Add parallel Print Page Options

Ang mga bulag ay nangakakakita, (A)ang mga pilay ay nangakalalakad, ang mga ketongin ay nangalilinis, at ang mga bingi ay nangakaririnig, at ang mga patay ay ibinabangon, at (B)sa mga dukha ay ipinangangaral ang mabubuting balita.

Read full chapter

30 At lumapit sa kaniya ang lubhang maraming tao, na may mga pilay, mga bulag, mga pipi, mga pingkaw, at iba pang marami, at sila'y kanilang inilagay sa kaniyang mga paanan; at sila'y pinagaling niya:

Read full chapter

14 At nagsilapit sa kaniya sa templo ang mga bulag at mga pilay, at sila'y kaniyang pinagaling.

Read full chapter

Na sa mga ito ay nangaghandusay ang marami sa kanilang mga maysakit, mga bulag, mga pilay, mga[a]natutuyo.

Read full chapter

Footnotes

  1. Juan 5:3 Sa ibang mga Kasulatan ay nakalagay ito: na nagsisipaghintay ng pagkalawkaw ng tubig. 4 Sapagka't lumulusong ang isang anghel ng Panginoon sa mga tanging panahon sa tangke at kinakalawkaw ang tubig: at ang unang manaog sa tangke, pagkatapos na makalawkaw ang tubig ay gumagaling sa anomang sakit na dinaramdam.

Sinabi sa kaniya ni Jesus, (A)Magtindig ka, buhatin mo ang iyong higaan, at lumakad ka.

At pagdaka'y gumaling ang lalake, at binuhat ang kaniyang higaan at lumakad. (B)Noon nga'y araw ng sabbath.

Read full chapter

At isang lalake na pilay buhat pa sa tiyan ng kaniyang ina ay dinadala roon, na siya'y inilalagay nila araw-araw sa pintuan ng templo na tinatawag na Maganda, (A)upang manghingi ng limos sa nagsisipasok sa templo;

Ito, pagkakita kay Pedro at kay Juan na magsisipasok sa templo, ay namanhik upang tumanggap siya ng limos.

At pagtitig sa kaniya ni Pedro, na kasama si Juan, ay sinabi, Tingnan mo kami.

At kaniyang pinansin sila, na umaasang tatanggap sa kanila ng anomang bagay.

Datapuwa't sinabi ni Pedro, Pilak at ginto ay wala ako; datapuwa't ang nasa akin, ay siya kong ibinibigay sa iyo. (B)Sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, lumakad ka.

At kaniyang hinawakan siya sa kanang kamay, at siya'y itinindig: at pagdaka'y nagsilakas ang kaniyang mga paa at mga bukong-bukong.

At (C)paglukso, siya'y tumayo, at nagpasimulang lumakad; at pumasok na kasama nila sa templo, na lumalakad, at lumulukso, at nagpupuri sa Dios.

Read full chapter

Sapagka't sa (A)maraming may mga karumaldumal na espiritu, ay nangagsilabas sila, (B)na nangagsisisigaw ng malakas na tinig: at maraming lumpo, at pilay, ang pinagaling.

Read full chapter

At sa Listra ay may isang lalaking nakaupo, na sa mga paa'y (A)walang lakas, pilay mula pa sa tiyan ng kaniyang ina, na kailan ma'y hindi nakalakad.

Narinig nitong nagsasalita si Pablo: na, nang titigan siya ni Pablo, at makitang may pananampalataya (B)upang mapagaling,

10 Ay nagsabi ng malakas na tinig, Magtindig kang matuwid sa iyong mga paa. (C)At siya'y lumukso at lumakad.

Read full chapter