Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
7 Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
8 Nang iyong sabihin, (A)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
9 (B)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (C)Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 (D)Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 (E)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay (F)nagsibangon laban sa akin,
At ang (G)nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
(H)Sa lupain ng may buhay.
14 (I)Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.
8 (A)Juda, ikaw ay pupurihin ng iyong mga kapatid:
(B)Ang iyong kamay ay magpapahinga sa leeg ng iyong mga kaaway:
(C)Ang mga anak ng iyong ama ay yuyukod sa harap mo.
9 (D)Si Juda'y isang anak ng leon, Mula sa panghuhuli, anak ko umahon ka:
(E)Siya'y yumuko, siya'y lumugmok na parang leon;
At parang isang leong babae; sinong gigising sa kaniya?
10 (F)Ang setro ay hindi mahihiwalay sa Juda,
(G)Ni ang tungkod ng pagkapuno sa pagitan ng kaniyang mga paa,
(H)Hanggang sa ang Shiloh ay dumating;
(I)At sa kaniya tatalima ang mga bansa.
11 Naitatali ang kaniyang batang asno sa puno ng ubas.
At ang guya ng kaniyang asno sa puno ng piling ubas;
Nilabhan niya ang kaniyang suot sa alak,
At ang kaniyang damit sa katas ng ubas.
12 (J)Ang kaniyang mga mata ay mamumula sa alak,
At ang kaniyang mga ngipin ay mamumuti sa gatas.
13 (K)Si Zabulon ay tatahan sa daongan ng dagat:
At siya'y magiging daongan ng mga sasakyan;
At ang kaniyang hangganan ay magiging hanggang Sidon.
21 Si Nephtali ay isang usang babaing kawala:
Siya'y nagbabadya ng maririkit na pananalita.
22 Si Jose ay sangang mabunga,
Sangang mabunga na nasa tabi ng bukal;
Ang kaniyang mga sanga'y gumagapang sa pader.
23 (A)Pinamanglaw siya ng mga mamamana,
At pinana siya, at inusig siya:
24 (B)Nguni't ang kaniyang busog ay nanahan sa kalakasan,
At pinalakas ang mga bisig ng kaniyang mga kamay,
Sa pamamagitan ng mga kamay ng (C)Makapangyarihan ni Jacob,
(Na siyang pinagmulan ng (D)pastor, ang (E)bato ng Israel),
25 (F)Sa pamamagitan nga ng Dios ng iyong ama, na siyang tutulong sa iyo,
At sa pamamagitan ng Makapangyarihan sa lahat, na siyang magpapala sa iyo,
Ng pagpapala ng langit sa itaas, Pagpapala ng mga kalaliman na nalalagay sa ibaba,
Pagpapala ng mga dibdib at ng bahay-bata.
26 Ang mga basbas ng iyong ama na humigit sa basbas ng aking mga kanunuan
(G)Hanggang sa wakas ng mga burol na walang hanggan:
Mangapapasa ulo ni Jose,
At sa tuktok ng ulo niya na bukod tangi sa kaniyang mga kapatid.
67 At si Zacarias na kaniyang ama ay (A)napuspos ng Espiritu Santo, at nanghula, na nagsasabi,
68 Purihin ang (B)Panginoon, ang Dios ng Israel;
Sapagka't (C)kaniyang dinalaw at tinubos ang kaniyang bayan,
69 At nagtaas sa atin (D)ng isang sungay ng kaligtasan
Sa bahay ni David na kaniyang alipin
70 (Gaya ng sinabi niya (E)sa pamamagitan ng kaniyang mga banal na propeta na nagsilitaw (F)buhat nang unang panahon),
71 Kaligtasang mula sa ating mga kaaway, at sa kamay ng lahat ng nangapopoot sa atin;
72 (G)Upang magkaawang-gawa sa ating mga magulang,
At (H)alalahanin ang kaniyang banal na tipan;
73 Ang sumpa (I)na isinumpa niya kay Abraham na ating ama,
74 Na ipagkaloob sa atin na yamang nangaligtas sa kamay ng ating mga kaaway,
Ay paglingkuran natin siya ng walang takot,
75 Sa kabanalan (J)at katuwiran sa harapan niya, lahat ng ating mga araw.
76 Oo at ikaw, sanggol, tatawagin kang (K)propeta ng (L)kataastaasan;
Sapagka't (M)magpapauna ka sa unahan ng mukha ng Panginoon, upang ihanda ang kaniyang mga daan;
77 Upang (N)maipakilala ang kaligtasan sa kaniyang bayan,
Sa pagkapatawad ng kanilang mga kasalanan,
78 Dahil sa magiliw na habag ng aming Dios,
Ang pagbubukang liwayway buhat sa kaitaasan ay dadalaw sa atin,
79 (O)Upang liwanagan (P)ang nangakalugmok sa kadiliman at sa lilim ng kamatayan;
Upang itumpak ang ating mga paa sa daan ng (Q)kapayapaan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978