Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 72

Ang paghahari ng matuwid na hari. Awit ni Salomon.

72 Ibigay mo sa hari ang iyong mga kahatulan, Oh Dios,
At ang (A)iyong katuwiran sa anak na lalake ng hari.
(B)Kaniyang hahatulan ang iyong bayan, ng katuwiran,
At ang iyong dukha, ng kahatulan.
(C)Ang mga bundok ay magtataglay ng kapayapaan sa bayan,
At ang mga gulod, sa katuwiran.
Kaniyang hahatulan ang dukha sa bayan,
Kaniyang ililigtas ang mga anak ng mapagkailangan,
At pagwawaraywarayin ang mangaapi.
Sila'y mangatatakot sa iyo habang nananatili (D)ang araw,
At habang sumisilang ang buwan, sa lahat ng sali't saling lahi.
(E)Siya'y babagsak na parang ulan sa tuyong damo:
Gaya ng ambon na dumidilig sa lupa.
Sa kaniyang mga kaarawan ay (F)giginhawa ang mga matuwid;
At saganang kapayapaan, hanggang sa mawala ang buwan.
(G)Siya naman ay magtataglay ng pagpapakapanginoon sa dagat at dagat,
At mula sa Ilog hanggang sa mga wakas ng lupa.
Silang nagsisitahan sa ilang ay magsisiyukod (H)sa kaniya;
At hihimuran ng (I)kaniyang mga kaaway ang alabok.
10 (J)Ang mga hari ng Tharsis, at (K)sa mga pulo ay mangagdadala ng mga kaloob;
Ang mga hari sa (L)Sheba at (M)Seba ay mangaghahandog ng mga kaloob.
11 Oo, lahat ng mga hari ay magsisiyukod sa harap niya:
Lahat ng mga bansa ay mangaglilingkod sa kaniya.
12 Sapagka't kaniyang ililigtas ang mapagkailangan pagka dumadaing;
At ang dukha na walang katulong.
13 Siya'y maaawa sa dukha at mapagkailangan,
At ang mga kaluluwa ng mga mapagkailangan ay kaniyang ililigtas.
14 Tutubusin niya ang kanilang kaluluwa sa kapighatian at karahasan;
(N)At magiging mahalaga ang kanilang dugo sa kaniyang paningin:
15 At siya'y mabubuhay at sa kaniya'y ibibigay ang ginto ng Sheba:
At dadalanginang lagi siya ng mga tao:
Pupurihin nila siya buong araw.
16 Magkakaroon ng saganang trigo sa lupa sa taluktok ng mga bundok;
Ang bunga niyao'y uugang gaya ng Libano:
At silang sa bayan ay giginhawa na (O)parang damo sa lupa.
17 Ang kaniyang pangalan ay (P)mananatili kailan man;
Ang kaniyang pangalan ay magluluwat na gaya ng araw:
(Q)At ang mga tao ay pagpapalain sa kaniya;
(R)Tatawagin siyang maginhawa ng lahat ng mga bansa.
18 (S)Purihin ang Panginoong Dios, ang Dios ng Israel,
Na siya lamang gumagawa ng mga kababalaghang bagay:
19 At purihin ang kaniyang maluwalhating pangalan magpakailan man;
(T)At mapuno ang buong lupa ng kaniyang kaluwalhatian.
(U)Siya nawa, at Siya nawa.
20 Ang mga dalangin ni David na anak ni Isai ay nangatapos.

Genesis 28:10-22

Ang panaginip ni Jacob sa Betel.

10 At umalis si Jacob sa (A)Beer-seba at napasa dakong Haran.

11 At dumating sa isang dako, at nagparaan ng buong gabi roon, sapagka't lumubog na ang araw; at kumuha ng isa sa mga bato sa dakong yaon, at inilagay sa kaniyang ulunan, at nahiga sa dakong yaon upang matulog.

12 (B)At nanaginip, at narito, ang isang hagdan, na ang puno ay nasa lupa, at ang dulo ay umaabot sa langit; (C)at narito, ang mga anghel ng Dios na nagmamanhik manaog doon.

13 (D)At, narito, ang Panginoon ay nasa kataastaasan niyaon, at nagsabi, (E)Ako ang Panginoon, ang Dios ni Abraham na iyong ama, at ang Dios ni Isaac: (F)ang lupang kinahihigaan mo ay ibibigay ko sa iyo at sa iyong binhi;

14 (G)At ang iyong binhi ay magiging parang alabok sa lupa, at kakalat ka sa kalunuran, at sa silanganan, at sa hilagaan, at sa timugan (H)at sa iyo at sa iyong binhi ay pagpapalain ang lahat ng angkan sa lupa.

15 At, narito't (I)ako'y sumasa iyo, at iingatan kita saan ka man pumaroon, (J)at pababalikin kita sa lupaing ito (K)sapagka't hindi kita iiwan hanggang hindi ko magawa ang sinalita ko sa iyo.

16 At nagising si Jacob sa kaniyang panaginip, at nagsabi, (L)Tunay na ang Panginoon ay nasa dakong ito, at hindi ko nalalaman.

17 At siya'y natakot, at kaniyang sinabi, Kakilakilabot na dako ito! ito'y hindi iba kundi bahay ng Dios, at ito ang pintuan ng langit.

18 At si Jacob ay bumangong maaga ng kinaumagahan, at kinuha ang batong kaniyang inilagay sa ulunan niya, (M)at kaniyang itinayo na pinakaalaala, (N)at kaniyang binuhusan ng langis sa ibabaw.

19 (O)At ang ipinangalan niya sa dakong yaon ay Betel: datapuwa't ang pangalan ng bayan nang una ay Luz.

Ang pangako ni Jacob.

20 (P)At si Jacob ay nagpanata, na sinasabi, Kung sasaakin ang Dios, at ako'y iingatan sa daang ito na aking nilalakaran, at ako'y bibigyan ng tinapay na makakain, at damit na maisusuot,

21 Na ano pa't ako'y makabalik na payapa sa bahay ng aking ama, ay ang (Q)Panginoon nga ang magiging aking Dios,

22 At ang batong ito na aking itinayo na pinakaalaala ay magiging (R)bahay ng Dios; (S)at sa lahat ng ibigay mo sa akin ay walang pagsalang ang ikasangpung bahagi ay ibibigay ko sa iyo.

Mga Hebreo 11:13-22

13 Ayon sa pananampalataya ay nangamatay ang lahat ng mga ito, na hindi kinamtan ang mga pangako, nguni't (A)kanilang nangakita na natanaw mula sa malayo, at kanilang ipinahayag na sila'y pawang taga (B)ibang bayan at manglalakbay sa ibabaw ng lupa.

14 Sapagka't ang mga nagsisipagsabi ng mga gayong bagay ay nagpapakilalang hinahanap nila ang lupaing kanilang sarili.

15 At katotohanang kung kanilang naalaala yaong lupaing kanilang pinanggalingan, ay nagkaroon sana sila ng mabuting pagkakataon upang bumalik.

16 Nguni't ngayon ay nagnanasa sila ng lalong magaling na lupain, sa makatuwid baga'y ang sa langit: kaya hindi sila ikinahihiya ng (C)Dios (D)na tawaging Dios nila; sapagka't kaniyang ipinaghanda (E)sila ng isang bayan.[a]

17 Sa pananampalataya, nang subukin si Abraham, ay inihandog si Isaac: oo, siyang tumanggap na may galak ng mga pangako ay siyang naghandog sa kaniyang bugtong na anak;

18 Sa makatuwid baga'y yaong pinagsabihan, (F)Kay Isaac ay tatawagin ang iyong binhi:

19 Na inisip na (G)maging sa gitna ng mga patay ay maaaring buhayin siyang maguli ng Dios; mula diyan din naman ay muli siyang tinanggap sa isang (H)halimbawa.

20 Sa pananampalataya'y (I)binasbasan ni Isaac si Jacob at si Esau, tungkol sa mga bagay na darating.

21 Sa pananampalataya, si Jacob ng mamatay na ay (J)binasbasan niya ang bawa't isa sa mga anak ni Jose; at sumambang nakatangan sa puno ng kaniyang tungkod.

22 Sa pananampalataya, nang malapit nang mamatay si (K)Jose, ay binanggit niya ang pagalis sa Egipto ng mga anak ni Israel; at nagutos tungkol sa kaniyang mga buto.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978