Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.
72 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang (A)iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
2 (B)Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
3 (C)Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
4 Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
5 Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili (D)ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
6 (E)Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
7 Sa kaniyang mga kaarawan ay (F)giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
Pangaliw na mga pangako. Ang di maulatang kadakilaan ng Panginoon.
40 Inyong aliwin, inyong aliwin ang aking bayan, sabi ng inyong Dios.
2 Mangagsalita kayong may pagaliw sa Jerusalem; at sigawan ninyo siya, na ang kaniyang pakikipagdigma ay naganap, (A)na ang kaniyang kasamaan ay ipinatawad, sapagka't siya'y tumanggap sa kamay ng Panginoon ng ibayong ukol sa kaniyang lahat na kasalanan.
3 (B)Ang tinig ng isang sumisigaw, (C)Ihanda ninyo sa ilang ang daan ng Panginoon pantayin ninyo sa ilang ang lansangan para sa ating Dios.
4 (D)Bawa't libis ay mataas, at bawa't bundok at burol ay mabababa; at (E)ang mga bakobako ay matutuwid, at ang mga hindi pantay na dako ay mapapatag:
5 At ang kaluwalhatian ng Panginoon ay mahahayag, at makikitang magkakasama ng (F)lahat na tao, sapagka't sinalita ng bibig ng Panginoon,
6 Ang tinig ng isang nagsasabi, Ikaw ay dumaing. At sinabi ng isa, Ano ang aking idadaing? (G)Lahat ng laman ay damo, at ang buong kagandahan niyaon ay parang bulaklak ng parang.
7 Ang damo ay natutuyo, at ang bulaklak ay nalalanta, sapagka't (H)ang hinga ng Panginoon ay humihihip doon; tunay na ang bayan ay damo.
8 Ang damo ay natutuyo, ang bulaklak ay nalalanta; (I)nguni't ang salita ng ating Dios ay mamamalagi magpakailan man.
9 Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Sion, sumampa ka sa mataas na bundok; Oh ikaw na nagsasabi ng mga mabuting balita sa Jerusalem, ilakas mo ang iyong tinig na may kalakasan; ilakas mo, huwag kang matakot; sabihin mo sa mga bayan ng Juda, Tingnan ang inyong Dios!
10 Narito, ang Panginoong Dios ay darating na gaya ng makapangyarihan, at ang kaniyang kamay ay magpupuno sa ganang kaniya: Narito, (J)ang kaniyang ganting pala ay dala niya, at ang kaniyang ganti ay nasa harap niya.
11 Kaniyang (K)papastulin ang kaniyang kawan, na gaya ng pastor, kaniyang pipisanin ang mga kordero sa kaniyang kamay, at dadalhin sila sa kaniyang sinapupunan, at papatnubayan na marahan yaong mga nagpapasuso.
19 At ito ang patotoo ni Juan, nang suguin sa kaniya ng mga Judio mula sa Jerusalem ang mga saserdote at mga Levita upang sa kaniya'y itanong, Sino ka baga?
20 At kaniyang ipinahayag, at hindi ikinaila; at kaniyang ipinahayag, Hindi ako ang Cristo.
21 At sa kaniya'y kanilang itinanong, Kung gayo'y ano nga? Ikaw baga'y si (A)Elias? At sinabi niya, Hindi ako. Ikaw baga (B)ang propeta? At siya'y sumagot, Hindi.
22 Sinabi nga nila sa kaniya, Sino ka baga? upang ibigay namin ang kasagutan sa nangagsugo sa amin. Ano ang sinasabi mo tungkol sa iyong sarili?
23 Sinabi niya, (C)Ako ang tinig ng isang humihiyaw sa ilang, Tuwirin ninyo ang daan ng Panginoon, gaya ng sinabi ng propeta Isaias.
24 At sila'y sinugo buhat sa mga Fariseo.
25 At sa kaniya'y kanilang itinanong, at sinabi sa kaniya, Bakit nga bumabautismo ka, kung hindi ikaw ang Cristo, ni si Elias, ni ang propeta?
26 Sila'y sinagot ni Juan, na nagsasabi, (D)Ako'y bumabautismo sa tubig: datapuwa't sa gitna ninyo'y may isang nakatayo na hindi ninyo nakikilala,
27 Siya nga ang pumaparitong sumusunod sa akin, na sa kaniya'y hindi ako karapatdapat magkalag ng panali ng kaniyang pangyapak.
28 Ang mga bagay na ito'y ginawa sa Betania, sa dako pa roon ng Jordan, na pinagbabautismuhan ni Juan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978