Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Complementary)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with thematically matched Old and New Testament readings.
Duration: 1245 days
Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)
Version
Mga Awit 85:8-13

Aking papakinggan kung ano ang sasabihin ng Diyos na Panginoon,
    sapagkat siya'y magsasalita ng kapayapaan sa kanyang bayan
    at sa kanyang mga banal, ngunit huwag silang muling manumbalik sa kahangalan.
Tunay na ang kanyang pagliligtas ay malapit sa kanila na natatakot sa kanya;
    upang ang kaluwalhatian ay manahan sa aming lupain.
10 Magsasalubong ang tapat na pag-ibig at katapatan,
    ang katuwiran at kapayapaan ay maghahalikan.
11 Bubukal sa lupa ang katotohanan,
    at tumitingin mula sa langit ang katuwiran.
12 Oo, ibibigay ng Panginoon kung ano ang mabuti;
    at ang ating lupain ay magbibigay ng kanyang ani.
13 Mangunguna sa kanya ang katuwiran,
    at ang kanyang mga yapak ay gagawing daan.

Amos 3:1-12

Pakinggan ninyo ang salitang ito na sinabi ng Panginoon laban sa inyo, O mga anak ni Israel, laban sa buong sambahayan na aking iniahon papalabas mula sa lupain ng Ehipto:

“Kayo lamang ang aking nakilala sa lahat ng angkan sa lupa;
    kaya't parurusahan ko kayo sa lahat ninyong mga kasamaan.

Ang Gawain ng Propeta

“Makakalakad ba ang dalawa na magkasama,
    malibang sila'y mayroong ginawang tipanan?
Uungal ba ang leon sa gubat,
    kapag wala siyang huli?
Sisigaw ba ang batang leon mula sa kanyang yungib,
    kung wala siyang nahuling anuman?
Malalaglag ba ang ibon sa silo sa ibabaw ng lupa,
    kapag walang silo para dito?
Lulukso ba ang panghuli mula sa lupa,
    kapag wala itong nahuling anuman?
Hihipan ba ang trumpeta sa isang lunsod,
    at ang taong-bayan ay hindi matatakot?
Sasapit ba ang kasamaan sa lunsod,
    malibang ginawa ito ng Panginoon?
Tunay na ang Panginoong Diyos ay walang gagawin,
    malibang kanyang ihayag ang kanyang lihim
    sa kanyang mga lingkod na mga propeta.
Ang leon ay umungal, sinong di matatakot?
    Ang Panginoong Diyos ay nagsalita;
    sinong hindi magsasalita ng propesiya?”

Ang Hatol sa Samaria

Ihayag ninyo sa mga muog sa Asdod,
    at sa mga muog sa lupain ng Ehipto,
at inyong sabihin, “Magtipun-tipon kayo sa mga bundok ng Samaria,
    at inyong masdan ang malaking kaguluhan sa gitna niya,
    at ang pagpapahirap na nasa gitna niya.”
10 “Hindi nila alam ang paggawa ng matuwid,” sabi ng Panginoon,
    “sila na nag-iimbak ng karahasan at pagnanakaw sa kanilang mga muog.”
11 Kaya't ganito ang sabi ng Panginoong Diyos:
“Palilibutan ng isang kaaway ang lupain
    at kanyang ibabagsak ang iyong tanggulan,
    at ang iyong mga muog ay sasamsaman.”

12 Ganito ang sabi ng Panginoon: “Kung paanong inaagaw ng pastol sa bibig ng leon ang dalawang hita, o ang isang piraso ng tainga, gayon ililigtas ang mga anak ni Israel na naninirahan sa Samaria, na may sulok ng hiligan at bahagi ng isang kama.”

Colosas 4:2-18

Iba Pang Tagubilin

Magpatuloy kayo sa pananalangin, at kayo'y magbantay na may pagpapasalamat.

At idalangin din ninyo kami, na buksan ng Diyos para sa amin ang pinto para sa salita, upang aming maipahayag ang hiwaga ni Cristo, na dahil din dito ako'y nakagapos,

upang ito'y aking maipahayag, gaya ng aking nararapat na sabihin.

Lumakad(A) kayo na may karunungan sa harap ng mga nasa labas, na inyong samantalahin ang pagkakataon.

Ang inyong pananalita nawa'y laging may biyaya, na may timplang asin, upang inyong malaman kung paano ninyo dapat sagutin ang bawat isa.

Mga Pagbati at Basbas

Ang(B) lahat na mga bagay tungkol sa akin ay ipababatid sa inyo ni Tiquico, na minamahal na kapatid at tapat na ministro, at kapwa alipin sa Panginoon.

Siya(C) ang aking sinugo sa inyo ukol sa bagay na ito, upang malaman ninyo ang aming kalagayan, at upang kanyang pasiglahin ang inyong mga puso;

kasama(D) niya si Onesimo, tapat at minamahal na kapatid, na siya'y isa sa inyo. Sila ang magbabalita sa inyo tungkol sa lahat ng mga bagay na nangyayari dito.

10 Binabati(E) kayo ni Aristarco na kasama kong bilanggo, at ni Marcos na pinsan ni Bernabe—tungkol sa kanya'y tumanggap kayo ng mga utos—kung magpupunta siya sa inyo, siya ay inyong tanggapin,

11 at si Jesus na tinatawag na Justo. Ang mga ito lamang sa aking mga kamanggagawa sa kaharian ng Diyos ang kabilang sa pagtutuli at sila'y naging kaaliwan ko.

12 Binabati(F) kayo ni Epafras, na isa sa inyo, na alipin ni Cristo Jesus, na siyang laging nagsisikap para sa inyo sa kanyang pananalangin, upang kayo'y tumayong sakdal at lubos na nakakatiyak sa lahat ng kalooban ng Diyos.

13 Sapagkat nagpapatotoo ako para sa kanya na siya'y labis na nagpagal para sa inyo, at sa mga nasa Laodicea, at sa mga nasa Hierapolis.

14 Binabati(G) kayo ni Lucas, ang minamahal na manggagamot, at ni Demas.

15 Batiin ninyo ang mga kapatid na nasa Laodicea, at si Nimfa, at ang iglesyang nasa kanyang bahay.

16 At kapag nabasa na ang sulat na ito sa inyo, ay ipabasa rin ninyo sa iglesya ng mga taga-Laodicea; at basahin naman ninyo ang sulat na mula sa Laodicea.

17 At(H) sabihin ninyo kay Arquipo, “Sikapin mong gampanan ang ministeryo na tinanggap mo sa Panginoon.”

18 Akong si Pablo ay sumusulat ng pagbating ito ng sarili kong kamay. Alalahanin ninyo ang aking mga tanikala. Sumainyo nawa ang biyaya.[a]

Ang Biblia, 2001 (ABTAG2001)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001