Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
5 At nangyari nang kinabukasan, na nangagkatipon sa Jerusalem ang kanilang mga pinuno at mga matanda at mga eskriba;
6 At si Anas, na (A)dakilang saserdote, at (B)si Caifas, at si Juan, at si Alejandro, at ang lahat ng kalipian ng dakilang saserdote.
7 At nang kanilang mailagay na sila sa gitna nila, ay sila'y tinanong, Sa anong kapangyarihan, o sa anong pangalan ginawa ninyo ito?
8 Nang magkagayo'y si Pedro, na (C)puspos ng Espiritu Santo, ay nagsabi sa kanila, Kayong mga pinuno sa bayan, at matatanda,
9 Kung kami sa araw na ito'y sinisiyasat tungkol sa mabuting gawa na ginawa sa isang taong may-sakit, na kung sa anong paraan gumaling ito;
10 Talastasin ninyong lahat, at ng buong bayan ng Israel, (D)na sa pangalan ni Jesucristong taga Nazaret, na inyong ipinako sa krus, (E)na binuhay ng Dios na maguli sa mga patay, dahil sa kaniya ay nakatindig ang taong ito sa inyong harap na walang sakit.
11 Siya ang bato na itinakuwil (F)ninyong mga nagtayo ng bahay, na naging pangulo sa panulok.
12 At sa kanino mang iba ay walang kaligtasan: sapagka't walang ibang pangalan sa silong ng langit, na ibinigay sa mga tao, na sukat nating ikaligtas.
Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.
23 Ang Panginoon ay (A)aking pastor; hindi ako mangangailangan.
2 Kaniyang pinahihiga ako (B)sa sariwang pastulan:
Pinapatnubayan niya ako (C)sa siping ng mga tubig na pahingahan,
3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
(D)Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran (E)alangalang sa kaniyang pangalan.
4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(F)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
5 (G)Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:
(H)Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
(I)Ang aking saro ay inaapawan.
6 Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.
16 (A)Dito'y nakikilala natin ang pagibig, (B)sapagka't kaniyang ibinigay ang kaniyang buhay dahil sa atin; at nararapat nating ibigay ang ating mga buhay dahil sa mga kapatid.
17 Datapuwa't ang (C)sinomang mayroong mga pagaari sa sanglibutang ito, at nakikita ang kaniyang kapatid na nangangailangan, at doo'y ipagkait (D)ang kaniyang awa, (E)paanong mananahan ang pagibig ng Dios sa kaniya?
18 Mumunti kong mga anak, (F)huwag tayong magsiibig ng salita, ni ng dila man; kundi ng gawa at katotohanan.
19 Dito'y makikilala nating (G)tayo'y sa katotohanan, at (H)papapanatagin natin ang ating mga puso sa harapan niya.
20 Sapagka't (I)kung hinahatulan tayo ng ating puso, ang Dios ay lalong dakila kay sa ating puso, at nalalaman niya ang lahat ng mga bagay.
21 Mga minamahal, kung tayo'y hindi hinahatulan ng ating puso, (J)ay may pagkakatiwala tayo sa Dios;
22 (K)At anomang ating hingin ay tinatanggap natin sa kaniya, sapagka't tinutupad natin ang kaniyang mga utos at ginagawa natin ang mga bagay na kalugodlugod sa kaniyang paningin.
23 At ito ang kaniyang utos, (L)na manampalataya tayo sa pangalan ng kaniyang Anak na si Jesucristo, at tayo'y mangagibigan, ayon sa ibinigay niyang utos sa atin.
24 At ang tumutupad ng kaniyang mga utos (M)ay mananahan sa kaniya, at (N)siya ay sa kaniya. At (O)dito'y nakikilala natin na siya'y nananahan sa atin, sa pamamagitan ng Espiritu na kaniyang ibinigay sa atin.
11 Ako ang mabuting pastor: (A)ibinibigay ng mabuting pastor ang kaniyang buhay dahil sa mga tupa.
12 Ang nagpapaupa, at hindi ang pastor, na hindi may-ari ng mga tupa, ay nakikitang dumarating ang lobo, at (B)pinababayaan ang mga tupa, at tumatakas, at inaagaw sila ng lobo, at pinapangangalat:
13 Siya'y tumatakas sapagka't siya'y upahan, at hindi ipinagmamalasakit ang mga tupa.
14 Ako ang mabuting pastor; at (C)nakikilala ko ang sariling akin, at ang sariling akin ay nakikilala ako,
15 Gaya ng pagkakilala (D)sa akin ng Ama, at ng sa Ama ay pagkakilala ko; (E)at ibinibigay ko ang aking buhay dahil sa mga tupa.
16 At mayroon akong (F)ibang mga tupa, na hindi sa kulungang ito: (G)sila'y kailangan din namang dalhin ko, at kanilang diringgin ang aking tinig; at sila'y magiging isang kawan, at magkakaroon ng isang pastor.
17 (H)Dahil dito'y sinisinta ako ng Ama, (I)sapagka't ibinibigay ko ang aking buhay, upang kunin kong muli.
18 Sinoma'y hindi nagaalis sa akin nito, kundi kusa kong ibinibigay. May kapangyarihan akong magbigay nito, at (J)may kapangyarihan akong kumuhang muli. Tinanggap ko ang utos na (K)ito sa aking Ama.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978