Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 27:7-14

Dinggin mo, Oh Panginoon, pagka ako'y sumisigaw ng aking tinig:
Maawa ka rin sa akin, at sagutin mo ako.
Nang iyong sabihin, (A)Hanapin ninyo ang aking mukha; ang aking puso ay nagsabi sa iyo,
Ang iyong mukha, Panginoon, ay hahanapin ko.
(B)Huwag mong ikubli ang iyong mukha sa akin;
Huwag mong ihiwalay ang iyong lingkod ng dahil sa galit:
Ikaw ay naging aking saklolo;
Huwag mo akong itakuwil, o pabayaan man, (C)Oh Dios ng aking kaligtasan.
10 (D)Bagaman pabayaan ako ng aking ama at ng aking ina,
Gayon ma'y dadamputin ako ng Panginoon.
11 (E)Ituro mo sa akin ang iyong daan, Oh Panginoon:
At patnubayan mo ako sa patag na landas,
Dahil sa aking mga kaaway.
12 Huwag mo akong ibigay sa kalooban ng aking mga kaaway:
Sapagka't mga sinungaling na saksi ay (F)nagsibangon laban sa akin,
At ang (G)nagsisihinga ng kabagsikan.
13 Ako sana'y nanglupaypay kundi ko pinaniwalaang makita ang kabutihan ng Panginoon.
(H)Sa lupain ng may buhay.
14 (I)Magantay ka sa Panginoon:
Ikaw ay magpakalakas, at magdalang tapang ang iyong puso;
Oo, umasa ka sa Panginoon.

Mga Hukom 6:11-24

Si Gedeon ay dinalaw ng anghel ng Panginoon.

11 At ang anghel ng Panginoon ay naparoon at umupo sa ilalim ng encina na nasa Ophra, na kay Joas na (A)Abiezerita: at ang kaniyang anak na si (B)Gedeon ay pumapalo ng trigo sa ubasan, upang itago sa mga Madianita.

12 At napakita ang anghel ng Panginoon sa kaniya, at sinabi sa kaniya, Ang (C)Panginoo'y sumasaiyo, ikaw lalaking makapangyarihang may tapang.

13 At sinabi ni Gedeon sa kaniya, Oh Panginoon ko, kung ang Panginoon ay sumasaamin, bakit nga ang lahat ng ito ay sumapit sa amin? at (D)saan naroon ang lahat niyang kababalaghang gawa (E)na isinaysay sa amin ng aming mga magulang, na sinasabi, Hindi ba tayo iniahon ng Panginoon mula sa Egipto? nguni't ngayo'y hiniwalayan kami ng Panginoon at ibinigay kami sa kamay ng Madian.

14 At tiningnan siya ng Panginoon, at sinabi, (F)Yumaon ka sa kalakasan mong ito, at iligtas mo ang Israel sa kamay ng Madian: (G)hindi ba kita sinugo?

15 At sinabi niya sa kaniya, Oh Panginoon, paanong ililigtas ko ang Israel? narito, ang (H)aking angkan ay siyang pinakadukha sa Manases, at ako ang pinakamaliit sa bahay sangbahayan ng aking ama.

16 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (I)Walang pagsalang ako'y sasaiyo; at iyong sasaktan ang mga Madianita na parang isang lalake.

17 At sinabi niya sa kaniya, Kung ngayo'y (J)nakasumpong (K)ako ng biyaya sa iyong paningin, ay bigyan mo nga ako ng isang tanda, na ikaw ang nakikipagusap sa akin.

18 (L)Isinasamo ko sa iyo na huwag kang umalis dito, hanggang sa ako'y parito sa iyo, at ilabas ko ang aking handog, at ilapag ko sa harap mo. At kaniyang sinabi, Ako'y maghihintay hanggang sa ikaw ay bumalik.

19 (M)At si Gedeon ay pumasok, at naglutong madali ng isang anak ng kambing, at ng isang efa ng harina, ng mga munting tinapay na walang lebadura: inilagay ang karne sa isang buslo, at kaniyang inilagay ang sabaw sa isang palyok, at inilabas sa kaniya sa ilalim ng encina, at inihain.

20 At sinabi ng anghel ng Dios sa kaniya, Kunin mo ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura (N)at ipatong mo sa batong ito at (O)ibuhos mo ang sabaw. At kaniyang ginawang gayon.

21 Nang magkagayo'y iniunat ng anghel ng Panginoon ang dulo ng tungkod, na nasa kaniyang kamay, at sinalang ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at (P)napailanglang ang apoy sa bato, at pinugnaw ang karne at ang mga munting tinapay na walang lebadura; at ang anghel ng Panginoon ay nawala sa kaniyang paningin.

22 At (Q)nakita ni Gedeon na siya ang anghel ng Panginoon; at sinabi ni Gedeon, Aba, Oh Panginoon Dios! (R)sapagka't aking nakita ang anghel ng Panginoon na mukhaan.

23 At sinabi ng Panginoon sa kaniya, (S)Kapayapaan ang sumaiyo; huwag kang matakot: hindi ka mamamatay.

24 Nang magkagayo'y nagtayo roon si Gedeon ng isang dambana sa Panginoon, at tinawag na Jehova-salom: hanggang sa araw na ito ay nasa sa (T)Ophra pa ng mga Abiezerita.

Efeso 5:6-14

Huwag kayong madaya ng sinoman ng mga salitang walang kabuluhan: sapagka't (A)dahil sa mga bagay na ito'y dumarating ang galit ng Dios (B)sa mga anak ng pagsuway.

Huwag kayong makibahagi sa kanila;

Sapagka't noong panahon (C)kayo'y kadiliman, datapuwa't ngayon (D)kayo'y kaliwanagan sa Panginoon: magsilakad kayong gaya ng mga (E)anak ng kaliwanagan

(Sapagka't (F)ang bunga ng kaliwanagan ay nabubuo ng kabutihan at katuwiran at katotohanan),

10 Na inyong pinatutunayan (G)ang kinalulugdan ng Panginoon;

11 At huwag kayong makibahagi sa (H)mga walang mapapakinabang na gawa ng kadiliman, kundi bagkus inyong sawatain;

12 Sapagka't ang mga bagay na (I)ginagawa nila sa lihim ay mahalay na salitain man lamang.

13 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay pagka sawata ay itinatanyag ng kaliwanagan: sapagka't ang lahat ng mga bagay na itinatanyag ay kaliwanagan.

14 Kaya sinasabi niya, (J)Gumising kang natutulog, at magbangon ka sa gitna ng mga patay, at liliwanagan ka ni Cristo.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978