Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Lucas 1:46-55

46 At sinabi ni Maria,

(A)Dinadakila ng aking kaluluwa (B)ang Panginoon,
47 At nagalak ang aking espiritu sa (C)Dios na aking Tagapagligtas.
48 Sapagka't (D)nilingap niya ang kababaan ng kaniyang alipin.
Sapagka't, narito, mula ngayon ay tatawagin akong (E)mapalad ng lahat ng maghahalihaliling lahi.
49 Sapagka't (F)ginawan ako ng Makapangyarihan ng mga dakilang bagay;
At (G)banal ang kaniyang pangalan.
50 At ang (H)kaniyang awa ay sa mga lahi't lahi.
Sa nangatatakot sa kaniya.
51 Siya'y nagpakita ng lakas (I)ng kaniyang bisig;
(J)Isinambulat niya ang mga palalo sa paggunamgunam ng kanilang puso.
52 Ibinaba niya ang mga prinsipe (K)sa mga luklukan nila,
At itinaas ang mga may mababang kalagayan.
53 (L)Binusog niya ang nangagugutom ng mabubuting bagay;
At pinaalis niya ang mayayaman, na walang anoman.
54 Tumulong siya sa Israel na kaniyang alipin,
(M)Upang maalaala niya ang awa
55 (Gaya ng sinabi niya (N)sa ating mga magulang)
Kay Abraham at sa kaniyang binhi magpakailan man.

2 Samuel 7:18

Panalangin at pagpapasalamat ni David.

18 Nang magkagayo'y ang haring si David ay pumasok, at umupo sa harap ng Panginoon: at kaniyang sinabi, (A)Sino ako, Oh Panginoong Dios, at ano ang aking sangbahayan na ako'y iyong dinala sa ganiyang kalayo?

2 Samuel 7:23-29

23 At (A)anong bansa sa lupa ang gaya ng iyong bayan, gaya ng Israel, na tinubos ng Dios sa kaniyang sarili na pinakabayan, at upang gawin niya sa kaniyang isang pangalan, at upang igawa kayo ng mga (B)dakilang bagay, at ng mga kakilakilabot na mga bagay ang iyong lupain, sa harap ng iyong bayan na iyong tinubos para sa iyo mula sa Egipto, mula sa mga bansa at sa kanilang mga dios?

24 At iyong (C)itinatag sa iyong sarili ang iyong bayang Israel upang maging bayan sa iyo magpakailan man; at ikaw, Panginoon, ay naging kanilang Dios.

25 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ang salita na iyong sinalita tungkol sa iyong lingkod, at tungkol sa kaniyang sangbahayan, iyong pagtibayin nawa magpakailan man, at iyong gawin gaya ng iyong sinalita.

26 At dumakila ang iyong pangalan magpakailan man, sa pagsasabi: Ang Panginoon ng mga hukbo ay Dios sa Israel: at ang sangbahayan ng iyong lingkod na si David ay matatag sa harap mo.

27 Sapagka't ikaw, Oh Panginoon ng mga hukbo, ang Dios ng Israel ay (D)napakita ka sa iyong lingkod na iyong sinasabi, Aking ipagtatayo ka ng isang bahay; kaya't nasumpungan ng iyong lingkod sa kaniyang puso na idalangin ang panalanging ito sa iyo.

28 At ngayon, Oh Panginoong Dios, ikaw ay Dios (E)at ang iyong mga salita ay katotohanan, at iyong ipinangako ang mabuting bagay na ito sa iyong lingkod:

29 Ngayon nga'y kalugdan mong pagpalain ang sangbahayan ng iyong lingkod, upang mamalagi magpakailan man sa harap mo: sapagka't ikaw, Oh Panginoong Dios ay nagsalita: at sa pamamagitan ng iyong pagpapala ay maging mapalad nawa ang sangbahayan ng iyong lingkod (F)magpakailan man.

Galacia 3:6-14

Gaya nga ni (A)Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran.

Talastasin nga ninyo na (B)ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham.

At sapagka't ipinakita na (C)ng kasulatan, na (D)aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang (E)lahat ng mga bansa.

Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya.

10 Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan (F)ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, (G)Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.

11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap (H)sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, (I)Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.

12 At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, (J)Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon.

13 Sa sumpa ng kautusan ay (K)tinubos tayo ni (L)Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, (M)Sinusumpa ang bawa't (N)binibitay sa punong kahoy:

14 Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin (O)ang pangako ng Espiritu.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978