Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 124

Pagpuri dahil sa pagliligtas laban sa kaaway. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

124 (A)Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
(B)Sabihin ng Israel ngayon,
Kung hindi ang Panginoon ay naging kakampi natin,
Nang ang mga tao ay magsibangon laban sa atin:
Nilamon nga nila sana (C)tayong buháy,
Nang ang kanilang poot ay mangagalab laban sa atin:
Tinabunan nga sana tayo (D)ng tubig,
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng agos:
Dinaanan nga sana ang ating kaluluwa ng mga palalong tubig.
Purihin ang Panginoon,
Na hindi tayo ibinigay na pinaka huli sa kanilang mga ngipin.
(E)Ang kaluluwa natin ay nakatanan na parang ibon sa silo ng mga manghuhuli:
Ang silo ay nasira, at tayo ay nakatanan.
(F)Ang saklolo natin ay nasa pangalan ng Panginoon,
Na siyang gumawa ng langit at lupa.

Genesis 9:1-17

Pinagpala ng Dios si Noe.

At binasbasan ng Dios si Noe at ang kaniyang mga anak, at sa kanila'y sinabi, (A)Kayo'y magpalaanakin, at magpakarami at inyong kalatan ang lupa.

(B)At ang takot sa inyo at sindak sa inyo ay mapapasa bawa't hayop sa lupa, at sa bawa't ibon sa himpapawid; lahat ng umuusad sa lupa, at lahat ng isda sa dagat, ay ibinibigay sa inyong kamay.

(C)Bawa't gumagalaw na nabubuhay ay magiging pagkain ninyo; (D)gaya ng mga sariwang pananim na lahat ay ibinibigay ko sa inyo.

(E)Ngunit ang lamang may buhay, na siya niyang dugo, ay huwag ninyong kakanin.

At tunay na hihingan ko ng sulit ang inyong dugo, ang dugo ng inyong mga buhay: (F)sa kamay ng bawa't ganid ay hihingan ko ng sulit; at sa kamay ng tao, sa kamay ng (G)bawa't kapatid ng tao ay hihingan ko ng sulit ang buhay ng tao.

(H)Ang magbubo ng dugo ng tao, sa pamamagitan ng tao ay mabububo ang kaniyang dugo: (I)sapagka't sa larawan ng Dios nilalang ang tao.

At kayo'y magpalaanakin at magpakarami; magsilago kayo ng sagana sa lupa, at kayo'y magsidami riyan.

At nagsalita ang Dios kay Noe, at sa kaniyang mga anak na kasama niya, na sinasabi,

At ako, narito, (J)aking pinagtitibay ang aking tipan sa inyo, at sa inyong binhi na susunod sa inyo;

10 At sa bawa't nilikhang may buhay na kasama ninyo, ang mga ibon, ang hayop at bawa't ganid sa lupa na kasama ninyo; sa lahat ng lumunsad sa sasakyan pati sa bawa't ganid sa lupa.

11 At aking (K)pagtitibayin ang aking tipan sa inyo; ni hindi ko na lilipulin ang lahat ng laman sa pamamagitan ng tubig ng baha; ni hindi na magkakaroon pa ng bahang gigiba ng lupa.

12 At sinabi ng Dios, (L)Ito ang tanda ng tipang ginawa ko sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay na kasama ninyo sa buong panahon:

13 Ang (M)aking bahaghari ay inilalagay ko sa alapaap, at siyang magiging tanda ng tipan ko at ng lupa.

14 At mangyayari, pagka ako'y magbababa ng isang alapaap sa ibabaw ng lupa, na makikita ang bahaghari sa alapaap.

15 (N)At aalalahanin ko ang aking tipan, na inilagda ko sa akin at sa inyo, at sa bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng laman; at ang tubig ay hindi na magiging bahang lilipol ng lahat ng laman.

16 At ang bahaghari ay pasa sa alapaap, at aking mamasdan, upang aking maalaala, ang walang hanggang tipan ng Dios at ng bawa't kinapal na may buhay sa lahat ng lamang nasa ibabaw ng lupa.

17 At sinabi ng Dios kay Noe, Ito ang tanda ng tipang inilagda ko (O)sa akin at sa lahat ng laman na nasa ibabaw ng lupa.

Mga Hebreo 11:32-40

32 At ano pa ang aking sasabihin? sapagka't kukulangin ako ng panahon kung sasaysayin ko ang (A)tungkol kay Gideon, (B)kay Barac, (C)kay Samson, (D)kay Jefte; tungkol kay (E)David, at (F)kay Samuel at sa mga propeta:

33 Na ang mga ito, sa pamamagitan ng pananampalataya'y (G)nagsilupig ng mga kaharian, nagsigawa ng katuwiran, (H)nangagtamo ng mga pangako, (I)nangagtikom ng mga bibig ng mga leon,

34 Nagsipatay (J)ng bisa ng apoy, (K)nangakatanan sa talim ng tabak, nagsilakas sa kahinaan, naging mga makapangyarihan sa pakikipagbaka, (L)nangagpaurong ng mga hukbong taga ibang lupa.

35 (M)Tinanggap ng mga babae ang kanilang mga patay sa pamamagitan ng pagkabuhay na maguli: at ang iba'y nangamatay sa hampas, na hindi tinanggap ang kanilang katubusan; upang kamtin nila ang lalong mabuting pagkabuhay na maguli:

36 At ang iba'y nangagkaroon ng pagsubok sa pagkalibak at pagkahampas, oo, bukod dito'y sa mga tanikala at bilangguan naman:

37 Sila'y pinagbabato, (N)pinaglagari, pinagtutukso, pinagpapatay sa tabak: (O)sila'y nagsilakad na paroo't parito na may balat ng mga tupa't kambing: na mga salat, nangapipighati, tinatampalasan

38 ((P)Na sa mga yaon ay hindi karapatdapat ang sanglibutan), na nangaliligaw sa mga ilang at sa mga kabundukan at sa mga yungib, at sa mga lungga ng lupa.

39 At ang lahat ng mga ito, (Q)nang sila'y mapatotohanan na dahil sa kanilang pananampalataya, ay hindi (R)kinamtan ang pangako,

40 Na ipinaghanda ng Dios ng lalong mabuting bagay tungkol sa atin, upang sila'y huwag maging (S)sakdal ng bukod sa atin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978