Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang pangkalahatang paghahari ng Panginoon.
2 Ang salita na (A)naalaman ni Isaias na anak ni Amoz tungkol sa Juda at Jerusalem.
2 At (B)mangyayari (C)sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; (D)at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
3 At maraming bayan ay magsisiyaon at mangagsasabi, (E)Halina kayo, at tayo'y magsiahon sa bundok ng Panginoon, sa bahay ng Dios ni Jacob; at tuturuan niya tayo ng kaniyang mga daan, at tayo'y magsisilakad sa kaniyang mga landas: sapagka't mula sa Sion ay lalabas ang kautusan, at ang salita ng Panginoon ay mula sa Jerusalem.
4 At siya'y hahatol sa gitna ng mga bansa, at sasaway sa maraming tao: at (F)kanilang pupukpukin ang kanilang mga tabak upang maging mga sudsod, at ang kanilang mga sibat ay maging mga karit: ang bansa ay hindi magtataas ng tabak laban sa bansa, (G)o mangagaaral pa man sila ng pakikipagdigma.
5 Oh sangbahayan ni Jacob, halikayo, at tayo'y magsilakad sa liwanag ng Panginoon.
Panalangin para sa katiwasayan ng Jerusalem. Awit sa mga Pagsampa; ni David.
122 Ako'y natutuwa nang kanilang sabihin sa akin,
Tayo'y magsiparoon (A)sa bahay ng Panginoon.
2 Ang mga paa natin ay nagsisitayo
Sa loob ng iyong mga pintuang-bayan, Oh Jerusalem;
3 Jerusalem, na natayo
Na parang bayang (B)siksikan:
4 (C)Na inaahon ng mga lipi, sa makatuwid baga'y ng mga lipi ng Panginoon,
(D)Na pinaka patotoo sa Israel,
Upang magpasalamat sa pangalan ng Panginoon.
5 (E)Sapagka't doo'y nalagay ang mga luklukan na ukol sa kahatulan,
Ang mga luklukan ng sangbahayan ni David.
6 (F)Idalangin ninyo ang kapayapaan ng Jerusalem:
Sila'y magsisiginhawa na nagsisiibig sa iyo.
7 Kapayapaan nawa ang sumaloob ng inyong mga kuta,
At kaginhawahan sa loob ng iyong mga palasio.
8 Dahil sa aking mga kapatid at aking mga kasama,
Aking sasabihin ngayon,
(G)Kapayapaan ang sumaiyong loob.
9 Dahil sa bahay ng Panginoon nating Dios.
(H)Hahanapin ko ang iyong buti.
11 At ito, yamang nakikilala ang panahon, na ngayo'y kapanahunan nang (A)magsigising kayo sa pagkakatulog: sapagka't ngayon ay lalong malapit na sa atin ang kaligtasan kay sa nang tayo'y magsisampalataya nang una.
12 (B)Ang gabi ay totoong malalim, at ang araw ay malapit na: (C)iwaksi nga natin ang mga gawa ng kadiliman, at (D)ating isakbat ang mga sandata ng kaliwanagan.
13 Magsilakad tayong mahinhin, gaya ng sa araw; huwag sa katakawan at paglalasing, huwag sa (E)kalibugan at sa kahalayan, huwag sa mga pagkakaalit at pagkakainggitan.
14 Kundi bagkus isakbat ninyo (F)ang Panginoong Jesucristo, at huwag ninyong paglaanan ang laman, upang masunod ang mga kahalayan noon.
36 Nguni't tungkol sa araw at oras na yaon (A)walang makakaalam, kahit ang mga anghel sa langit, kahit ang Anak, (B)kundi ang Ama lamang.
37 (C)At kung paano ang mga araw ni Noe, gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
38 Sapagka't gaya ng mga araw (D)bago nagkagunaw, sila'y nagsisikain at nagsisiinom, at nangagaasawa at pinapapagaasawa, hanggang sa araw na pumasok si Noe sa daong,
39 At hindi nila nalalaman hanggang sa dumating ang paggunaw, at sila'y tinangay na lahat; ay gayon din naman ang pagparito ng Anak ng tao.
40 Kung magkagayo'y sasa bukid ang dalawang lalake; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan:
41 Dalawang babaing nagsisigiling sa isang gilingan; ang isa'y kukunin, at ang isa'y iiwan.
42 (E)Mangagpuyat nga kayo: (F)sapagka't hindi ninyo nalalaman kung anong araw paririto ang inyong Panginoon.
43 Datapuwa't (G)ito'y talastasin ninyo, na kung nalalaman ng puno ng sangbahayan kung anong panahon darating (H)ang magnanakaw, ay siya'y magpupuyat, at hindi niya pababayaang tibagin ang kaniyang bahay.
44 Kaya nga kayo'y magsihanda naman; sapagka't paririto ang Anak ng tao sa oras na hindi ninyo iniisip.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978