aalisin ang aking kamay, at iyong makikita ang aking likod: datapuwa't ang aking mukha (S)ay hindi makikita.

Mga Gawa 7:30-34

30 At nang maganap ang apat na pung taon, ay napakita sa kaniya (A)ang isang anghel sa ilang ng bundok ng Sinai, sa ningas ng apoy sa isang mababang punong kahoy.

31 At nang makita ito ni Moises, ay nanggilalas sa tanawin; at nang siya'y lumapit upang pagmasdan, ay dumating ang isang tinig ng Panginoon,

32 (B)Ako ang Dios ng iyong mga magulang, ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob. At si Moises ay nanginig at hindi nangahas tumingin.

33 At sinabi sa kaniya ng Panginoon, Alisin mo ang mga pangyapak sa iyong mga paa: sapagka't ang dakong kinatatayuan mo ay lupang banal.

34 Totoong nakita ko ang kapighatian ng aking bayang nasa Egipto, at narinig ko ang kanilang hibik, at ako'y bumaba upang sila'y iligtas: at ngayo'y halika, susuguin kita sa Egipto.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978