Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 27:1-6

Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.

27 Ang Panginoon (A)ay aking liwanag, at (B)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
(C)Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
(D)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (E)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (F)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
(G)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
At ngayo'y matataas ang (H)aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.

1 Samuel 1:1-20

Si Elcana at ang dalawa niyang asawa.

May isa ngang lalake na taga Ramathaim-sophim, sa lupaing maburol ng Ephraim, at ang pangalan niya'y (A)Elcana, na anak ni Jeroham, na anak ni Eliu, na anak ni Thohu, na anak ni Suph na Ephraimita:

At siya'y may dalawang asawa; ang pangalan ng isa'y Ana, at ang pangalan ng isa'y Peninna: at si Peninna ay may mga anak nguni't si (B)Ana ay walang anak.

At ang lalaking ito ay umaahon sa (C)taon-taon mula sa kaniyang bayan upang (D)sumamba at maghain sa Panginoon ng mga hukbo sa (E)Silo. At ang dalawang anak ni Eli, na si Ophni at si Phinees, na mga saserdote sa Panginoon, ay nangandoon.

At pagka dumarating ang araw na si Elcana ay (F)naghahain, ay kaniyang binibigyan ng mga bahagi si Peninna na kaniyang asawa, at ang lahat ng kaniyang mga anak na lalake at babae:

Nguni't si Ana ay binibigyan niya ng ibayong bahagi: sapagka't minamahal niya si Ana, bagaman sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.

At (G)minumungkahi siyang mainam ng kaniyang kaagaw upang yamutin siya, sapagka't sinarhan ng Panginoon ang kaniyang bahay-bata.

At gayon ang ginagawa niya sa taon-taon, na pagka inaahon niya ang bahay ng Panginoon ay minumungkahi niyang gayon ang isa; kaya't siya'y umiiyak, at hindi kumakain.

At sinabi ni Elcana na kaniyang asawa sa kaniya, Ana, bakit ka umiiyak? at bakit hindi ka kumakain? at bakit nagdadalamhati ang iyong puso? hindi ba ako (H)mabuti sa iyo kay sa sangpung anak?

Si Ana ay nananalangin upang magkaanak.

Sa gayo'y bumangon si Ana pagkatapos na makakain sila sa Silo at pagkatapos na sila'y makainom. Ngayo'y si Eli na saserdote ay nakaupo sa upuan niya sa siping ng haligi ng pintuan ng (I)templo ng Panginoon.

10 At siya'y nanalangin sa Panginoon ng buong (J)paghihinagpis ng kaluluwa, at tumangis na mainam.

11 (K)At siya'y nanata ng isang panata, at nagsabi, Oh Panginoon ng mga hukbo, (L)kung tunay na iyong lilingunin ang pagkapighati ng iyong lingkod, at (M)aalalahanin mo at hindi mo kalilimutan ang iyong lingkod, kundi iyong pagkakalooban ang iyong lingkod ng anak na lalake, ay akin ngang ibibigay sa Panginoon sa lahat ng kaarawan ng kaniyang buhay, at (N)walang pangahit na daraan sa kaniyang ulo.

12 At nangyari, habang siya'y nananatili ng pananalangin sa harap ng Panginoon, ay pinagmamasdan ni Eli ang kaniyang bibig.

13 Si Ana nga'y nagsasalita sa kaniyang puso; ang kaniya lamang mga labi ang gumagalaw, nguni't ang kaniyang tinig ay hindi naririnig: kaya't inakala ni Eli na siya'y lasing.

14 At sinabi ni Eli sa kaniya, Hanggang kailan magiging lasing ka? ihiwalay mo ang iyong alak sa iyo.

15 At sumagot si Ana, at nagsabi, Hindi, panginoon ko, ako'y isang babae na may diwang mapanglaw: hindi ako nakainom ng alak o inuming nakalalasing, (O)kundi aking inihayag ang aking kaluluwa sa harap ng Panginoon.

16 Huwag mong ibilang na babaing hamak ang iyong lingkod: sapagka't sa kasaganaan ng aking daing at ng aking pagkaduwahagi ay nagsalita ako hanggang ngayon.

17 Nang magkagayo'y sumagot si Eli, at nagsabi, (P)Yumaon kang payapa: (Q)at ipagkaloob nawa sa iyo ng Dios ng Israel ang iyong hiling na hinihingi mo sa kaniya.

18 At sinabi niya, (R)Makasumpong nawa ang iyong lingkod ng biyaya sa iyong paningin. (S)Sa gayo'y nagpatuloy ng kaniyang lakad ang babae at kumain, at ang kaniyang mukha'y hindi na malumbay.

Si Samuel ay ipinanganak at inihandog sa Panginoon.

19 At sila'y bumangong maaga ng kinaumagahan, at sumamba sa Panginoon, at bumalik, at umuwi sa kanilang bahay sa (T)Ramatha; at nakilala ni Elcana si Ana na kaniyang asawa; at inalaala siya ng (U)Panginoon.

20 At nangyari, nang sumapit ang panahon, na si Ana ay naglihi, at nanganak ng isang lalake; at tinawag ang pangalan niya na Samuel,[a] (V)na sinasabi, Sapagka't aking hiningi siya sa Panginoon.

Galacia 1:11-24

11 Sapagka't aking ipinatatalastas sa inyo, mga kapatid, tungkol sa (A)evangelio na aking ipinangaral, na ito'y hindi ayon sa tao.

12 Sapagka't (B)hindi ko tinanggap ito sa tao, ni itinuro man sa akin, kundi aking tinanggap (C)sa pamamagitan ng pahayag ni Jesucristo.

13 Sapagka't inyong nabalitaan ang (D)aking pamumuhay nang nakaraang panahon sa relihion ng mga Judio, kung paanong aking inuusig (E)na malabis, at nilipol ang iglesia ng Dios:

14 At ako'y nangunguna sa relihion ng mga Judio ng higit kay sa marami sa aking mga kasing gulang sa aking mga kababayan, (F)palibhasa'y totoong masikap ako (G)sa mga sali't-saling sabi ng aking mga magulang.

15 Nguni't nang magalingin ng Dios (H)na siyang sa akin ay nagbukod, buhat pa sa tiyan ng aking ina, at (I)ako'y tawagin sa pamamagitan ng kaniyang biyaya,

16 Na ihayag ang kaniyang Anak sa akin, (J)upang siya'y aking ipangaral sa gitna ng mga Gentil; pagkaraka'y hindi ako sumangguni sa laman at sa dugo:

17 Ni inahon ko man sa Jerusalem silang mga apostol na nangauna sa akin: kundi sa (K)Arabia ako naparoon; at muling nagbalik ako sa Damasco.

18 Nang makaraan nga ang (L)tatlong taon (M)ay umahon ako sa Jerusalem upang dalawin si Cefas, at natira akong kasama niyang labing-limang araw.

19 Nguni't wala akong nakita sa mga ibang apostol, (N)maliban na kay Santiago na kapatid ng Panginoon.

20 Tungkol nga sa mga bagay na isinusulat ko sa inyo, narito, sa harapan ng Dios, hindi ako nagsisinungaling.

21 Pagkatapos ay naparoon ako sa mga lupain ng (O)Siria at (P)Cilicia.

22 At hindi pa ako nakikilala sa mukha ng mga iglesia ng Judea na (Q)pawang kay Cristo.

23 Kundi ang kanila lamang naririnig na pinaguusapan ay, Yaong umuusig sa atin nang una, ngayo'y nangangaral ng pananampalataya na nang ibang panahon ay kaniyang sinisira;

24 At (R)kanilang niluluwalhati ang Dios sa akin.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978