Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
5 (A)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6 (B)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7 (C)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(D)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(E)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8 (F)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(G)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9 (H)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (I)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (J)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Si Ruth ay naging asawa ni Booz at ang naging anak ay si Obed.
13 Sa gayo'y kinuha ni Booz si (A)Ruth, at siya'y naging kaniyang asawa; at siya'y sumiping sa kaniya, at pinapaglihi ng (B)Panginoon, at siya'y nanganak ng isang lalake.
14 At sinabi ng mga (C)babae kay Noemi, Pagpalain ka nawa ng Panginoon na hindi ka binayaan sa araw na ito, na mawalan ng isang malapit na kamaganak; at maging bantog nawa ang kaniyang pangalan sa Israel.
15 At siya'y magiging sa iyo ay isang tagapagsauli ng buhay, at tagapagkandili sa iyong katandaan: sapagka't ang inyong manugang na nagmamahal sa iyo, ay nagkaanak sa kaniya, at siya'y (D)mahigit pa sa iyo kay sa pitong anak.
16 At kinuha ni Noemi ang bata, at inihilig sa kaniyang kandungan, at siya'y naging yaya.
17 At nilagyan ng pangalan ng mga babaing kaniyang (E)kapitbahay, na sinasabi, May isang lalake na ipinanganak kay Noemi; at tinawag nila ang pangalan niya na Obed; siya ang ama ni Isai, na ama ni David.
11 Yamang ang lahat ng mga bagay na ito ay mapupugnaw ng ganito, (A)ano ngang anyo ng mga pagkatao ang nararapat sa inyo (B)sa banal na pamumuhay at pagkamaawain,
12 (C)Na ating hinihintay at pinakananasa ang pagdating ng (D)kaarawan ng Dios, na dahil dito'y ang sangkalangitan na nagniningas ay mapupugnaw, at ang mga bagay sa langit ay matutunaw sa matinding init?
13 Nguni't, ayon sa kaniyang pangako, ay (E)naghihintay tayo ng bagong langit at ng bagong lupa, (F)na tinatahanan ng katuwiran.
14 (G)Kaya nga, mga minamahal, yamang kayo'y nagsisipaghintay ng mga bagay na ito, ay pagsikapan ninyong (H)masumpungan kayo sa kapayapaan, na walang dungis at walang kapintasan sa paningin niya.
15 At (I)inyong ariin na ang pagpapahinuhod ng ating Panginoon ay pagliligtas; na gaya rin naman ni Pablo, na ating minamahal na kapatid, na ayon sa karunungang ibinigay sa kaniya, ay sinulatan kayo;
16 Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, (J)na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan, sa ikapapahamak din nila.
17 Kaya nga, mga minamahal, yamang (K)nalalaman na ninyo nang una ang mga bagay na ito, ay magsipagingat kayo, baka kung mangaligaw kayo (L)sa pamamagitan ng kamalian ng masasama, ay mangahulog kayo sa inyong sariling katiyagaan.
18 Datapuwa't magsilago kayo (M)sa biyaya at sa pagkakilala (N)sa ating Panginoon at Tagapagligtas na si Jesucristo. (O)Sumakaniya nawa ang kaluwalhatian ngayon at magpakailan man. Siya nawa.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978