Add parallel Print Page Options

Nguni't (A)ako'y uod at hindi tao; Duwahagi sa mga tao, at (B)hinamak ng bayan.

Read full chapter

(A)Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: (B)walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.

Siya'y hinamak at itinakuwil (C)ng mga tao; isang (D)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (E)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.

Read full chapter

26 At pagkatapos ng anim na pu't dalawang sanglinggo, (A)mahihiwalay ang pinahiran, (B)at mawawalaan ng anoman: at gigibain ang bayan at ang santuario ng mga tao ng prinsipeng darating; at ang wakas niyaon ay sa pamamagitan ng baha, at hanggang sa wakas ay magkakaroon ng digma; mga pagkasira ay ipinasiya na.

Read full chapter

Gumising ka, Oh tabak, laban sa (A)pastor ko, at laban sa lalake na aking (B)kasama, sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (C)saktan mo ang pastor at ang mga tupa ay mangangalat; at aking ipipihit ang aking kamay laban sa mga maliit.

Read full chapter