); Isaiah 49:13-23 (God comforts the suffering); Matthew 18:1-14 (Become like a child) (Ang Biblia (1978))
Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang buong nilalang ay pinapagpupuri sa Panginoon.
148 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon mula sa mga langit:
Purihin ninyo siya sa mga kaitaasan.
2 (A)Purihin ninyo siya, ninyong lahat niyang mga anghel:
Purihin ninyo siya, buo niyang hukbo.
3 Purihin ninyo siya, araw at buwan:
Purihin ninyo siya, ninyong lahat na mga bituing maliwanag.
4 Purihin ninyo siya, ninyong mga langit ng mga langit,
(B)At ninyong tubig na nasa itaas ng mga langit.
5 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon:
Sapagka't (C)siya'y nagutos, at sila'y nangalikha.
6 (D)Kaniya rin namang ipinagtatatag magpakailan-kailan man:
Siya'y gumawa ng pasiya na hindi mapapawi.
7 Purihin ninyo ang Panginoon mula sa lupa,
Ninyong mga buwaya, at lahat ng mga kalaliman:
8 Apoy at granizo, nieve at singaw;
Unos na hangin, na (E)gumaganap ng kaniyang salita:
9 (F)Mga bundok at lahat ng mga gulod;
Mga mabungang kahoy at lahat ng mga cedro:
10 Mga hayop at buong kawan;
Nagsisiusad na bagay at ibong lumilipad:
11 Mga hari sa lupa at lahat ng mga bayan;
Mga pangulo at lahat ng mga hukom sa lupa:
12 Mga binata at gayon din ng mga dalaga;
Mga matanda at mga bata:
13 Purihin nila ang pangalan ng Panginoon;
Sapagka't ang kaniyang pangalang magisa ay nabunyi:
Ang kaniyang kaluwalhatian ay nasa itaas ng lupa at mga langit.
14 At itinaas niya ang sungay ng kaniyang bayan,
Ang papuri ng lahat niyang mga banal;
Sa makatuwid baga'y ng mga anak ni Israel, (G)na bayang malapit sa kaniya.
Purihin ninyo ang Panginoon.
13 Ikaw ay umawit, Oh langit; (A)at magalak, Oh lupa; at kayo'y biglang magsiawit, Oh mga bundok: sapagka't inaliw ng Panginoon ang kaniyang bayan, at mahahabag sa kaniyang nagdadalamhati.
14 Nguni't sinabi ng Sion, (B)Pinabayaan ako ni Jehova, at nilimot ako ng Panginoon.
15 Malilimutan ba ng babae (C)ang kaniyang batang pasusuhin; na siya'y hindi mahahabag sa anak ng kaniyang bahay-bata? oo, ito'y makalilimot, (D)nguni't hindi kita kalilimutan.
16 Narito (E)aking inanyuan ka sa mga palad ng aking mga kamay; ang iyong mga kuta ay laging nangasa harap ko.
17 Ang iyong mga anak ay mangagmamadali; ang mga manghahamak sa iyo at ang sumisira sa iyo ay aalis sa iyo.
18 Imulat mo ang iyong mga mata sa palibot, (F)at tingnan mo: lahat ng mga ito ay nagpipipisan, at naparirito sa iyo. Buháy ako, sabi ng Panginoon, ikaw ay mabibihisan (G)ng lahat ng mga yaon, na parang pinakagayak, at mabibigkisan ka (H)ng mga yaon na parang isang kasintahang babae.
19 Sapagka't tungkol sa iyong mga sira at sa iyong mga gibang dako at sa iyong lupain na nawasak, tunay na ikaw (I)ngayon ay magiging totoong napakakipot sa mga mananahan, at silang nagsisisakmal sa iyo ay mangalalayo.
20 (J)Ang mga anak ng inyong kapanglawan ay mangagsasabi pa sa iyong mga pakinig, Ang dako ay totoong makipot sa ganang akin: (K)bigyan mo ako ng dako upang aking matahanan.
21 Kung magkagayo'y sasabihin mo sa iyong sarili, (L)Sinong nanganak ng mga ito sa akin, dangang nawalan ako ng aking mga anak, at ako'y nagiisa, tapon, at lumalaboy na paroo't parito? at sinong nagpalaki ng mga ito? Narito, ako'y naiwang magisa; mga ito, saan nangandoon?
22 Ganito ang sabi ng Panginoong Dios, (M)Narito, aking ikakaway ang aking kamay sa mga bansa, at itatayo ko ang aking watawat sa mga bayan; at sila'y kakalong ng iyong mga anak na lalake sa kanilang sinapupunan, at ang iyong mga anak na babae ay papasanin ng kanilang mga balikat.
23 (N)At mga hari ang magiging iyong mga taga kandiling ama, at ang kanilang mga reina, ay iyong mga taga kandiling ina: sila'y magsisiyukod sa iyo (O)ng kanilang mga mukha sa lupa, at (P)hihimuran ang alabok ng inyong mga paa: at iyong makikilala, na ako ang Panginoon, at ang nangaghihintay sa akin ay (Q)hindi mangapapahiya.
18 Nang oras na (A)yaon ay nagsilapit ang mga alagad kay Jesus, na nangagsasabi, Sino nga baga ang pinakadakila sa kaharian ng langit?
2 At pinalapit niya sa kaniya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila,
3 At sinabi, Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Malibang (B)kayo'y magsipanumbalik, at (C)maging tulad sa maliliit na bata, sa anomang paraan ay hindi kayo magsisipasok sa kaharian ng langit.
4 Sinoman ngang magpakababa na gaya ng maliit na batang ito, ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit.
5 At (D)sinomang tumanggap sa isa sa ganitong maliit na bata sa aking pangalan ay ako ang tinanggap:
6 Datapuwa't (E)sinomang magbigay ng ikatitisod sa isa sa maliliit na ito na nagsisisampalataya sa akin, ay may pakikinabangin pa siya kung bitinan ang kaniyang leeg ng isang malaking batong gilingan, at siya'y ilubog sa kalaliman ng dagat.
7 Sa aba ng sanglibutan dahil sa mga kadahilanan ng pagkatisod! sapagka't kinakailangang dumating ang mga kadahilanan; datapuwa't sa aba ng taong yaong panggalingan ng kadahilanan!
8 At (F)kung ang kamay mo o ang paa mo ay makapagpapatisod (G)sa iyo, ay putulin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na pingkaw o pilay, kay sa may dalawang kamay o dalawang paa na ibulid ka sa apoy na walang hanggan.
9 At kung ang mata mo ang makapagpapatisod (H)sa iyo, ay dukitin mo, at iyong itapon: mabuti pa sa iyo ang pumasok sa buhay na iisa ang mata, kay sa may dalawang mata na ibulid ka sa apoy ng impierno.
10 Ingatan ninyo na huwag ninyong pawalang halaga ang isa sa maliliit na (I)ito: sapagka't sinasabi ko sa inyo, na ang (J)kanilang mga anghel sa langit ay nangakakakitang palagi ng (K)mukha ng aking Ama na nasa langit.[a](L)(M)
12 Ano ang akala ninyo? (N)kung ang isang tao ay may isang daang tupa, at maligaw ang isa sa mga yaon, hindi baga iiwan niya ang siyam na pu't siyam, at pasasa kabundukan, at hahanapin ang naligaw?
13 At kung mangyaring masumpungan niya, ay katotohanang sinasabi ko sa inyo, na magagalak ng higit dahil dito kay sa siyam na pu't siyam na hindi nangaligaw.
14 Gayon din na hindi nga kalooban ng inyong Amang nasa langit, na ang isa sa maliliit na ito ay mapahamak.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978