Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.
72 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang (A)iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
2 (B)Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
3 (C)Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
4 Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
5 Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili (D)ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
6 (E)Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
7 Sa kaniyang mga kaarawan ay (F)giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
Ang mga natira ay maliligtas.
2 Sa araw na yaon ay magiging maganda at maluwalhati (A)ang sanga ng Panginoon, at ang bunga ng lupain ay magiging magaling at mainam sa kanilang mga taga Israel na nangakatanan.
3 At mangyayari, na siyang naiwan sa Sion, at siyang nalabi sa Jerusalem, (B)tatawaging banal, sa makatuwid baga'y bawa't (C)nasusulat sa mga nabubuhay sa Jerusalem:
4 (D)Pagka huhugasan ng Panginoon ang karumhan ng mga anak na babae ng Sion, at lilinisin ang dugo ng Jerusalem sa gitna ng bayan sa pamamagitan ng bisa ng kahatulan, at sa pamamagitan ng bisa ng pagniningas.
5 At ang Panginoon ay lilikha sa itaas ng buong tahanan ng bundok ng Sion, at sa itaas ng kaniyang mga kapulungan ng isang (E)ulap at usok sa araw, at ng (F)liwanag ng nagniningas na apoy sa gabi: sapagka't sa itaas ng lahat ng kaluwalhatian ay magkakaroon ng isang kubong na kayo.
6 At magkakaroon ng kanlungan upang maging lilim sa kaarawan laban sa init, at (G)upang maging kanlungan at kublihan sa bagyo at sa ulan.
12 Nang magkagayon ay (A)nangagbalik sila sa Jerusalem buhat sa tinatawag na bundok ng mga Olivo, na malapit sa Jerusalem, (B)na isang araw ng sabbath lakarin.
13 At nang sila'y magsipasok sa bayan, ay nagsiakyat sila (C)sa silid sa itaas, na kinatitirahan nila; ni (D)Pedro at ni Juan at ni Santiago at ni Andres, ni Felipe at ni Tomas, ni Bartolome at ni Mateo, ni Santiago na anak ni Alfeo, at ni Simong Masikap, at ni Judas na anak ni Santiago.
14 Ang lahat ng mga ito'y (E)nagsisipanatiling matibay na (F)nangagkakaisa sa pananalangin (G)na kasama ang mga babae, at si Maria na ina ni Jesus, at pati ng mga kapatid (H)niya.
15 At nang mga araw na ito'y nagtindig si Pedro sa gitna ng mga kapatid, at nagsabi (at nangagkakatipon ang karamihang mga tao, na may isang daa't dalawangpu),
16 Mga kapatid, kinakailangang matupad ang kasulatan, (I)na nang una ay sinalita ng Espiritu Santo, sa pamamagitan ng bibig ni David tungkol kay Judas, (J)na siyang pumatnugot sa nagsihuli kay Jesus.
17 Sapagka't siya'y (K)ibinilang sa atin, at siya'y tumanggap ng kaniyang bahagi sa ministeriong (L)ito.
21 Sa mga taong ito nga na nangakisama sa atin sa buong panahon na ang Panginoong si Jesus ay pumapasok at lumalabas sa atin,
22 Magmula sa pagbautismo ni Juan, hanggang sa araw na (A)siya'y tanggapin sa itaas mula sa atin, ay nararapat na ang isa sa mga ito'y maging saksi (B)na kasama natin sa kaniyang pagkabuhay na maguli.
23 At kanilang ibinukod ang dalawa, si Jose na tinatawag na Barsabas, na pinamagatang Justo, at si Matias.
24 At (C)sila'y nagsipanalangin, at nagsipagsabi, Ikaw, Panginoon, na nakatataho ng mga puso ng lahat ng mga tao, ay ipakilala mo kung alin sa dalawang ito ang iyong hinirang,
25 Upang tanggapin ang katungkulan sa ministeriong ito at (D)pagkaapostol na kinahulugan ni Judas, upang siya'y makaparoon (E)sa kaniyang sariling kalalagyan.
26 At sila'y pinagsapalaran nila; at nagkapalad si Matias; at siya'y ibinilang sa labingisang apostol.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978