Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Isaias 42:1-9

Ang pangako ng Panginoon sa kaniyang lingkod.

42 (A)Narito, ang (B)aking lingkod, na aking inaalalayan; (C)ang aking hinirang, (D)na kinalulugdan ng aking kaluluwa; (E)isinakaniya ko ang aking Espiritu; siya'y maglalapat ng kahatulan sa mga bansa.

Siya'y hindi hihiyaw, o maglalakas man ng tinig, o iparirinig man ang kaniyang tinig sa lansangan.

Ang gapok na tambo ay hindi niya babaliin, ni ang timsim na umuusok ay hindi niya papatayin: siya'y maglalapat ng kahatulan sa katotohanan.

Siya'y hindi manglulupaypay o maduduwag man, hanggang sa maitatag niya ang kahatulan sa lupa; (F)at ang mga pulo ay maghihintay sa kaniyang kautusan.

Ganito ang sabi ng Dios na Panginoon, na lumikha ng langit, at nagladlad ng mga yaon; siyang naglatag ng lupa at ng nagsisilitaw rito; siyang nagbibigay ng hinga sa bayang nito, at ng diwa sa kanila na nagsisilakad dito:

Ako, ang Panginoon, ay tumawag sa iyo sa katuwiran, at hahawak ng iyong kamay, at magiingat sa iyo, at ibibigay (G)kita na pinakatipan sa bayan, (H)na pinakaliwanag sa mga bansa;

(I)Upang magdilat ng mga bulag na mata, (J)upang maglabas ng mga bilanggo sa bilangguan, at (K)nilang nangauupo sa kadiliman mula sa bilangguan.

Ako ang Panginoon; na siyang aking pangalan: at ang aking kaluwalhatian ay hindi ko ibibigay (L)sa iba, o ang akin mang kapurihan sa mga larawang inanyuan.

Narito, ang mga dating bagay ay nangyayari na, at ang mga bagong bagay ay ipinahahayag ko: bago mangalitaw ay sinasaysay ko sa inyo.

Mga Awit 29

Ang tinig ng Panginoon ay nasa malakas na hangin. Awit ni David.

29 Mangagbigay kayo sa Panginoon, (A)Oh kayong mga anak ng makapangyarihan,
Mangagbigay kayo sa Panginoon ng kaluwalhatian at kalakasan.
Ibigay ninyo sa Panginoon ang kaluwalhatiang marapat sa kaniyang pangalan:
Inyong sambahin ang Panginoon sa (B)kagandahan ng kabanalan.
(C)Ang tinig ng Panginoon ay nasa ibabaw ng tubig:
Ang Dios ng kaluwalhatian ay kumukulog,
Sa makatuwid baga'y ang Panginoon sa ibabaw ng (D)maraming tubig.
Ang tinig ng Panginoon ay makapangyarihan;
Ang tinig ng Panginoon ay puspos ng kamahalan.
Ang tinig ng Panginoon ay bumabali ng mga cedro;
Oo, pinagpuputolputol ng Panginoon ang mga cedro ng Libano.
Kaniya namang (E)pinalulukso na gaya ng guya:
Ang Libano at (F)Sirion na gaya ng mailap na guyang baka.
Humahawi ng liyab ng apoy ang tinig ng Panginoon.
Niyayanig ng tinig ng Panginoon ang ilang:
Niyayanig ng Panginoon ang ilang ng Kades.
Pinapanganganak ng tinig ng Panginoon ang mga usa,
At hinuhubdan ang mga gubat:
At sa kaniyang templo ay nagsasabi ang bawa't bagay: Kaluwalhatian.
10 Ang Panginoon ay (G)naupo sa Baha na parang Hari;
(H)Oo, ang Panginoon ay nauupong parang Hari magpakailan man.
11 (I)Ang Panginoon ay magbibigay ng kalakasan sa kaniyang bayan;
Pagpapalain ng Panginoon ang kaniyang bayan ng kapayapaan.

Mga Gawa 10:34-43

34 At binuka ni Pedro ang kaniyang bibig, at sinabi,

Tunay ngang natatalastas ko na hindi nagtatangi ang Dios ng mga tao:

35 Kundi (A)sa bawa't bansa siya na may takot sa kaniya, at gumagawa ng katuwiran, ay kalugodlugod sa kaniya.

36 Ang salita na kaniyang ipinadala sa mga anak ni Israel, (B)na ipinangangaral ang evangelio ng kapayapaan sa pamamagitan ni Jesucristo (C)(siya'y Panginoon ng lahat)—

37 Talastas ninyo ang salitang ito na nahayag sa buong Judea, (D)magbuhat sa Galilea, pagkatapos ng bautismo na ipinangaral ni Juan;

38 Sa makatuwid baga'y si (E)Jesus na taga Nazaret, kung paanong siya'y pinahiran ng Dios ng Espiritu Santo at ng kapangyarihan: na naglilibot na gumagawa ng mabuti, at nagpapagaling sa lahat ng mga pinahihirapan ng diablo; (F)sapagka't sumasa kaniya ang Dios.

39 At mga saksi (G)kami sa lahat ng mga bagay na ginawa niya sa lupain ng mga Judio, at sa Jerusalem; na siya nama'y kanilang pinatay, na siya'y ibinitin sa isang punong kahoy.

40 Siya'y muling binuhay ng Dios (H)nang ikatlong araw, at siya'y itinalagang mahayag.

41 (I)Hindi sa buong bayan, kundi sa mga (J)saksi na hinirang ng Dios nang una, sa makatuwid baga'y sa amin, na (K)nagsikain at nagsiinom na kasalo niya, pagkatapos na siya'y muling mabuhay sa mga patay.

42 At (L)sa ami'y ipinagbilin niya na magsipangaral kami sa bayan, at saksihan (M)na siya ang itinalaga ng Dios na maging Hukom ng mga buhay at ng mga patay.

43 Siya ang pinatotohanan ng (N)lahat ng mga propeta, na ang bawa't sumasampalataya sa kaniya ay magkakamit ng (O)kapatawaran sa mga kasalanan sa pamamagitan ng kaniyang pangalan.

Mateo 3:13-17

13 Nang magkagayo'y (A)naparoon si Jesus (B)mula sa Galilea at lumapit kay Juan sa ilog ng Jordan, upang siya'y bautismuhan niya.

14 Datapuwa't ibig siyang sansalain ni Juan, na nagsasabi, Kinakailangan ko na ako'y iyong bautismuhan, at ikaw ang naparirito sa akin?

15 Nguni't pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kaniya, Payagan mo ngayon: sapagka't ganyan ang nararapat sa atin, ang pagganap ng buong katuwiran. Nang magkagayo'y pinayagan niya siya.

16 At nang mabautismuhan si Jesus, pagdaka'y umahon sa tubig: at narito, nangabuksan sa kaniya ang mga langit, at nakita niya ang (C)Espiritu ng Dios na bumababang tulad sa isang kalapati, at lumalapag sa kaniya;

17 (D)At narito, ang isang tinig na mula sa mga langit, na nagsasabi, Ito ang sinisinta kong (E)Anak, na siya kong lubos na kinalulugdan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978