Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang pagbabata sa pagpuri at panalangin ng tulong. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.
40 (A)Aking hinintay na may pagtitiis ang Panginoon;
At siya'y kumiling sa akin, at dininig ang aking daing.
2 Isinampa naman niya ako mula sa isang kakilakilabot na balon, (B)mula sa balahong malagkit;
(C)At itinuntong niya ang aking mga paa sa isang malaking bato, at (D)itinatag ang aking mga paglakad.
3 (E)At siya'y naglagay ng bagong awit sa aking bibig, sa makatuwid baga'y pagpuri sa aming Dios:
Marami ang mangakakakita at mangatatakot,
At magsisitiwala sa Panginoon.
4 (F)Mapalad ang tao na ginagawang kaniyang tiwala ang Panginoon,
At hindi iginagalang ang palalo, ni ang mga naliligaw man sa pagsunod sa mga kabulaanan.
5 (G)Marami, Oh Panginoon kong Dios, ang mga kagilagilalas na mga gawa na iyong ginawa,
(H)At ang iyong mga pagiisip sa amin:
Hindi malalagay na maayos sa harap mo;
Kung ako'y magpapahayag at sasalitain ko sila,
Sila'y higit kay sa mabibilang.
6 (I)Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
7 Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako;
(J)Sa balumbon ng aklat ay (K)nakasulat tungkol sa akin:
8 (L)Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay (M)nasa loob ng aking puso.
9 Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran (N)sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang (O)iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
Si Sebna ay papalitan ni Eliacim.
15 Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Panginoon ng mga hukbo, Ikaw ay yumaon, pumaroon ka sa tagaingat-yamang ito samakatuwid baga'y kay (A)Sebna, na katiwala sa bahay, at iyong sabihin,
16 Anong ginagawa mo rito? at sinong ibinaon mo rito, na gumawa ka rito ng isang libingan para sa iyo? na gumagawa ka ng libingan sa itaas, at umuukit ka ng tahanan niyang sarili sa malaking bato!
17 Narito, ibabagsak kang bigla ng Panginoon na gaya ng malakas na tao: oo, kaniyang hihigpitan ka.
18 Tunay niyang papipihit-pihitin at itatapon ka na parang bola sa malaking lupain; doon ka mamamatay, at doon malalagay ang mga karo ng iyong kaluwalhatian, ikaw na kahihiyan ng sangbahayan ng iyong panginoon.
19 At aalisin kita sa iyong katungkulan, at sa iyong kinaroroonan ay ibubuwal ka.
20 At mangyayari sa araw na yaon, na aking tatawagin ang aking lingkod na si (B)Eliacim na anak ni Hilcias:
21 At aking susuutan siya ng iyong balabal, at patitibayin siya ng iyong pamigkis, at aking ipagkakatiwala ang iyong pamamahala sa kaniyang kamay: at siya'y magiging ama sa mga nananahan sa Jerusalem, at sa sangbahayan ni Juda.
22 At ang katungkulan sa sangbahayan ni David ay iaatang ko (C)sa kaniyang balikat; (D)at siya'y magbubukas, at walang magsasara; at siya'y magsasara, at walang magbubukas.
23 At aking ikakapit siya na parang (E)pako sa isang matibay na dako; at siya'y magiging (F)pinakaluklukan ng kaluwalhatian sa sangbahayan ng kaniyang magulang.
24 At kanilang ipagkakaloob sa kaniya ang buong kaluwalhatian ng sangbahayan ng kaniyang magulang, ang mga anak at ang angkan, bawa't sisidlan, mula sa mga munting sisidlan hanggang sa mga malalaking sisidlan.
25 Sa araw na yaon, sabi ng Panginoon ng mga hukbo, (G)matatanggal ang pakong nakapit sa matibay na dako; at mababalikwat, at mahuhulog, at (H)ang mga sabit niyaon ay malalaglag; (I)sapagka't sinalita ng Panginoon.
6 Ako'y namamangha na kay dali ninyong nagsilipat sa ibang evangelio (A)buhat sa tumawag sa inyo sa biyaya ni Cristo;
7 Na ito'y hindi ibang evangelio: (B)kundi mayroong ilan (C)na sa inyo'y nagsisiligalig, at nangagiibig na pasamain ang evangelio ni Cristo.
8 Datapuwa't kahima't kami, o (D)isang anghel na mula sa langit, ang mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba sa aming ipinangangaral sa inyo, ay matakuwil.
9 Ayon sa aming sinabi nang una, ay muling gayon ang aking sinasabi ngayon, Kung ang sinoman ay mangaral sa inyo ng anomang evangelio na iba kay sa inyong tinanggap na, ay (E)matakuwil.
10 Sapagka't (F)ako baga'y nanghihikayat ngayon sa mga tao o sa Dios? o ako baga'y nagsisikap na magbigay-lugod sa mga tao? kung ako'y magbibigay-lugod pa sa mga tao, ay hindi ako magiging alipin ni Cristo.
11 Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa (G)evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.
12 Sapagka't (H)hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap (I)sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978