Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)
Version
Roma 8-10

Pamumuhay ayon sa Espiritu

Ngayon nga'y wala nang hatol na parusa sa mga nakipag-isa kay Cristo Jesus.[a] Sapagkat pinalaya na tayo[b] ng Kautusan ng Espiritu na nagbibigay-buhay sa pamamagitan ni Cristo Jesus mula sa kautusan ng kasalanan at ng kamatayan. Ang hindi magawa ng Kautusan, na pinahihina ng laman, ay ginawa ng Diyos sa pamamagitan ng pagsusugo sa kanyang sariling Anak sa anyo ng makasalanang pagkatao upang hatulan niya ang kasalanan. Sa gayon, sa kanya iginawad ang hatol sa kasalanan. Ginawa ito ng Diyos upang ang makatarungang itinatakda ng Kautusan ay matupad sa atin, na namumuhay ayon sa Espiritu at hindi ayon sa laman. Ang mga namumuhay ayon sa laman ay nagtutuon ng kanilang isipan sa masasamang hilig nito. Subalit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nakatuon sa mga nais ng Espiritu. Ang pag-iisip ng laman ay naghahatid sa kamatayan, subalit ang pag-iisip ng Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. Ang pag-iisip ng laman ay pagkapoot laban sa Diyos, sapagkat hindi ito nagpapasakop sa Kautusan ng Diyos, at talaga namang hindi niya ito magagawa. At ang mga namumuhay ayon sa laman ay hindi makapagbibigay-lugod sa Diyos. Ngunit hindi na kayo namumuhay ayon sa laman, kundi ayon sa Espiritu, kung naninirahan sa inyo ang Espiritu ng Diyos. Subalit sinumang walang Espiritu ni Cristo ay hindi kay Cristo. 10 Ngunit kung nasa inyo si Cristo, ang katawan ninyo ay patay dahil sa kasalanan, ngunit ang Espiritu ay buháy dahil sa katuwiran. 11 Kung (A) naninirahan sa inyo ang Espiritu niya na muling bumuhay kay Jesus mula sa kamatayan, siya na muling bumuhay kay Cristo Jesus mula sa kamatayan[c] ay magbibigay rin ng buhay sa inyong mga katawang may kamatayan, sa pamamagitan ng kanyang Espiritu na naninirahan sa inyo. 12 Kaya nga, mga kapatid, may pananagutan tayo, ngunit hindi sa laman, kaya hindi na tayo dapat mamuhay ayon sa laman. 13 Sapagkat mamamatay kayo kung namumuhay kayo ayon sa laman, subalit kung pinapatay ninyo sa pamamagitan ng Espiritu ang mga gawa ng laman, kayo ay mabubuhay. 14 Sapagkat ang lahat ng pinapatnubayan ng Espiritu ng Diyos ay mga anak ng Diyos. 15 Sapagkat (B) (C) hindi kayo tumanggap ng espiritu ng pagkaalipin upang muli kayong matakot, kundi tumanggap kayo ng espiritu ng pagkupkop, bilang mga anak na sa pamamagitan nito'y tumawag tayo, “Abba! Ama!” 16 Ang Espiritu mismo ang nagpapatotoo kasama ng ating espiritu na tayo'y mga anak ng Diyos. 17 At dahil tayo'y mga anak, tayo'y mga tagapagmana ng Diyos at kasamang tagapagmana ni Cristo, kung tunay ngang tayo'y nagtitiis kasama niya, nang sa gayon, tayo'y makakasama niya sa kanyang kaluwalhatian.

Ang Kaluwalhatiang Mapapasaatin

18 Ipinalalagay kong hindi kayang ihambing ang pagtitiis sa kasalukuyang panahon sa kaluwalhatiang ihahayag sa atin. 19 Masidhi ang pananabik ng sangnilikha sa inaasahang paghahayag ng Diyos sa kanyang mga anak. 20 Sapagkat (D) ang sangnilikha ay nasakop ng kabiguan, hindi dahil sa kanyang kagustuhan, kundi dahil doon sa sumakop sa kanya, sa pag-asa 21 na ang sangnilikha ay mapalalaya mula sa pagkaalipin sa pagkabulok at tungo sa kalayaan ng kaluwalhatian ng mga anak ng Diyos. 22 Alam nating hanggang ngayon, ang buong sangnilikha ay dumaraing at naghihirap sa tindi ng kirot tulad ng babaing nanganganak. 23 At (E) hindi lamang ang sangnilikha, kundi pati tayo na mga tumanggap ng mga unang bunga ng Espiritu. Naghihirap din ang ating mga kalooban at dumaraing habang hinihintay ang ganap na pagkupkop sa atin bilang mga anak, ang paglaya ng ating katawan. 24 Iniligtas tayo dahil sa pag-asang ito. Ngunit hindi na matatawag na pag-asa kung nakikita na natin ang ating inaasahan. Sinong tao ang aasa pa sa bagay na nakikita na? 25 Subalit kung umaasa tayo sa hindi pa natin nakikita, hinihintay natin iyon nang buong pagtitiyaga.

26 Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, ngunit ang Espiritu mismo ang dumaraing[d] sa paraang hindi kayang bigkasin sa salita. 27 At ang Diyos na nakasisiyasat ng ating mga puso ang nakaaalam sa kaisipan ng Espiritu, sapagkat ang Espiritu ang namamagitan para sa mga banal ayon sa kalooban ng Diyos. 28 At alam nating ang Diyos ay gumagawa ng lahat ng bagay para sa ikabubuti ng mga nagmamahal sa kanya, sa kanilang mga tinawag ayon sa kanyang layunin. 29 Sapagkat ang mga kinilala niya noong una pa man ay itinalaga rin niya na maging katulad sa larawan ng kanyang Anak, upang siya ang maging panganay sa maraming magkakapatid. 30 At ang mga itinalaga niya ay kanya ring tinawag, at ang mga tinawag niya ay itinuring niyang matuwid; at ang mga itinuring niyang matuwid ay niluwalhati rin niya.

Ang Pag-ibig ng Diyos

31 Ano ngayon ang ating sasabihin tungkol sa mga bagay na ito? Kung ang Diyos ay kakampi natin, sino ang makalalaban sa atin? 32 Kung hindi niya ipinagkait ang sariling Anak kundi ibinigay siya para sa ating lahat, hindi kaya kasama rin niyang ibibigay nang masagana sa atin ang lahat ng bagay? 33 Sino ngayon ang maghaharap ng sakdal laban sa mga hinirang ng Diyos? Ang Diyos ang nagtuturing na matuwid. 34 Sino ang hahatol upang ang tao'y parusahan? Si Cristo Jesus ba na namatay ngunit muling binuhay, na ngayon ay nasa kanan ng Diyos at siya ring namamagitan para sa atin? 35 Mayroon bang makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ni Cristo? Ang kahirapan ba, kapighatian, pag-uusig, taggutom, kahubaran, panganib, o ang tabak? 36 Gaya (F) ng nasusulat,

“Dahil sa iyo'y maghapon kaming nabibingit sa kamatayan;
    itinuring kaming mga tupa sa katayan.”

37 Subalit sa lahat ng mga ito tayo'y lubos na nagtatagumpay sa pamamagitan niya na nagmamahal sa atin. 38 Sapagkat lubos akong naniniwala na kahit kamatayan o buhay, mga anghel, mga pamunuan, mga bagay na kasalukuyan, mga bagay na darating, maging mga kapangyarihan, 39 kataasan, o kalaliman, o kahit anumang bagay na nilikha ay hindi makapaghihiwalay sa atin sa pag-ibig ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon.

Ang Pagkahirang ng Diyos sa Israel

Yamang ako'y kay Cristo, katotohanan ang sinasabi ko; sa pamamagitan ng Banal na Espiritu ay nagpapatotoo ang aking budhi at hindi ako nagsisinungaling. Matindi ang aking kalungkutan at di mapawi ang pagdaramdam ng aking puso, dahil sa aking mga kababayan at kalahi. Nanaisin ko pang ako'y sumpain at mahiwalay kay Cristo alang-alang sa kanila. Sila'y (G) mga Israelita, sila'y kinupkop bilang mga anak. Ipinakita sa kanila ang kaluwalhatian ng Diyos; ibinigay sa kanila ang pakikipagtipan at ang Kautusan, ang tungkol sa pagsamba, at ang mga pangako. Sa kanila ang mga patriyarka, at sa kanilang lahi nagmula ang Cristo ayon sa laman, Diyos na Kataas-taasan at Maluwalhati magpakailanpaman. Amen.[e]

Hindi nangangahulugang nawalan ng saysay ang salita ng Diyos. Sapagkat hindi naman lahat ng buhat sa Israel ay kabilang sa Israel. At (H) hindi rin lahat ng nagmula kay Abraham ay mga anak ni Abraham, sa halip—nasusulat, “Sa pamamagitan ni Isaac, ang iyong mga anak ay kikilalanin.” Ang ibig sabihin nito, hindi lahat ng anak ayon sa laman ay ibinibilang na anak ng Diyos, kundi iyong mga ipinanganak ayon sa pangako ng Diyos. Sapagkat (I) ganito ang isinasaad ng pangako, “Sa ganito ring panahon ay babalik ako at magkakaanak si Sarah ng isang lalaki.” 10 At hindi lamang iyon, si Rebecca rin nang siya'y nagdalang-tao sa pamamagitan ng isang lalaki, si Isaac, na ating ninuno, 11 bagaman ang mga bata ay hindi pa isinisilang, at hindi pa nakagagawa ng anumang mabuti o masama, ipinakita ng Diyos ang kanyang pagpili. 12 At ito'y (J) hindi batay sa mga gawa, kundi ayon sa layunin ng tumatawag. Sinabihan si Rebecca ng ganito, “Ang mas matanda ay maglilingkod sa mas bata.” 13 Gaya (K) ng nasusulat,

“Si Jacob ay aking minahal,
    ngunit si Esau ay aking kinasuklaman.”

14 Ano ngayon ang ating sasabihin? Ang Diyos ba ay hindi makatarungan? Huwag nawang mangyari! 15 Sapagkat (L) ganito ang sinabi niya kay Moises,

“Maaawa ako sa nais kong kaawaan,
    at kahahabagan ko ang nais kong kahabagan.”

16 Samakatuwid ang pagpili ay hindi ayon sa kagustuhan o pagsisikap ng tao, kundi ayon sa awa ng Diyos. 17 Sapagkat (M) sinasabi ng Kasulatan kay Faraon, “Ginawa kitang hari upang sa pamamagitan mo ay maipakita ko ang aking kapangyarihan, at upang maipahayag ang aking pangalan sa buong daigdig.” 18 Kaya kinaawaan ng Diyos ang nais niyang kaawaan, at pinatitigas ang puso ng sinumang nais niyang pagmatigasin.

Ang Poot at Habag ng Diyos

19 Maaaring sabihin ninyo sa akin, “Kung gayo'y bakit sinisisi pa tayo ng Diyos? Sino ba ang maaaring sumalungat sa kanyang kagustuhan?” 20 Ngunit, (N) sino ka ba, O tao, na sasagot nang laban sa Diyos? Sasabihin ba ng hinubog doon sa humubog sa kanya, “Bakit mo ako ginawang ganito?” 21 Wala bang karapatan ang magpapalayok na bumuo mula sa isang tumpok ng putik ng isang sisidlan para sa mahalagang gamit at ng isa pang sisidlan para sa pangkaraniwang gamit? 22 Kung nais ipakita ng Diyos ang kanyang poot at ipakilala ang kanyang kapangyarihan, buong tiyaga pa rin ba niyang pagtitiisan ang mga sisidlan ng poot na inihanda para sa pagkawasak? 23 Hindi ba't ginawa niya ito upang ipakilala ang yaman ng kanyang kaluwalhatian sa mga sisidlan ng awa, na noong una pa ay inihanda na niya para sa kaluwalhatian? 24 Hindi ba kabilang tayo sa kanyang mga tinawag, hindi lamang mula sa mga Judio, kundi mula rin sa mga Hentil? 25 Gaya (O) ng sinasabi niya sa aklat ni Hosea,

“Tatawagin kong ‘Bayan ko’ ang dating hindi ko bayan;
    at ‘Minamahal’ ang dating hindi ko mahal.”
26 “At (P) sa mismong lugar kung saan sinabi sa kanila, ‘Kayo'y hindi ko bayan,’
    ay tatawaging ‘mga anak ng Diyos na buháy.’ ”

27 Ito (Q) naman ang isinisigaw ni Isaias tungkol sa Israel, “Kahit maging kasindami ng buhangin sa dagat ang bilang ng mga anak ni Israel, ang kaunting nalabi lamang sa kanila ang maliligtas. 28 Sapagkat mabilis at tiyak na igagawad ng Panginoon ang kanyang hatol sa daigdig.” 29 Gaya ng sinabi (R) ni Isaias noong una,

“Kung ang Makapangyarihang Panginoon ay hindi nagtira ng mga anak,[f]
    tayo sana'y naging tulad ng Sodoma,
    at naging gaya ng Gomorra.”

Ang Israel at ang Ebanghelyo

30 Ano ngayon ang sasabihin natin? Ang mga Hentil na hindi nagsikap na maging matuwid ay naging matuwid, at ito'y mula sa pananampalataya. 31 Ngunit ang Israel na nagsikap maging matuwid batay sa Kautusan ay nabigo. 32 Bakit? Sapagkat sinikap nilang maging matuwid batay sa mga gawa, at hindi batay sa pananampalataya. Natisod sila sa batong katitisuran, 33 gaya ng nasusulat,

“Tingnan ninyo, (S) maglalagay ako sa Zion ng isang katitisurang bato,
    isang malaking batong ikabubuwal ng mga tao,
ngunit ang sinumang sa kanya'y magtitiwala,
    kailanman ay hindi mapapahiya.”

10 Mga kapatid, hangarin ng aking puso at dalangin sa Diyos na maligtas ang sambayanang Israel. Makapagpapatunay ako na masigasig sila tungkol sa Diyos, subalit hindi ito ayon sa tamang pagkaunawa. Dahil hindi nila nauunawaan ang pagiging matuwid na nagmumula sa Diyos, at nagsisikap silang magtayo ng sariling paraan upang maging matuwid, hindi sila nagpasakop sa paraan ng Diyos sa pagiging matuwid. Si Cristo ang katuparan ng Kautusan upang maging matuwid ang bawat sumasampalataya sa kanya.

Kaligtasan para sa Lahat

Ganito (T) ang sinulat ni Moises tungkol sa pagiging matuwid batay sa Kautusan, “Ang taong gumagawa ng mga bagay na ito ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.” Ngunit (U) ganito naman ang sinasabi ng pagiging matuwid batay sa pananampalataya, “Huwag mong sabihin sa iyong sarili, ‘Sino ang aakyat sa langit?’ ”—ito ay upang ibaba si Cristo. “O, ‘Sino ang lulusong sa kailaliman?’ ”—ito ay upang iahon si Cristo mula sa mga patay. Ngunit ano ang sinasabi nito? “Malapit sa iyo ang salita, nasa iyong bibig, at nasa iyong puso.” Ito ang salita ng pananampalataya na aming ipinapangaral. Sapagkat kung ipahahayag mo sa pamamagitan ng iyong bibig na si Jesus ay Panginoon, at sasampalataya ka nang buong puso na binuhay siyang muli ng Diyos mula sa kamatayan ay maliligtas ka. 10 Sapagkat sumasampalataya ang tao sa pamamagitan ng puso tungo sa pagiging matuwid at nagpapahayag sa pamamagitan ng bibig tungo sa kaligtasan. 11 Sinasabi (V) ng kasulatan, “Ang sinumang sumasampalataya sa kanya ay hindi mapapahiya.” 12 Walang pagkakaiba ang Judio at Griyego, sapagkat iisa ang Panginoon ng lahat, at siya'y mapagpala sa lahat ng tumatawag sa kanya. 13 Sapagkat, (W) “Ang bawat tumatawag sa pangalan ng Panginoon ay maliligtas.” 14 Ngunit paano sila tatawag sa hindi nila sinampalatayanan? Paano naman sila sasampalataya sa hindi nila napakinggan? At paano sila makikinig kung walang mangangaral? 15 At (X) paano sila mangangaral kung hindi sila isinugo? Gaya ng nasusulat, “Napakaganda ng mga paang nagdadala ng mabuting balita!” 16 Subalit (Y) hindi lahat ay sumunod sa ebanghelyo. Sapagkat sinasabi ni Isaias, “Panginoon, sino ang naniwala sa aming balita?” 17 Kaya ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang naririnig ay sa pamamagitan ng pangangaral ng salita ni Cristo.[g] 18 Ngunit (Z) sinasabi ko, hindi ba't narinig nila? Talagang narinig nila, ayon sa nasusulat,

“Umabot sa lahat ng dako ang kanilang tinig,
    lumaganap ang kanilang mga salita hanggang sa dulo ng daigdig.”

19 Ngunit (AA) ang tanong ko, hindi ba nauunawaan ng Israel? Una, sinasabi sa pamamagitan ni Moises,

“Pagseselosin ko kayo sa pamamagitan nila na hindi naman bansa,
    gagalitin ko kayo sa pamamagitan ng isang bansang walang pagkaunawa.”

20 At (AB) sa pamamagitan ni Isaias ay buong tapang na sinasabi,

“Natagpuan ako ng mga taong hindi humahanap sa akin;
    Nagpakita ako sa mga taong hindi naman ako ipinagtatanong.”

21 Subalit (AC) tungkol naman sa Israel ay sinasabi niya, “Mga kamay ko'y nag-aanyaya buong araw sa isang matigas ang ulo at suwail na bayan!”

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version (FSV)

Ang Bagong Tipan: Filipino Standard Version, Copyright © Philippine Bible Society 2009.