Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.
15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(A)Sinong tatahan sa iyong banal na (B)bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (C)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 (D)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(E)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 (F)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (G)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.
17 (A)Huwag mong ililiko ang matuwid ng taga ibang bayan, ni ng ulila; ni huwag mong kukuning sangla ang damit ng babaing bao:
18 Kundi (B)aalalahanin mo na ikaw ay naging alipin sa Egipto, at tinubos ka ng Panginoon mong Dios mula roon: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin mo ang bagay na ito.
19 (C)Pagka iyong aanihin ang iyong ani sa bukid, at nakalimot ka ng isang bigkis sa bukid, ay huwag mong pagbabalikang kunin: magiging sa taga ibang lupa, sa ulila, at sa babaing bao: upang pagpalain ka ng Panginoon mong Dios sa lahat ng gawa ng iyong mga kamay.
20 Pagka iyong papaspasan ang iyong puno ng olibo, ay huwag mong pagbabalikan ang mga nalagpasan; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.
21 Pagka ikaw ay namimitas sa iyong ubasan, ay (D)huwag mong pupulutin ang nasa likuran mo; magiging sa taga ibang bayan, sa ulila, at sa babaing bao.
22 At (E)iyong aalalahanin na naging alipin ka sa lupain ng Egipto: kaya't iniuutos ko sa iyong gawin ang bagay na ito.
Batas sa paghatol at sa pagkamatay ng asawa.
25 Kung magkaroon ng (F)pagkakaalit ang mga tao, at sila'y dumating sa hukuman, at sila'y hatulan ng mga hukom; ay kanila ngang (G)mamatuwirin ang may matuwid at hahatulan ang salarin:
2 At mangyayari, na kung ang salarin ay marapat paluin, ay padadapain siya ng hukom sa lupa, at papaluin sa kaniyang harap, ayon sa kaniyang sala na may bilang,
3 (H)Apat na pung palo ang maibibigay niya sa kaniya, huwag niyang lalagpasan: baka kung siya'y lumagpas, at paluin niya ng higit sa mga ito ng maraming palo, ay maging hamak nga sa iyo ang iyong kapatid.
4 (I)Huwag mong lalagyan ng pugong ang baka pagka gumigiik.
17 (A)Ang mga matanda na (B)nagsisipamahalang mabuti (C)ay ariing may karapatan sa ibayong (D)kapurihan, lalong lalo na ang mga nangagpapagal sa salita at sa pagtuturo.
18 Sapagka't sinasabi ng kasulatan, (E)Huwag mong lalagyan ng busal ang baka pagka gumigiik. (F)At, ang nagpapagal ay karapatdapat sa kaupahan sa kaniya.
19 Laban sa matanda ay huwag kang tatanggap ng sumbong, maliban (G)sa dalawa o tatlong saksi.
20 Sila na mga nagkakasala ay paalalahanan mo sa harapan ng lahat upang ang iba nama'y mangatakot.
21 Pinagbibilinan kita sa paningin ng (H)Dios, at ni Cristo Jesus, at ng mga anghel na hinirang, na iyong ganapin ang mga bagay na ito na walang pagtatangi na huwag mong gagawin ang anomang pagayo.
22 (I)Huwag mong ipatong (J)na madalian ang iyong mga kamay sa kanino man, (K)ni huwag kang makaramay sa mga kasalanan ng iba: ingatan mong malinis ang iyong sarili.
23 Huwag kang iinom pa ng tubig lamang, kundi gumamit ka ng (L)kaunting alak dahil sa iyong sikmura at sa iyong madalas na pagkakasakit.
24 Ang mga kasalanan ng ilang tao ay hayag na, (M)na nagsisipanguna sa paghukom: at ang ilang mga tao naman ay kanilang sinusundan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978