Old/New Testament
Ang Pangitain tungkol sa Kaluwalhatian ng Diyos
1 Nang(A) ikalimang araw ng ikaapat na buwan ng ikatatlumpung taon, samantalang ako'y kasama ng mga bihag sa pampang ng Ilog Chebar, ang langit ay nabuksan at ako'y nakakita ng mga pangitain ng Diyos.
2 Nang(B) ikalimang araw ng buwan, na siyang ikalimang taon ng pagkabihag ng Haring Jehoiakin,
3 ang salita ng Panginoon ay dumating kay Ezekiel na pari, na anak ni Buzi, sa lupain ng mga Caldeo sa pampang ng Ilog Chebar; at doon ang kamay ng Panginoon ay sumasakanya.
4 Habang ako'y nakatingin, at narito, isang maunos na hangin ang lumabas mula sa hilaga. May isang malaking ulap na may apoy na patuloy na sumisiklab, may maningning na liwanag na nakapalibot dito at sa gitna ay may parang nagbabagang tanso sa gitna ng apoy.
5 Mula(C) sa gitna nito ay may isang kahawig ng apat na nilalang na may buhay. Ganito ang kanilang anyo: sila'y may anyong tao.
6 Bawat isa ay may apat na mukha at bawat isa sa kanila ay may apat na pakpak.
7 Ang kanilang mga paa ay tuwid at ang talampakan ng kanilang mga paa ay parang talampakan ng paa ng isang guya; at sila'y kumikinang na parang tansong pinakintab.
8 Sila'y may mga kamay ng tao sa ilalim ng kanilang mga pakpak sa kanilang apat na tagiliran. Silang apat ay may kanilang mga mukha, at may kanilang mga pakpak na ganito:
9 ang kanilang mga pakpak ay magkakadikit. Bawat isa sa kanila ay lumalakad nang tuluy-tuloy at hindi lumilingon habang lumalakad.
10 Tungkol(D) sa anyo ng kanilang mga mukha, ang apat ay may mukha ng tao, may mukha ng leon sa kanang tagiliran, may mukha ng baka sa kaliwang tagiliran, at silang apat ay may mukha ng agila;
11 gayon ang kanilang mga mukha. At ang kanilang mga pakpak ay nakabuka sa itaas; bawat nilalang ay may dalawang pakpak na bawat isa ay magkakadikit, samantalang ang dalawa ay nakatakip sa kanilang mga katawan.
12 Bawat isa ay lumakad nang tuwid; saanman pumaroon ang espiritu, doon sila pumaparoon at hindi lumilingon sa kanilang paglakad.
13 Sa(E) gitna ng mga nilalang na may buhay gaya ng mga bagang nagniningas, parang mga sulo na nagpaparoo't parito sa gitna ng mga nilalang na may buhay. Ang apoy ay maningas, at mula sa apoy ay may lumabas na kidlat.
14 At ang mga nilalang na may buhay ay tumakbong paroo't parito na parang kislap ng kidlat.
Ang Apat na Gulong sa Pangitain ni Ezekiel
15 Samantalang(F) minamasdan ko ang mga nilalang na may buhay, narito ang isang gulong sa lupa sa tabi ng mga nilalang na may buhay, isa para sa bawat isa sa kanilang apat.
16 Ganito ang anyo ng mga gulong at ng kanilang pagkayari: ang kanilang anyo ay parang kislap ng berilo; at ang apat ay magkakatulad, ang kanilang pagkayari ay parang isang gulong sa loob ng isang gulong.
17 Kapag sila'y lumakad, sila'y lumalakad sa alinman sa apat na dako na hindi lumilingon habang lumalakad.
18 Tungkol(G) sa kanilang mga rayos ay matataas at kakilakilabot; at itong apat ay may kanilang mga rayos na punô ng mga mata sa palibot.
19 At kapag ang mga nilalang na may buhay ay lumalakad, ang mga gulong ay kasunod sa tabi nila; at kapag ang mga nilalang na may buhay ay tumataas mula sa lupa, ang mga gulong ay tumataas.
20 Kung saanman ang espiritu pumupunta, doon pupunta ang espiritu at ang mga gulong ay tumataas na kasama nila, sapagkat ang espiritu ng mga nilalang na may buhay ay nasa mga gulong.
21 Kapag ang mga iyon ay lumakad, ang mga ito'y lumalakad din; at kapag ang mga iyon ay huminto, sila ay hihinto. Kapag sila ay tumayo mula sa lupa, ang mga gulong ay tatayong kasama nila, sapagkat ang espiritu ng mga nilalang na may buhay ay nasa mga gulong.
Ang Kaluwalhatian na Pangitain ni Ezekiel
22 Sa(H) ibabaw ng ulo ng mga nilalang na may buhay, may isang bagay na kawangis ng kalawakang kumikinang na parang kristal na nakaladlad sa itaas ng kanilang mga ulo.
23 At sa ilalim ng kalawakan ay nakaunat nang tuwid ang kanilang mga pakpak, na ang isa ay paharap sa isa; at bawat nilalang ay may dalawang pakpak na tumatakip sa kanyang katawan sa dakong ito, at bawat isa'y may dalawa na tumatakip sa dakong iyon.
24 Nang(I) sila'y gumalaw, aking narinig ang pagaspas ng kanilang mga pakpak na parang ugong ng maraming tubig, parang tinig ng Makapangyarihan sa lahat, at ugong ng kaguluhan na gaya ng ingay ng isang hukbo. Kapag sila'y nakahinto, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.
25 At may tinig na nagmula sa itaas ng kalawakan na nasa ibabaw ng kanilang mga ulo. Kapag sila'y nakahinto, kanilang ibinababa ang kanilang mga pakpak.
26 Sa(J) itaas ng kalawakan na nasa itaas ng kanilang mga ulo ay may kawangis ng isang trono na parang anyo ng batong zafiro. Sa ibabaw ng kawangis ng trono ay may kawangis ng isang tao na nakaupo sa itaas niyon.
27 At(K) nakita ko sa anyo ng kanyang balakang at paitaas ang isang bagay na tulad ng kumikinang na metal na kung pagmasdan ay gaya ng apoy sa palibot nito, at mula sa anyo ng kanyang balakang at paibaba ay nakita ko ang gaya ng apoy na may ningning sa palibot niya.
28 Gaya ng anyo ng bahaghari na nasa ulap sa araw na maulan, gayon ang anyo ng kinang sa palibot. Gayon ang anyo ng katulad ng kaluwalhatian ng Panginoon. Nang iyon ay aking makita, ako'y nasubasob at aking narinig ang tinig ng isang nagsasalita.
Ang Pagtawag kay Ezekiel
2 Sinabi niya sa akin, “Anak ng tao, tumayo ka sa iyong mga paa, at ako'y makikipag-usap sa iyo.”
2 Nang siya'y magsalita sa akin, ang Espiritu ay pumasok sa akin at itinayo niya ako sa aking mga paa. At narinig ko siya na nagsasalita sa akin.
3 Kanyang sinabi sa akin, “Anak ng tao, isinusugo kita sa mga anak ni Israel, sa isang bansa ng mga mapaghimagsik na naghimagsik laban sa akin. Sila at ang kanilang mga ninuno ay nagkasala laban sa akin hanggang sa araw na ito.
4 Ang mga tao ay wala ring galang at matitigas ang ulo. Isinusugo kita sa kanila at sasabihin mo sa kanila, ‘Ganito ang sabi ng Panginoong Diyos.’
5 Kung pakinggan man nila o hindi (sapagkat sila'y mapaghimagsik na sambahayan) ay malalaman nila na nagkaroon ng propeta sa gitna nila.
6 At ikaw, anak ng tao, huwag kang matakot sa kanila, o matakot man sa kanilang mga salita, bagaman ang mga dawag at mga tinik ay kasama mo, at nauupo ka sa mga alakdan. Huwag kang matakot sa kanilang mga salita, o manlupaypay man sa kanilang harapan, sapagkat sila'y mapaghimagsik na sambahayan.
7 Iyong sasabihin ang aking mga salita sa kanila, pakinggan man nila o hindi; sapagkat sila'y isang mapaghimagsik na sambahayan.
8 “Ngunit ikaw, anak ng tao, pakinggan mo kung ano ang sinasabi ko sa iyo. Huwag kang maging mapaghimagsik na gaya niyong mapaghimagsik na sambahayan. Ibuka mo ang iyong bibig at kainin mo ang ibinibigay ko sa iyo.”
9 Nang(L) ako'y tumingin, at narito ang isang kamay ay nakaunat sa akin at narito, isang balumbon ang nakalagay roon.
10 Iniladlad niya iyon sa harap ko, at doon ay may nakasulat sa harapan at sa likuran, at may nakasulat doon na mga salita ng panaghoy, panangis, at mga daing.
Ang Pananampalataya
11 Ngayon, ang pananampalataya ay ang katiyakan sa mga bagay na inaasahan, ang paninindigan sa mga bagay na hindi nakikita.
2 Tunay na sa pamamagitan nito ang mga tao noong una ay tumanggap ng patotoo.
3 Sa(A) pananampalataya ay nauunawaan natin na ang mga sanlibutan ay nilikha sa pamamagitan ng salita ng Diyos, anupa't ang mga bagay na nakikita ay nagmula sa mga bagay na hindi nakikita.
Ang Pananampalataya nina Abel, Enoc, at Noe
4 Sa(B) pananampalataya si Abel ay nag-alay sa Diyos ng higit na dakilang handog kaysa kay Cain. Sa pamamagitan nito siya'y pinuri bilang matuwid at ang Diyos ang nagpapatotoo sa pamamagitan ng pagtanggap sa kanyang mga kaloob. Patay na siya, gayunma'y nagsasalita pa sa pamamagitan ng kanyang pananampalataya.
5 Sa(C) pananampalataya si Enoc ay dinalang paitaas anupa't hindi na niya naranasan ang kamatayan. “Hindi na siya natagpuan, sapagkat siya'y kinuha ng Diyos.” Sapagkat bago siya dinalang paitaas, pinatotohanan na ang Diyos ay nalugod sa kanya.
6 At kung walang pananampalataya ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos,[a] sapagkat ang sinumang lumalapit sa kanya ay dapat sumampalatayang may Diyos at siya ang tagapagbigay-gantimpala sa mga masigasig na humahanap sa kanya.
7 Sa(D) pananampalataya si Noe, nang mabigyan ng Diyos ng babala tungkol sa mga bagay na hindi pa nakikita, ay pinakinggan ang babala at gumawa ng isang daong para sa kaligtasan ng kanyang sambahayan. Sa pamamagitan nito ay hinatulan niya ang sanlibutan, at siya'y naging tagapagmana ng katuwirang ayon sa pananampalataya.
Ang Pananampalataya ni Abraham
8 Sa(E) pananampalataya si Abraham, nang tawagin, ay sumunod upang pumunta sa isang lugar na kanyang tatanggapin bilang pamana; at siya'y pumunta na hindi nalalaman ang kanyang pupuntahan.
9 Sa(F) pananampalataya siya'y dumayo sa lupang pangako na tulad ng sa ibang lupain, at nanirahan sa mga tolda na kasama sina Isaac at Jacob, na kapwa mga tagapagmana ng gayunding pangako.
10 Sapagkat siya'y umaasa sa lunsod na may mga kinasasaligan, na ang nagplano at nagtayo ay ang Diyos.
11 Sa(G) pananampalataya, maging si Sarah na isang baog ay tumanggap ng kakayahang magkaanak, bagaman lipas na sa tamang gulang, palibhasa'y itinuring niyang tapat ang nangako.
12 Kaya't(H) mula naman sa isang lalaki na parang patay na, ay isinilang ang mga inapo na kasindami ng mga bituin sa langit, at gaya ng di mabilang na mga buhangin sa tabi ng dagat.
13 Ang(I) lahat ng mga ito ay namatay sa pananampalataya na hindi tinanggap ang mga pangako, ngunit mula sa malayo ang mga iyon ay kanilang natanaw at binati. Kanilang ipinahayag na sila'y pawang mga dayuhan at manlalakbay sa ibabaw ng lupa,
14 sapagkat ang mga nagsasabi ng gayong mga bagay ay nagpapakilalang sila ay naghahanap ng sariling bayan.
15 Kung kanilang naalala ang kanilang pinanggalingan, nagkaroon sana sila ng pagkakataong makabalik.
16 Ngunit sila ay nagnanais ng isang higit na mabuting lupain, samakatuwid ay ang makalangit. Kaya't ang Diyos ay hindi nahihiyang tawaging Diyos nila, sapagkat kanyang ipinaghanda sila ng isang lunsod.
17 Sa(J) pamamagitan ng pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay kanyang inihandog si Isaac. Siya na tumanggap ng mga pangako ay handang maghandog ng kanyang bugtong na anak,
18 na(K) tungkol sa kanya ay sinabi, “Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi.”
19 Itinuring niya na maging mula sa mga patay ay maaaring buhayin ng Diyos ang isang tao, at sa matalinghagang pananalita, siya'y muli niyang tinanggap.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 2001