Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.
150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (A)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
2 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
3 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(B)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4 Purihin ninyo siya (C)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (D)ng mga panugtog na kawad at ng (E)flauta.
5 Purihin ninyo siya ng mga (F)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
6 (G)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.
15 Ako'y yayaon at babalik sa aking dako, hanggang sa kanilang kilalanin ang pagkakasala, at hanapin ang aking mukha: sa kanilang pagdadalamhati ay hahanapin nila akong mainam.
Ang Ephraim at ang Juda ay napapanganib sa panghihimagsik ng Israel.
6 Magsiparito kayo, at tayo'y manumbalik sa Panginoon; sapagka't (A)siya'y lumapa, at pagagalingin niya tayo; siya'y nanakit, at kaniyang tatapalan tayo.
2 Pagkatapos ng dalawang araw ay muling (B)bubuhayin niya tayo: sa ikatlong araw ay ibabangon niya tayo, at tayo'y mangabubuhay sa harap niya.
3 At (C)ating kilalanin, tayo'y magpatuloy upang makilala ang Panginoon: ang kaniyang paglabas ay tunay na (D)parang umaga; at siya'y paririto sa atin na parang ulan, na (E)parang huling ulan na dumidilig ng lupa.
4 Oh Ephraim, ano ang gagawin ko sa iyo? Oh Juda, (F)ano ang gagawin ko sa iyo? sapagka't ang inyong kabutihan ay parang ulap sa umaga, (G)at parang hamog na lumalabas na maaga.
5 Kaya't aking pinutol sila sa pamamagitan ng mga propeta; aking pinatay sila ng mga salita ng aking bibig; at ang iyong mga kahatulan ay parang liwanag na lumalabas.
6 Sapagka't ako'y nagnanasa ng kaawaan, (H)at hindi hain; at ng pagkakilala sa Dios higit kay sa mga handog na susunugin.
1 (A)Ang matanda sa hirang na (B)ginang at sa kaniyang mga anak, (C)na aking iniibig sa katotohanan; at hindi lamang ako, kundi pati ng lahat ng mga nakakakilala (D)ng katotohanan;
2 Alangalang sa katotohanan na nananahan sa atin, at sasa atin magpakailan man:
3 (E)Sumaatin nawa ang biyaya, awa, at kapayapaang mula sa Dios Ama at kay Jesucristo, Anak ng Ama, sa katotohanan at sa pagibig.
4 Ako'y lubhang nagagalak na aking nasumpungan ang ilan sa iyong mga anak (F)na nagsisilakad sa katotohanan, ayon sa ating tinanggap na utos sa Ama.
5 At ngayo'y ipinamamanhik ko sa iyo, ginang, (G)na hindi waring sinusulatan kita ng isang bagong utos, kundi niyaong ating tinanggap nang pasimula, na tayo'y mangagibigan sa isa't isa.
6 (H)At ito ang pagibig, na tayo'y mangagsilakad ayon sa kaniyang mga utos. Ito ang utos, na tayo'y mangagsilakad sa kaniya, gaya ng inyong narinig nang pasimula.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978