Mga Bilang 24:14
Ang Biblia (1978)
14 At ngayon, narito, ako'y paroroon sa aking bayan: parito ka nga, at aking ipahahayag sa (A)iyo ang gagawin ng bayang ito sa iyong bayan (B)sa mga huling araw.
Read full chapter
Deuteronomio 4:30
Ang Biblia (1978)
30 Pagka ikaw ay nasa kapighatian, at ang lahat ng mga bagay na ito ay dumating sa iyo (A)sa mga huling (B)araw, ay magbabalik loob ka sa Panginoon mong Dios, at iyong didinggin ang kaniyang tinig.
Read full chapter
Isaias 2:2
Ang Biblia (1978)
2 At (A)mangyayari (B)sa mga huling araw, na ang bundok ng bahay ng Panginoon ay matatatag sa taluktok ng mga bundok, at magiging mataas sa mga burol; (C)at lahat ng bansa ay magsisiparoon doon.
Read full chapter
Jeremias 23:20
Ang Biblia (1978)
20 Ang galit ng Panginoon ay (A)hindi mapaparam, hanggang sa kaniyang magawa, at hanggang sa kaniyang maisagawa ang haka ng kaniyang puso: sa mga huling araw ay lubos ninyong mauunawa.
Read full chapter
Daniel 2:28
Ang Biblia (1978)
28 Nguni't may (A)isang Dios sa langit na naghahayag ng mga lihim, at siyang nagpapaaninaw sa haring Nabucodonosor kung ano ang mangyayari sa mga huling araw. Ang iyong panaginip, at ang pangitain ng iyong ulo sa iyong higaan ay ang mga ito:
Read full chapterAng Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978