Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.
80 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay (A)sa Jose na (B)parang kawan;
(C)Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
2 Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay (D)mapukaw nawa ang kapangyarihan mo,
At parito kang iligtas mo kami.
3 Papanumbalikin mo kami, (E)Oh Dios;
At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
4 (F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
5 (G)Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha,
At binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
6 (H)Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
7 Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo;
At pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
17 (A)Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan.
(B)Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
18 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo:
Buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
19 (C)Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo;
Pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.
Balak na pagpapagawa ng Templo.
7 At nangyari (A)nang ang hari ay tumahan sa kaniyang bahay, at binigyan siya ng Panginoon ng kapahingahan sa lahat niyang mga kaaway sa palibot,
2 Na sinabi ng hari kay (B)Nathan na propeta: Tingnan mo ngayon ako'y tumatahan sa isang (C)bahay na sedro, nguni't ang kaban ng Dios ay nanahanan sa loob ng mga (D)tabing.
3 At sinabi ni Nathan sa hari, Yumaon ka, gawin mo ang lahat na nasa iyong puso; sapagka't ang Panginoon ay sumasa iyo.
4 At nangyari, nang gabi ring yaon, na ang salita ng Panginoon ay dumating kay Nathan, na sinasabi,
5 Yumaon ka at saysayin mo sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon: Ipagtatayo mo ba ako ng isang bahay na matatahanan?
6 Sapagka't hindi ako tumahan sa isang bahay mula sa araw na aking iahon ang mga anak ni Israel mula sa Egipto, hanggang sa araw na ito, kundi ako'y lumakad (E)sa tolda at sa tabernakulo.
7 Sa lahat ng dako na aking nilakaran na kasama ng lahat ng mga anak ni Israel, nagsalita ba ako ng (F)isang salita sa isa sa mga lipi ng Israel na aking inutusan na (G)maging pastor ng aking bayang Israel, na nagsasabi, Bakit hindi ninyo ipinagtayo ako ng isang bahay na sedro?
8 Ngayon nga'y ganito ang iyong sasabihin sa aking lingkod na kay David, Ganito ang sabi ng Panginoon ng mga hukbo: (H)Kinuha kita mula sa kulungan ng tupa, sa pagsunod sa tupa, upang ikaw ay maging pangulo sa aking bayan, sa Israel:
9 (I)At ako'y suma iyo saan ka man naparoon, at aking inihiwalay ang lahat ng iyong mga kaaway sa harap mo; at gagawin kitang isang dakilang pangalan, gaya ng pangalan ng mga dakila na nasa lupa.
10 At aking tatakdaan ng isang dako ang aking bayan na Israel, at (J)aking itatatag sila, upang sila'y magsitahan sa kanilang sariling dako, at (K)huwag nang mabago pa; ni pipighatiin pa man sila ng mga anak ng kasamaan, na gaya ng una.
11 (L)At gaya mula sa araw na aking halalan ng mga hukom ang aking bayang Israel; at aking (M)papagpapahingahin ka sa lahat ng iyong mga kaaway. Bukod sa rito ay isinaysay ng Panginoon (N)na igagawa ka ng Panginoon ng isang bahay.
12 Pagka ang iyong mga araw ay naganap, at ikaw ay matutulog na kasama ng iyong mga magulang, (O)aking ibabangon ang iyong binhi pagkatapos mo, na magmumula sa iyong tiyan, at aking itatatag ang kaniyang kaharian.
13 (P)Kaniyang ipagtatayo ng bahay ang aking pangalan, at aking (Q)itatatag ang luklukan ng kaniyang kaharian magpakailan man.
14 (R)Ako'y magiging kaniyang ama, at siya'y magiging aking anak: kung siya'y gumawa ng kasamaan, aking sasawayin siya ng pamalo ng mga tao, at ng panghampas ng mga anak ng mga tao;
15 Ngunit ang aking kagandahang loob ay hindi mahihiwalay sa kaniya na (S)gaya nang aking pagkaalis niyan kay Saul, na aking inalis sa harap mo.
16 At ang iyong sangbahayan at ang iyong kaharian ay matitiwasay magpakailan man sa harap mo: ang (T)iyong luklukan ay matatatag magpakailan man.
17 Ayon sa lahat ng mga salitang ito, at ayon sa buong pangitaing ito ay gayon sinalita ni Nathan kay David.
23 Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.
24 Ano pa't (A)ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, (B)upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.
25 Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.
26 Sapagka't kayong (C)lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.
27 Sapagka't (D)ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis (E)si Cristo.
28 (F)Walang magiging Judio o Griego man, (G)walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay (H)iisa kay Cristo Jesus.
29 (I)At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana (J)ayon sa pangako.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978