Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Awit ng walang takot na pagtitiwala sa Panginoon. Awit ni David.
27 Ang Panginoon (A)ay aking liwanag, at (B)aking kaligtasan: kanino ako matatakot?
Ang Panginoon, ay katibayan ng aking buhay; kanino ako masisindak?
2 Nang dumating sa akin ang mga manggagawa ng kasamaan upang kanin ang aking laman,
Ang aking mga kaaway at aking mga kaalit, sila'y nangatisod at nangarapa.
3 (C)Bagaman ang isang hukbo ay humantong laban sa akin,
Hindi matatakot ang aking puso:
Bagaman magbangon ang pagdidigma laban sa akin,
Gayon ma'y titiwala rin ako.
4 (D)Isang bagay ang hiningi ko sa Panginoon, na aking hahanapin;
Na ako'y makatahan (E)sa bahay ng Panginoon, lahat ng mga kaarawan ng aking buhay,
Upang malasin (F)ang kagandahan ng Panginoon,
At magusisa sa kaniyang templo.
5 (G)Sapagka't sa kaarawan ng kabagabagan ay iingatan niya ako na lihim sa kaniyang kulandong:
Sa kublihan ng kaniyang tabernakulo ay ikukubli niya ako;
Kaniyang itataas ako sa ibabaw ng isang malaking bato.
6 At ngayo'y matataas ang (H)aking ulo sa aking mga kaaway sa palibot ko;
At ako'y maghahandog sa kaniyang tabernakulo ng mga hain ng kagalakan;
Ako'y aawit, oo, ako'y aawit ng mga pagpuri sa Panginoon.
34 Nang magkagayo'y naparoon si Samuel sa (A)Rama, at si Saul ay sumampa sa kaniyang bahay sa (B)Gabaa ni Saul.
35 At si Samuel ay hindi na bumalik na napakitang muli kay Saul hanggang sa araw ng kaniyang kamatayan; (C)sapagka't tinangisan ni Samuel si Saul: at ang Panginoon ay (D)nagdamdam na kaniyang nagawang hari si Saul sa Israel.
Si Samuel ay pinaparoon kay Isai.
16 At sinabi ng Panginoon kay Samuel, (E)Hanggang kailan pananangisan mo si Saul yamang (F)aking itinakuwil siya na maging hari sa Israel? (G)Punuin mo ng langis ang iyong sungay, at ikaw ay yumaon, susuguin kita kay Isai na Beth-lehemita: (H)sapagka't ako'y naglaan sa kaniyang mga anak ng isang hari.
2 At sinabi ni Samuel, Paanong ako'y paroroon? Kung mabalitaan ni Saul, ay kaniyang papatayin ako. At sinabi ng Panginoon, Magdala ka ng isang dumalagang baka, at iyong sabihin, Ako'y naparito (I)upang maghain sa Panginoon.
3 At tawagin mo si Isai sa paghahain (J)at aking ituturo sa iyo kung ano ang iyong gagawin; (K)at iyong papahiran sa akin yaong sa iyo'y aking sabihin.
4 At ginawa ni Samuel ang sinalita ng Panginoon at naparoon sa Bethlehem. At ang mga matanda sa bayan ay naparoon upang salubungin siya na nagsisipanginig, at nagsabi, Naparirito ka bang (L)may kapayapaan?
5 At kaniyang sinabi, May kapayapaan: ako'y naparito upang maghain sa Panginoon: (M)magpakabanal kayo at sumama kayo sa akin sa paghahain. At pinapagbanal niya si Isai at ang kaniyang mga anak, at tinawag niya sila sa paghahain.
Si David ay binuhusan ng langis.
6 At nangyari, nang sila'y dumating na siya'y tumingin kay (N)Eliab, at nagsabi, Tunay na ang pinahiran ng Panginoon ay nasa harap niya.
7 Nguni't sinabi ng Panginoon kay Samuel, Huwag mong tingnan ang kaniyang (O)mukha, o ang taas ng kaniyang kataasan; sapagka't aking itinakuwil siya: (P)sapagka't hindi tumitingin ang Panginoon na gaya ng pagtingin ng tao: sapagka't ang tao ay tumitingin sa mukha, nguni't ang Panginoon ay tumitingin sa puso.
8 Nang magkagayo'y tinawag ni Isai si (Q)Abinadab, at pinaraan niya sa harap ni Samuel. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon.
9 Nang magkagayo'y pinaraan ni Isai si (R)Samma. At kaniyang sinabi, Kahit ito man, ay hindi pinili ng Panginoon.
10 At pinaraan ni Isai ang pito sa kaniyang mga anak sa harap ni Samuel. At sinabi ni Samuel kay Isai, Hindi pinili ng Panginoon ang mga ito.
11 At sinabi ni Samuel kay Isai, Narito ba ang iyong lahat na anak? At kaniyang sinabi, Natitira pa ang bunso, at, narito, siya'y nag-aalaga sa mga tupa. At sinabi ni Samuel kay Isai, (S)Ipasundo mo siya; sapagka't hindi tayo uupo hanggang sa siya'y dumating dito.
12 At siya'y nagsugo, at sinundo siya roon. Siya nga'y (T)may mapulang pisngi, (U)may magandang bikas, at mabuting anyo. (V)At sinabi ng Panginoon, Tumindig ka: pahiran mo siya ng langis, sapagka't ito nga.
13 Nang magkagayo'y kinuha ni Samuel ang sungay ng langis, at pinahiran siya sa gitna ng kaniyang mga kapatid: at (W)ang Espiritu ng Panginoon ay makapangyarihang suma kay David mula sa araw na yaon hanggang sa haharapin. Gayon bumangon si Samuel at napasa Rama.
27 At pagkatapos ng mga bagay na ito, (A)siya'y umalis, at nakita ang isang maniningil ng buwis, na nagngangalang Levi, na nakaupo sa paningilan ng buwis, at sinabi sa kaniya, Sumunod ka sa akin.
28 At iniwan niya ang lahat at nagtindig at sumunod sa kaniya.
29 At siya'y ipinagpiging ng malaki ni Levi sa kaniyang bahay: at lubhang maraming (B)maniningil ng buwis at mga iba pa na nangakasalo nila sa dulang.
30 At nangagbulongbulungan ang mga Fariseo at ang kanilang mga eskriba laban sa kaniyang mga alagad, na nangagsasabi, Bakit kayo'y nagsisikain at nagsisiinom na kasalo ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan?
31 At pagsagot ni Jesus ay sinabi sa kanila, Ang mga walang sakit ay hindi nangangailangan ng manggagamot; kundi ang mga may sakit.
32 (C)Hindi ako pumarito upang tawagin ang mga matuwid, kundi ang mga makasalanan sa pagsisisi.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978