Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Ang Panginoon ay pastol ng mangaawit. Awit ni David.
23 Ang Panginoon ay (A)aking pastor; hindi ako mangangailangan.
2 Kaniyang pinahihiga ako (B)sa sariwang pastulan:
Pinapatnubayan niya ako (C)sa siping ng mga tubig na pahingahan,
3 Kaniyang pinapananauli ang aking kaluluwa:
(D)Pinapatnubayan niya ako sa mga landas ng katuwiran (E)alangalang sa kaniyang pangalan.
4 Oo, bagaman ako'y lumalakad sa libis ng lilim ng kamatayan,
(F)Wala akong katatakutang kasamaan; sapagka't ikaw ay sumasa akin:
Ang iyong pamalo at ang iyong tungkod, ay nagsisialiw sa akin.
5 (G)Iyong pinaghahandaan ako ng dulang sa harap ko sa harapan ng aking mga kaaway:
(H)Iyong pinahiran ang aking ulo ng langis;
(I)Ang aking saro ay inaapawan.
6 Tunay na ang kabutihan at kaawaan ay susunod sa akin sa lahat ng mga kaarawan ng aking buhay:
At ako'y tatahan sa bahay ng Panginoon magpakailan man.
28 At pinapagpauna niya si Juda kay Jose, (A)upang ituro ang daan na patungo sa Gosen; at sila'y nagsidating sa lupain ng Gosen.
Sinalubong ni Jose ang kaniyang ama.
29 At inihanda ni Jose ang kaniyang karro, at sumampang sinalubong si Israel na kaniyang ama sa Gosen; at siya'y humarap sa kaniya, (B)at yumakap sa kaniyang leeg, at umiyak sa kaniyang leeg na matagal.
30 At sinabi ni Israel kay Jose, (C)Ngayo'y mamatay na ako yamang nakita ko na ang iyong mukha, na ikaw ay buháy pa.
31 At sinabi ni Jose sa kaniyang mga kapatid, at sa sangbahayan ng kaniyang ama, Ako'y (D)aahon, at aking sasaysayin kay Faraon, at aking sasabihin sa kaniya. Ang aking mga kapatid, at ang sangbahayan ng aking ama, na nangasa lupain ng Canaan, ay naparito sa akin;
32 At ang mga lalake ay mga pastor, sapagka't sila'y naging tagapagalaga ng hayop, at kanilang dinala ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik.
33 At mangyayaring, pagka tatawagin kayo ni Faraon, at sasabihin, Ano ang inyong hanapbuhay?
34 (E)Na inyong sasabihin, Ang iyong mga lingkod ay naging (F)tagapagalaga ng hayop mula sa aming pagkabata hanggang ngayon, kami at ang aming mga magulang; upang kayo'y matira sa (G)lupain ng Gosen; (H)sapagka't bawa't pastor ay kasuklamsuklam sa mga Egipcio.
Iniharap si Jacob kay Faraon.
47 Nang magkagayo'y pumasok si (I)Jose at isinaysay kay Faraon, at sinabi, Ang aking ama, at ang aking mga kapatid, at ang kanilang mga kawan, at ang kanilang mga bakahan, at ang lahat nilang tinatangkilik, ay dumating na mula sa lupain ng Canaan; at, (J)narito, sila'y nasa lupain ng Gosen.
2 At sa kaniyang mga kapatid ay nagsama siya ng limang lalake, (K)at mga iniharap niya kay Faraon.
3 (L)At sinabi ni Faraon sa kaniyang mga kapatid, Ano ang inyong hanapbuhay? At kanilang sinabi kay Faraon, Ang iyong mga lingkod ay mga pastor, kami at gayon din ang aming mga magulang.
4 At kanilang sinabi kay Faraon, (M)Upang makipamayan sa bayang ito ay naparito kami; sapagka't walang makain ang mga kawan ng iyong mga lingkod; dahil sa ang kagutom ay mahigpit sa lupain ng Canaan: ngayon nga, ay isinasamo namin sa iyo, na pahintulutan mo na ang iyong mga lingkod ay (N)tumahan sa lupain ng Gosen.
5 At sinalita ni Faraon kay Jose, na sinasabi, Ang iyong ama at ang iyong mga kapatid ay naparito sa iyo:
6 (O)Ang lupain ng Egipto ay nasa harap mo; sa (P)pinakamabuti sa lupain ay patirahin mo ang iyong ama at ang iyong mga kapatid; sa lupain ng Gosen (Q)patirahin mo sila: at kung may nakikilala kang mga matalinong lalake sa kanila, ay papamahalain mo sa aking hayop.
4 At nang sila'y nangagsasalita pa sa bayan, ay nagsilapit sa kanila ang mga saserdote, at ang (A)puno sa templo, at ang mga Saduceo,
2 Palibhasa'y totoong nangabagabag sapagka't tinuruan nila (B)ang bayan, at ibinalita sa pangalan ni Jesus ang (C)pagkabuhay na maguli sa mga patay.
3 At sila'y kanilang sinunggaban at kanilang ibinilanggo hanggang sa kinabukasan: sapagka't noon nga'y gabi na.
4 Datapuwa't marami sa nangakarinig ng salita ay nagsisampalataya; at (D)ang bilang ng mga lalake ay umabot sa mga limang libo.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978