Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
5 At (A)pupurihin ng langit ang iyong mga kababalaghan, Oh Panginoon;
Ang pagtatapat mo naman sa kapulungan ng (B)mga banal.
6 Sapagka't sino sa langit ang maitutulad sa Panginoon?
Sino sa gitna (C)ng mga anak ng makapangyarihan ang gaya ng Panginoon,
7 Isang Dios na kakilakilabot sa kapulungan ng mga banal,
At kinatatakutan ng higit sa lahat na nangasa palibot niya?
8 Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
(D)Sino ang makapangyarihang gaya mo, Oh JAH?
At ang pagtatapat mo'y nasa palibot mo.
9 (E)Iyong pinagpupunuan ang kapalaluan sa dagat:
Pagka nagsisibangon ang mga alon niyaon ay pinatatahimik mo.
10 (F)Iyong pinagwaraywaray ang Rahab na parang napatay;
Iyong pinangalat ang iyong mga kaaway ng bisig ng iyong kalakasan.
11 Ang langit ay (G)iyo, ang lupa ay iyo rin:
Ang sanglibutan at ang buong narito ay iyong (H)itinatag,
12 Ang hilagaan at ang timugan ay iyong nilikha;
Ang (I)Tabor at ang (J)Hermon ay nangagagalak sa iyong pangalan.
13 Ikaw ay may makapangyarihang bisig:
Malakas ang iyong kamay, at mataas ang iyong kanang kamay.
14 (K)Katuwiran at kahatulan ay patibayan ng iyong luklukan:
(L)Kagandahang-loob at katotohanan ay nagpapauna sa iyong mukha.
15 Mapalad (M)ang bayan na nakakaalam ng masayang tunog:
Sila'y nagsisilakad, Oh Panginoon, sa liwanag ng iyong mukha.
16 Sa iyong pangalan ay nangagagalak sila buong araw:
At sa iyong katuwiran ay nangatataas sila.
17 Sapagka't ikaw ang kaluwalhatian ng kanilang kalakasan:
At sa iyong lingap ay matataas ang (N)aming sungay.
18 Sapagka't ang aming kalasag ay ukol sa Panginoon;
At ang aming hari ay (O)sa Banal ng Israel.
19 (P)Nang magkagayo'y nagsalita ka sa pangitain sa iyong mga banal,
At iyong sinabi, Aking (Q)ipinagkatiwala ang saklolo sa isang (R)makapangyarihan;
Aking itinaas ang isang hirang mula sa bayan.
20 (S)Aking nasumpungan si David na aking lingkod;
Aking pinahiran siya ng aking banal na langis:
21 Na siyang itatatag ng aking kamay;
Palakasin naman siya ng aking bisig.
22 (T)Hindi dadahas sa kaniya ang kaaway;
Ni dadalamhatiin man siya ng anak ng kasamaan.
23 At ibubuwal ko ang kaniyang mga kaaway sa harap niya,
At sasaktan ko ang nangagtatanim sa kaniya.
24 Nguni't ang pagtatapat ko at ang kagandahang-loob ko ay sasa kaniya;
At sa pangalan ko'y (U)matataas ang kaniyang sungay.
25 (V)Akin namang ilalapag ang kaniyang kamay sa dagat,
At ang kaniyang kanan ay sa mga ilog.
26 Siya'y dadaing sa akin, (W)Ikaw ay Ama ko,
Dios ko, at malaking bato ng aking kaligtasan.
27 Akin namang gagawin siyang (X)panganay ko,
Na pinakamataas (Y)sa mga hari sa lupa.
28 Ang kagandahang-loob ko'y aking iingatan sa kaniya magpakailan man,
At ang tipan ko'y mananayong matibay sa kaniya.
29 Ang kaniya namang binhi ay pananatilihin ko magpakailan man,
At ang luklukan niya'y (Z)parang mga araw ng langit.
30 (AA)Kung pabayaan ng kaniyang mga anak ang kautusan ko,
At hindi magsilakad sa aking mga kahatulan;
31 Kung kanilang salangsangin ang mga palatuntunan ko,
At hindi ingatan ang mga utos ko;
32 Kung magkagayo'y aking dadalawin ng pamalo ang kanilang mga pagsalangsang,
At ng mga hampas ang kanilang kasamaan.
33 Nguni't ang aking kagandahang-loob ay hindi ko lubos na aalisin sa kaniya,
Ni akin mang titiisin na ang pagtatapat ko'y magkulang.
34 Ang tipan ko'y hindi ko sisirain,
Ni akin mang babaguhin ang bagay na lumabas sa aking mga labi.
35 Minsan ay sumampa ako (AB)sa pamamagitan ng aking kabanalan.
Hindi ako magbubulaan kay David;
36 Ang kaniyang binhi ay mananatili magpakailan man;
At ang kaniyang luklukan ay (AC)parang araw sa harap ko.
37 Matatatag magpakailan man na parang buwan,
At tapat na (AD)saksi sa langit. (Selah)
Iniwan ni Jacob ang idolo at pumunta sa Bethel.
35 At sinabi ng Dios kay Jacob, Tumindig ka, umahon ka sa (A)Bethel, at tumahan ka roon; at gumawa ka roon ng isang dambana sa Dios na napakita sa iyo (B)nang ikaw ay tumatakas mula sa harap ng iyong kapatid na si Esau.
2 Nang magkagayo'y sinabi ni Jacob sa kaniyang sangbahayan, at sa (C)lahat niyang kasama. Ihiwalay ninyo ang mga dios ng iba na nangasa inyo, (D)at magpakalinis kayo, at magbago kayo ng inyong mga suot:
3 At tayo'y magsitindig at magsisampa tayo sa (E)Bethel; at gagawa ako roon ng dambana sa Dios na sumagot sa akin sa araw ng aking kahapisan, (F)at sumaakin sa daan na aking nilakaran.
4 At kanilang ibinigay kay Jacob ang lahat ng ibang pinaka dios na nasa kamay nila, at ang mga hikaw na nasa kanilang mga tainga; (G)at itinago ni Jacob sa ilalim ng punong encina na malapit sa Sichem.
5 At sila'y naglakbay; (H)at ang isang malaking sindak mula sa Dios ay sumabayan na nasa mga palibot nila, at hindi nila hinabol ang mga anak ni Jacob.
6 Sa gayo'y naparoon si Jacob sa (I)Luz, na nasa lupain ng Canaan (na siyang Bethel), siya at ang buong bayang kasama niya.
7 At siya'y nagtayo roon ng isang dambana at tinawag niya ang dakong yaon na El-beth-el; sapagka't ang Dios ay napakita sa kaniya roon, nang siya'y tumatakas sa harap ng kaniyang kapatid.
8 At namatay si Debora na (J)yaya ni Rebeca, at nalibing sa paanan ng Bethel, sa ilalim ng encina, na ang pangalan ay tinawag na Allon-bacuth.
9 At ang Dios ay napakita uli kay Jacob, nang siya'y manggaling sa Padan-aram, at siya'y pinagpala.
10 At sinabi sa kaniya ng Dios, Ang pangalan mo'y Jacob; ang pangalan mo'y (K)hindi na tatawagin pang Jacob (L)kundi Israel ang itatawag sa iyo: at tinawag ang kaniyang pangalan na Israel.
11 At sinabi sa kaniya ng (M)Dios, Ako ang Dios na Makapangyarihan sa lahat; ikaw ay lumago at dumami ka; (N)isang bansa at isang kapisanan ng mga bansa ang magmumula sa iyo, at mga hari ay lalabas sa iyong balakang;
12 (O)At ang lupaing ibinigay ko kay Abraham at kay Isaac, ay ibibigay ko sa iyo, at sa iyong lahi pagkamatay mo ay ibibigay ko ang lupain.
13 At ang Dios ay napailanglang mula sa tabi niya sa dakong pinakipagusapan sa kaniya.
14 (P)At si Jacob ay nagtayo ng isang batong pinakaalaala sa dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios, haliging bato: at binuhusan niya ng isang inuming handog at binuhusan niya ng langis.
15 At tinawag ni Jacob na (Q)Bethel ang dakong pinakipagusapan sa kaniya ng Dios.
44 Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.
45 At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay (A)nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo.
46 Sapagka't nangarinig nilang (B)nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro,
47 Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?
48 At inutusan niya (C)sila na magsipagbautismo (D)sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978