Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang hinaharap ng Sion.
35 Ang ilang (A)at ang tuyong lupa ay sasaya; at ang ilang ay magagalak, at mamumulaklak na gaya ng rosa.
2 Mamumulaklak ng sagana, (B)at magagalak ng kagalakan at awitan; ang kaluwalhatian ng Libano ay mapaparoon, ang karilagan ng Carmel at ng Saron: kanilang makikita ang kaluwalhatian ng Panginoon, ang karilagan ng ating Dios.
3 Inyong palakasin (C)ang mga mahinang kamay, at patatagin ang mga mahinang tuhod.
4 Inyong sabihin sa kanila na matatakuting puso, Kayo'y mangagpakatapang, huwag kayong mangatakot: narito, ang inyong Dios ay pariritong may panghihiganti, may kagantihan ng Dios; siya'y paririto at ililigtas kayo.
5 Kung magkagayo'y madidilat ang mga mata (D)ng bulag, at (E)ang mga pakinig ng bingi ay mabubuksan.
6 Kung magkagayo'y lulukso ang (F)pilay na parang usa, at (G)ang dila ng pipi ay aawit: sapagka't sa ilang ay bubukal (H)ang tubig, at magkakailog sa ilang.
7 At ang buhanginang kumikislap ay magiging lawa, at ang uhaw na lupa ay mga bukal ng tubig; sa (I)tahanan ng mga chakal, na kanilang hinihiligan, magkakaroon ng damo pati ng mga tambo at mga yantok.
8 At magkakaroon doon ng isang lansangan, at ng isang daan, at tatawagin Ang daan ng kabanalan; ang marumi ay (J)hindi daraan doon; kundi magiging sa kaniyang bayan: ang mga palalakad na tao, oo, maging ang mga mangmang, ay hindi mangaliligaw roon.
9 Hindi magkakaroon ng leon doon, (K)o sasampa man doon ang anomang mabangis na hayop, hindi mangasusumpungan doon; kundi ang nangatubos ay lalakad doon.
10 At ang pinagtutubos (L)ng Panginoon ay mangagbabalik, at magsisiparoong nagaawitan sa Sion; at walang hanggang kagalakan ay mapapasa kanilang mga ulo: sila'y mangagtatamo ng kasayahan at kagalakan, at ang kapanglawan at ang pagbubuntong-hininga ay (M)mapaparam.
5 (A)Maginhawa ang may pinaka saklolo sa Dios ni Jacob,
Na ang pagasa ay nasa Panginoon niyang Dios:
6 (B)Na gumawa ng langit at lupa,
Ng dagat, at ng lahat na nandoon;
Na nagiingat ng katotohanan magpakailan man:
7 (C)Na nagsasagawa ng kahatulan sa napipighati;
(D)Na nagbibigay ng pagkain sa gutom:
(E)Pinawawalan ng Panginoon ang mga bilanggo;
8 (F)Idinidilat ng Panginoon ang mga mata ng bulag;
(G)Ibinabangon ng Panginoon ang mga nasusubasob;
Iniibig ng Panginoon ang matuwid;
9 (H)Iniingatan ng Panginoon ang mga taga ibang lupa;
Kaniyang inaalalayan ang ulila at babaing bao;
Nguni't (I)ang lakad ng masama ay kaniyang ibinabaligtad.
10 (J)Maghahari ang Panginoon magpakailan man.
Ang iyong Dios, Oh Sion, sa lahat ng sali't saling lahi.
Purihin ninyo ang Panginoon.
46 At sinabi ni Maria,
(A)Dinadakila ng aking kaluluwa (B)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (C)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (D)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (E)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (F)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (G)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (H)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (I)ng kaniyang bisig;
(J)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (K)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (L)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin,
(M)Upang maalaala niya ang awa
55 (Gaya ng sinabi niya (N)sa ating mga magulang)
Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.
7 Mangagtiis nga kayo, mga kapatid, hanggang sa (A)pagparito ng Panginoon. Narito, inaasahan ng magsasaka ang mahalagang bunga ng lupa, na may pagtitiis, hanggang sa tanggapin ang ulang (B)maaga at huli.
8 Mangagtiis din naman kayo; (C)pagtibayin ninyo ang inyong mga puso, sapagka't ang pagparito ng Panginoon ay malapit na.
9 Huwag kayong mangagupasalaan, mga kapatid, laban sa isa't isa, upang kayo'y huwag mahatulan; narito, ang hukom (D)ay nakatayo sa harapan ng mga pinto.
10 (E)Kunan ninyong halimbawa ng pagbabata at ng pagtitiis, mga kapatid, ang mga propeta na nagsipagsalita sa pangalan ng Panginoon.
2 (A)Nang marinig nga ni Juan (B)sa bilangguan ang mga gawa ni Cristo, ay nagpasugo siya sa pamamagitan ng kaniyang mga alagad,
3 At sinabi sa kaniya, Ikaw baga (C)yaong paririto, o hihintayin namin ang iba?
4 At sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Magsiparoon kayo at sabihin ninyo kay Juan ang mga bagay na inyong nangaririnig at nangakikita:
5 Ang mga bulag ay nangakakakita, (D)ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at (E)sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.
6 At mapalad ang sinomang hindi (F)makasumpong ng anomang katitisuran sa akin.
7 At samantalang ang mga ito'y nagsisiyaon ng kanilang lakad, ay nagpasimula si Jesus na magsalita sa mga karamihan tungkol kay Juan, Ano ang nilabas ninyo upang masdan (G)sa ilang? (H)isang tambo na inuuga ng hangin?
8 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo upang makita? isang taong nararamtan ng mga damit na maseselan? Narito, ang mga nagsisipanamit ng maseselan ay nangasa mga bahay ng mga hari.
9 Datapuwa't ano ang nilabas ninyo? upang makita ang isang propeta? Oo, sinasabi ko sa inyo, (I)at lalo pang higit kay sa isang propeta.
10 Ito yaong tungkol sa kaniya'y nasusulat,
(J)Narito, sinusugo ko ang aking sugo sa unahan ng iyong mukha,
Na maghahanda ng iyong daan sa unahan mo.
11 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, Sa gitna ng mga ipinanganganak ng mga babae ay walang lumitaw na isang dakila kay sa kay Juan Bautista: gayon man ang lalong maliit sa kaharian ng langit ay lalong dakila kay sa kaniya.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978