Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 21

Pagpapasalamat sa pagliligtas. Sa Pangulong Manunugtog. Awit ni David.

21 Ang hari ay magagalak sa iyong kalakasan, Oh Panginoon;
At (A)sa iyong pagliligtas gaano kalaki ang ikagagalak niya!
Ibinigay mo sa kaniya (B)ang nais ng kaniyang puso,
At hindi mo ikinait ang hiling ng kaniyang mga labi. (Selah)
(C)Sapagka't iyong sinalubong siya ng mga kapalaran na kabutihan:
Iyong pinuputungan ng isang (D)putong na dalisay na ginto ang kaniyang ulo.
Siya'y humingi ng (E)buhay sa iyo, iyong binigyan siya;
(F)Pati ng kahabaan ng mga kaarawan magpakailan pa man.
Ang kaniyang kaluwalhatian ay (G)dakila sa iyong pagliligtas:
Karangalan at kamahalan ay inilalagay mo sa kaniya.
Sapagka't ginagawa mo siyang pinakamapalad magpakailan man:
(H)Iyong pinasasaya siya ng kagalakan sa iyong harapan.
Sapagka't ang hari ay tumitiwala sa Panginoon,
At sa kagandahang-loob ng Kataastaasan ay (I)hindi siya makikilos.
Masusumpungan ng iyong kamay ang lahat ng iyong mga kaaway:
Masusumpungan ng iyong kanan yaong mga nangagtatanim sa iyo.
(J)Iyong gagawin sila na gaya ng mainit na hurno sa panahon ng iyong galit.
Sasakmalin sila ng Panginoon sa kaniyang poot,
At susupukin sila ng (K)apoy.
10 (L)Ang kanilang bunga ay iyong lilipulin mula sa lupa,
At ang kanilang binhi ay mula sa gitna ng mga anak ng mga tao.
11 Sapagka't sila'y nagakala ng kasamaan laban sa iyo:
Sila'y nagpanukala ng lalang na hindi nila maisasagawa.
12 Sapagka't iyong patatalikurin sila,
(M)Ikaw ay maghahanda ng iyong mga bagting ng busog laban sa mukha nila.
13 Mataas ka, Oh Panginoon, sa iyong kalakasan:
Sa gayo'y aming aawitin at pupurihin ang iyong kapangyarihan.

Isaias 41:14-20

14 (A)Huwag kang matakot, ikaw na uod na Jacob, at kayong mga tao ng Israel; aking tutulungan ka, sabi ng Panginoon, at ang (B)iyong Manunubos ay ang (C)Banal ng Israel.

15 Narito, aking ginawa kang bagong kasangkapang panggiik na matalas na may mga ngipin; iyong gigiikin ang mga bundok, at didikdiking durog, at iyong gagawin ang mga burol na parang ipa.

16 Iyong pahahanginan, (D)at tatangayin ng hangin, at pangangalatin ng ipoipo: at ikaw ay magagalak sa Panginoon, (E)ikaw ay luwalhati sa Banal ng Israel.

17 Ang dukha at mapagkailangan ay humahanap ng tubig, at wala, at ang kanilang dila ay natutuyo dahil sa uhaw; akong Panginoon ay sasagot sa kanila, akong (F)Dios ng Israel ay hindi magpapabaya sa kanila.

18 (G)Ako'y magbubukas ng mga ilog sa mga luwal na kaitaasan, at mga bukal sa gitna ng mga libis: (H)aking gagawin ang ilang na lawa ng tubig, at ang tuyong lupain ay mga bukal ng tubig.

19 Aking itatanim sa ilang ang cedro, ang puno ng acacia, at ang arayan, at ang olivo; aking ilalagay sa ilang ang puno ng abeto, at ang pino, at ang boj na magkakasama:

20 Upang sila'y makakita at makaalam, at makagunita, at makatalos na magkakasama, na ginawa ito ng kamay ng Panginoon, at nilikha ng Banal ng Israel.

Roma 15:14-21

14 (A)At ako naman sa aking sarili ay naniniwalang lubos tungkol sa inyo mga kapatid ko, na kayo naman ay mangapuspos ng kabutihan, pinuspos ng lahat ng kaalaman, na ano pa't makapagpapaalaala naman kayo sa isa't isa.

15 Nguni't sinulatan ko kayo na may dakilang kalayaan na bilang pagpapaalaala sa inyo, dahil sa (B)biyaya na sa akin ay ibinigay ng Dios,

16 (C)Upang ako'y maging ministro ni Cristo Jesus sa mga Gentil, na nangangasiwa sa evangelio ng Dios, upang ang mga Gentil ay maging (D)kalugodlugod na handog, palibhasa'y pinapaging banal ng Espiritu Santo.

17 Mayroon nga akong ipinagmamapuri kay Cristo Jesus sa mga bagay na nauukol sa Dios.

18 Sapagka't hindi ako nangangahas magsalita ng anomang mga bagay, (E)maliban na sa mga ginawa ni Cristo sa pamamagitan ko, (F)sa pagtalima ng mga Gentil, sa salita at sa gawa,

19 Sa bisa ng mga tanda (G)at ng mga kababalaghan, sa kapangyarihan ng Espiritu ng Dios; ano pa't buhat sa Jerusalem, at sa palibotlibot hanggang sa Ilirico, ay aking ipinangaral na lubos ang evangelio ni Cristo;

20 Aking nilayon na maipangaral ang evangelio, hindi doon sa napagbalitaan na kay Cristo, (H)upang huwag akong magtayo sa ibabaw ng pinagsaligan ng iba;

21 Kundi, gaya ng nasusulat,

(I)Makakakita silang mga hindi dinatnan ng mga balita tungkol sa kaniya,
At silang hindi nangakapakinig, ay mangakakatalastas.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978