Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 9:1-4

Kapanganakan at paghahari ng prinsipe ng kapayapaan.

Gayon man ay (A)hindi magkakaroon ng paguulap sa kaniya na nasa kahapisan. (B)Nang unang panahon ay dinala niya sa pagkawalang kabuluhan ang (C)lupain ng Zabulon at ang lupain ng Nephtali, nguni't sa huling panahon ay ginawa niyang maluwalhati, sa daang patungo sa dagat, sa dako roon ng Jordan, ng Galilea ng mga bansa.

Ang (D)bayan na (E)lumalakad sa kadiliman ay nakakita ng dakilang liwanag: silang nagsisitahan sa lupain ng lilim ng kamatayan, sa kanila sumilang ang liwanag.

(F)Iyong pinarami ang bansa, iyong pinalago ang kanilang kagalakan: sila'y nangagagalak sa harap mo ayon sa kagalakan sa pagaani, gaya ng mga tao na nangagagalak pagka nangagbabahagi ng samsam.

Sapagka't ang pamatok na kaniyang (G)pasan, at ang pingga sa kaniyang balikat, ang panghampas ng mamimighati sa kaniya, ay iyong sinira na gaya sa kaarawan ng (H)Madian.

Mga Awit 27:1

Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.

27 Ang Panginoon (A)ay aking liwanag, at (B)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?

Mga Awit 27:4-9

(A)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (B)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (C)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
(D)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
At ngayo'y matataas ang (E)aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
Nang iyong sabihin, (F)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
(G)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (H)Oh Dios ng aking kaligtasan.

1 Corinto 1:10-18

10 Ngayo'y ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, sa pamamagitan ng pangalan ng ating Panginoong Jesucristo, na kayong lahat ay mangagsalita (A)ng isa lamang bagay, at huwag mangagkaroon sa inyo ng mga pagkakabahabahagi; kundi kayo'y mangalubos sa isa lamang pagiisip at isa lamang paghatol.

11 Sapagka't ipinatalastas sa akin tungkol sa inyo, mga kapatid ko, ng mga kasangbahay ni Cloe, na sa inyo'y may mga pagtatalotalo.

12 Ibig ko ngang sabihin ito, na (B)ang bawa't isa sa inyo ay nagsasabi, Ako'y kay Pablo; at ako'y kay (C)Apolos; at ako'y kay (D)Cefas; at ako'y kay Cristo.

13 Nabahagi baga si Cristo? (E)ipinako baga sa krus si Pablo dahil sa inyo? o (F)binautismuhan baga kayo sa pangalan ni Pablo?

14 Nagpapasalamat ako sa Dios na hindi ko binautismuhan (G)ang sinoman sa inyo, maliban (H)si Crispo at si (I)Gayo;

15 Baka masabi ninoman na kayo'y binautismuhan sa pangalan ko.

16 At binautismuhan ko rin naman ang sangbahayan ni (J)Estefanas: maliban sa mga ito, di ko maalaman kung may nabautismuhan akong iba pa.

17 Sapagka't hindi ako sinugo ni Cristo upang bumautismo, kundi upang mangaral ng evangelio: (K)hindi sa karunungan ng mga salita baka mawalan ng kabuluhan ang krus ni Cristo.

18 Sapagka't ang salita ng krus ay kamangmangan sa kanila na (L)nangapapahamak; nguni't (M)ito'y kapangyarihan ng Dios sa atin na (N)nangaliligtas.

Mateo 4:12-23

12 Nang marinig nga niya na si (A)Juan ay dinakip, (B)ay umuwi siya sa Galilea;

13 At pagkaiwan sa (C)Nazaret, ay naparoon siya at tumahan sa Capernaum, na nasa tabi ng dagat, sa mga hangganan ng Zabulon at Neftali:

14 Upang maganap ang sinalita sa pamamagitan ng propeta Isaias na nagsasabi,

15 Ang lupa ni Zabulon (D)at ang lupa ni Neftali,
Sa gawing dagat, sa dako pa roon ng Jordan,
Galilea ng mga Gentil,
16 Ang bayang nalulugmok sa kadiliman, ay
Nakakita ng dakilang ilaw,
At sa nangalulugmok sa pook at lilim ng kamatayan, ay
Lumiwanag sa kanila ang ilaw.

17 Mula noon ay nagpasimulang mangaral si Jesus, at magsabi, Mangagsisi kayo; sapagka't malapit na ang kaharian ng langit.

18 At sa paglalakad niya sa tabi ng dagat ng Galilea; ay (E)nakita niya ang dalawang magkapatid, si Simon na tinatawag na Pedro, at si Andres na kaniyang kapatid, na inihuhulog ang isang lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya.

19 At sinabi niya sa kanila, Magsisunod kayo sa hulihan ko, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.

20 At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.

21 At paglakad sa dako roon ay nakita niya ang dalawa pang magkapatid, si Santiago na anak ni Zebedeo, at ang kaniyang kapatid na si Juan, sa daong na kasama si Zebedeo na kanilang ama, na nagsisipaghayuma ng kanilang mga lambat; at sila'y kaniyang tinawag.

22 At pagdaka'y iniwan nila ang daong at ang kanilang ama, at nagsisunod sa kaniya.

23 At nilibot ni Jesus ang buong Galilea, (F)na nagtuturo sa mga sinagoga nila, at ipinangangaral (G)ang evangelio ng kaharian, (H)at nagpapagaling ng lahat ng sarisaring sakit at ng lahat ng karamdaman na nasa mga tao.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978