Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
6 (A)Hain at handog ay hindi mo kinaluluguran;
Ang aking pakinig ay iyong binuksan:
Handog na susunugin, at handog tungkol sa kasalanan ay hindi mo hiningi.
7 Nang magkagayo'y sinabi ko: Narito, dumating ako;
(B)Sa balumbon ng aklat ay (C)nakasulat tungkol sa akin:
8 (D)Aking kinalulugurang sundin ang iyong kalooban, Oh Dios ko;
Oo, ang iyong kautusan ay (E)nasa loob ng aking puso.
9 Ako'y nagpahayag ng mabuting balita ng katuwiran (F)sa dakilang kapisanan;
Narito, hindi ko pipigilin ang aking mga labi,
Oh Panginoon, iyong nalalaman.
10 Hindi ko ikinubli ang iyong katuwiran sa loob ng aking puso;
Aking ibinalita ang iyong pagtatapat, at ang iyong pagliligtas:
Hindi ko inilihim ang iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan sa dakilang kapisanan.
11 Huwag mong pigilin sa akin ang iyong mga malumanay na kaawaan, Oh Panginoon:
Panatilihin mong lagi sa akin ang (G)iyong kagandahang-loob at ang iyong katotohanan.
12 Sapagka't kinulong ako ng walang bilang na kasamaan.
Ang mga kasamaan ko ay (H)umabot sa akin, na anopa't hindi ako makatingin;
Sila'y (I)higit kay sa mga buhok ng aking ulo,
At ang aking puso ay nagpalata sa akin.
13 Kalugdan[a] mo nawa, Oh Panginoon, na iligtas ako:
Ikaw ay (J)magmadaling tulungan mo ako, Oh Panginoon.
14 (K)Sila'y mangapahiya nawa at mangatulig na magkakasama
Na nagsisiusig ng aking kaluluwa upang ipahamak:
Sila nawa'y mangapaurong at mangadala sa kasiraang puri
Na nangalulugod sa aking kapahamakan.
15 Mangapahamak nawa sila dahil sa kanilang kahihiyan
Na nangagsasabi sa akin, Aha, (L)Aha.
16 Mangagalak at mangatuwa nawa sa iyo ang lahat na nagsisihanap sa iyo:
Yaong nangagiibig ng iyong kaligtasan ay (M)mangagsabi nawang palagi,
(N)Ang Panginoon ay dakilain.
17 (O)Nguni't ako'y dukha at mapagkailangan;
Gayon ma'y inalaala ako (P)ng Panginoon:
Ikaw ang aking saklolo at aking tagapagligtas;
Huwag kang magluwat, Oh Dios ko.
Ang lingkod ng Panginoon ay nagbabata. Ang kaniyang kamatayan at karangalan.
53 Sinong (A)naniwala sa aming balita? at kanino nahayag ang (B)bisig ng Panginoon?
2 (C)Sapagka't siya'y tumubo sa harap niya na gaya ng sariwang pananim, at gaya ng ugat sa tuyong lupa: (D)walang anyo o kagandahan man; at pagka ating minamasdan siya ay walang kagandahan na mananais tayo sa kaniya.
3 Siya'y hinamak at itinakuwil (E)ng mga tao; isang (F)taong sa kapanglawan, at bihasa sa karamdaman: at gaya ng isa na pinagkublihan ng kanilang mukha ng mga tao, na siya'y (G)hinamak, at hindi natin hinalagahan siya.
4 Tunay na kaniyang (H)dinala ang ating mga karamdaman, at dinala ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating pinalagay siya na hinampas, sinaktan ng Dios, at dinalamhati.
5 Nguni't siya'y nasugatan (I)dahil sa ating mga pagsalangsang, siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan, ang parusa ng tungkol sa (J)ating kapayapaan ay nasa kaniya; (K)at sa pamamagitan ng kaniyang mga latay ay nagsigaling tayo.
6 (L)Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayo ay tumungo bawa't isa sa kaniyang sariling daan; at ipinasan (M)sa kaniya ng Panginoon ang kasamaan nating lahat.
7 Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay (N)hindi nagbuka ng kaniyang bibig; (O)gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.
8 Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (P)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.
9 At ginawa nila ang kaniyang libingan na kasama ng mga masama, at kasama (Q)ng isang lalaking mayaman sa kaniyang kamatayan; bagaman (R)hindi siya gumawa ng pangdadahas, o wala mang anomang karayaan sa kaniyang bibig.
10 Gayon ma'y kinalugdan ng Panginoon na mabugbog siya; inilagay niya siya sa pagdaramdam: pagka iyong gagawin ang kaniyang kaluluwa na pinakahandog dahil sa kasalanan, (S)makikita niya ang kaniyang lahi, (T)pahahabain niya ang kaniyang mga kaarawan, at ang pagkalugod ng Panginoon ay lalago sa kaniyang kamay.
11 Siya'y makakakita ng pagdaramdam ng kaniyang kaluluwa at masisiyahan: (U)sa pamamagitan ng kaniyang kaalaman ay aariing ganap ng (V)aking matuwid na lingkod ang marami; at (W)dadalhin niya ang kanilang mga kasamaan.
12 (X)Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang (Y)hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at (Z)ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at (AA)namagitan sa mga mananalangsang.
10 Sapagka't ang kautusan na may (A)isang anino (B)ng mabubuting bagay na darating, hindi ang tunay na larawan ng mga bagay, (C)kailan pa man ay di maaaring magpasakdal sa mga nagsisilapit sa pamamagitan ng mga hain na laging inihahandog sa taon-taon.
2 Sa ibang paraan ay hindi kaya baga nagsipaglikat sila ng paghahandog? sapagka't ang mga nagsisisamba, yamang nalinis na minsan, ay hindi na sana nagkaroon pa ng budhi sa mga kasalanan.
3 Nguni't (D)sa mga hain yaon ginagawa ang pagaalaala sa mga kasalanan taon-taon.
4 Sapagka't di maaari na (E)ang dugo ng mga baka at ng mga kambing ay makapagalis ng mga kasalanan.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978