Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang mamamayan sa banal na Bundok. Awit ni David.
15 Panginoon, sinong makapanunuluyan sa iyong tabernakulo?
(A)Sinong tatahan sa iyong banal na (B)bundok?
2 Siyang lumalakad na matuwid, at gumagawa ng katuwiran,
At (C)nagsasalita ng katotohanan sa kaniyang puso.
3 (D)Siyang hindi naninirang puri ng kaniyang dila,
Ni gumagawa man ng kasamaan sa kaniyang kaibigan,
Ni dumudusta man sa kaniyang kapuwa.
4 Na sa mga mata niya ay nasisiphayo ang masama;
Kundi siyang nagbibigay puri sa mga natatakot sa Panginoon,
(E)Siyang sumusumpa sa kaniyang sariling ikasasama at hindi nagbabago,
5 (F)Siyang hindi naglalabas ng kaniyang salapi sa patubo, (G)Ni kumukuha man ng suhol laban sa walang sala.
Siyang gumagawa ng mga bagay na ito ay hindi makikilos kailan man.
18 Maghahalal ka sa iyo ng (A)mga hukom at ng (B)mga pinuno sa lahat ng iyong mga pintuang-daan, na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios, ayon sa iyong mga lipi: at sila'y hahatol sa bayan ng matuwid na paghatol.
19 (C)Huwag kang magliliko ng paghatol; (D)huwag kang tatangi ng mga pagkatao: (E)ni kukuha ng suhol; sapagka't ang suhol ay bumubulag ng mga mata ng marunong, at nagliliko ng mga salita ng matuwid.
20 Susundin mo ang tunay na katuwidtuwiran, upang mabuhay ka at manahin mo ang lupain na ibinibigay sa iyo ng Panginoon mong Dios.
8 Katapustapusan, (A)kayong lahat ay mangagkaisang akala, madamayin, (B)mangagibigang tulad sa magkakapatid, (C)mga mahabagin, mga mapagkumbabang pagiisip:
9 (D)Na huwag ninyong gantihin ng masama ang masama, (E)o ng alipusta ang pagalipusta; kundi (F)ng pagpapala; sapagka't dahil dito kayo'y tinawag, upang kayo'y mangagmana ng pagpapala.
10 Sapagka't,
(G)Ang magnais umibig sa buhay,
At makakita ng mabubuting araw,
Ay magpigil ng kaniyang dila sa masama,
At ang kaniyang mga labi ay huwag magsalita ng daya:
11 At tumalikod siya sa masama, at gumawa ng mabuti;
Hanapin ang kapayapaan, at kaniyang sundan.
12 Sapagka't ang mga mata ng Panginoon ay nasa mga matuwid,
At ang kaniyang mga pakinig ay sa kanilang mga daing:
Nguni't ang mukha ng Panginoon ay laban sa mga nagsisigawa ng masama.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978