Add parallel Print Page Options

16 At (A)pagdaraan sa tabi ng dagat ng Galilea, ay nakita niya si Simon at si Andres na kapatid ni Simon na naghahagis ng lambat sa dagat; sapagka't sila'y mga mamamalakaya.

17 At sinabi sa kanila ni Jesus, Magsisunod kayo sa aking hulihan, at gagawin ko kayong mga mamamalakaya ng mga tao.

18 At pagdaka'y iniwan nila ang mga lambat, at nagsisunod sa kaniya.

19 At paglakad sa dako pa roon ng kaunti, ay nakita niya si Santiago na anak ni Zebedeo, at si Juan na kaniyang kapatid, na sila rin naman ay nangasa daong na hinahayuma ang mga lambat.

20 At pagdaka'y kaniyang tinawag sila: at kanilang iniwan sa daong ang kanilang amang si Zebedeo na kasama ng mga aliping upahan, at nagsisunod sa kaniya.

Read full chapter

(A)At nakakita siya ng dalawang daong na nasa tabi ng dagatdagatan: datapuwa't nagsilunsad sa mga yaon ang mga mamamalakaya, at hinuhugasan ang kanilang mga lambat.

At lumulan siya sa isa sa mga daong, na kay Simon, at ipinamanhik niya dito na ilayo ng kaunti sa lupa. At siya'y naupo at nagturo sa mga karamihan (B)buhat sa daong.

At pagtigil niya ng pagsasalita, ay sinabi niya kay Simon, (C)Pumaroon ka sa laot, at ihulog ninyo ang inyong mga lambat upang mamalakaya.

At sumagot si Simon at sinabi, Guro, sa buong magdamag ay (D)nagsipagpagal kami, at wala kaming nahuli: datapuwa't sa iyong salita ay ihuhulog ko ang mga lambat.

At nang magawa nila ito, ay nakahuli sila ng lubhang maraming isda; at nagkampupunit ang kanilang mga lambat;

At kinawayan nila ang mga (E)kasamahan (F)sa isang daong upang magsilapit at sila'y tulungan. At sila'y nagsilapit at nangapuno ang dalawang daong, ano pa't sila'y nagpasimulang lulubog.

Datapuwa't nang makita ni Simon Pedro, ay nagpatirapa sa mga tuhod ni Jesus, na nagsasabi, (G)Lumayo ka sa akin; sapagka't ako'y taong makasalanan, Oh Panginoon.

Sapagka't siya at ang lahat ng kasama niya ay nagsipanggilalas, dahil sa karamihan ng mga isdang kanilang nangahuli:

10 At gayon din si Santiago at si Juan, mga anak ni Zebedeo, na mga kasama ni Simon. At sinabi ni Jesus kay Simon, Huwag kang matakot; mula ngayon ay mamamalakaya ka ng mga tao.

11 At nang maisadsad na nila sa lupa ang kanilang mga daong, ay (H)iniwan nila ang lahat, at nagsisunod sa kaniya.

Read full chapter

40 Ang isa sa dalawang nakarinig ng pagsasalita ni Juan, at sumunod sa kaniya, ay si (A)Andres na kapatid ni Simon Pedro.

41 Una niyang nasumpungan ang kaniyang sariling kapatid na si Simon, at sa kaniya'y sinabi, Nasumpungan namin ang (B)Mesias (na kung liliwanagin, ay ang (C)Cristo).

42 Siya'y kaniyang dinala kay Jesus. Siya'y tiningnan ni Jesus, at sinabi, (D)Ikaw ay si Simon na anak ni Juan: tatawagin kang (E)Cefas (na kung liliwanagin, ay (F)Pedro).

Read full chapter