Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Sa Pangulong Manunugtog; itinugma sa Sosannim Eduth. Awit ni Asaph.
80 Dinggin mo, Oh Pastor ng Israel,
Ikaw na pumapatnubay (A)sa Jose na (B)parang kawan;
(C)Ikaw na nauupo sa ibabaw ng mga querubin, sumilang ka.
2 Sa harap ng Ephraim, ng Benjamin at ng Manases, ay (D)mapukaw nawa ang kapangyarihan mo,
At parito kang iligtas mo kami.
3 Papanumbalikin mo kami, (E)Oh Dios;
At pasilangin mo ang iyong mukha, at maliligtas kami.
4 (F)Oh Panginoong Dios ng mga hukbo,
Hanggang kailan magagalit ka laban sa dalangin ng iyong bayan?
5 (G)Iyong pinakain sila ng tinapay na mga luha,
At binigyan mo sila ng mga luha upang inumin ng sagana.
6 (H)Iyong ginawa kaming kaalitan sa aming mga kalapit bansa:
At ang mga kaaway namin ay nagtatawanan.
7 Ibalik mo kami, Oh Dios ng mga hukbo;
At pasilangin mo ang iyong mukha at kami ay maliligtas.
8 Ikaw ay nagdala ng (I)isang puno ng ubas mula sa Egipto;
(J)Iyong pinalayas ang mga bansa, at itinanim mo yaon.
9 Ikaw ay naghanda ng dako sa harap niya,
At napailalim ang ugat, at pinuno ang lupain.
10 Ang mga bundok ay natakpan ng lilim niyaon,
At ang mga sanga niyaon ay gaya ng mga sedro ng Dios.
11 Kaniyang pinaabot ang kaniyang mga sanga hanggang sa dagat,
At ang kaniyang mga suwi hanggang (K)sa ilog.
12 (L)Bakit mo ibinagsak ang kaniyang mga bakod,
Na anopa't siya'y binubunot nilang lahat na nangagdadaan?
13 Sinisira ng baboy-ramo.
At sinasabsab ng mailap na hayop sa parang.
14 Bumalik ka uli, isinasamo ko sa iyo, Oh Dios ng mga hukbo:
Tumungo ka mula sa langit, at iyong masdan, at dalawin mo ang puno ng ubas na ito,
15 At ang ubasan na itinanim ng iyong kanan,
At ang (M)suwi na iyong pinalakas para sa iyong sarili.
16 (N)Nasunog ng apoy, at naputol:
Sila'y nalipol sa saway ng iyong mukha.
17 (O)Mapatong nawa ang iyong kamay sa tao na iyong kinakanan.
(P)Sa anak ng tao na iyong pinalakas sa iyong sarili.
18 Sa gayo'y hindi kami magsisitalikod sa iyo:
Buhayin mo kami, at tatawagan namin ang iyong pangalan.
19 (Q)Papanumbalikin mo kami, Oh Panginoong Dios ng mga hukbo;
Pasilangin mo ang iyong mukha at maliligtas kami.
Ang bagong langit at ang bagong lupa.
17 Sapagka't narito, ako'y (A)lumilikha ng mga bagong langit, at ng bagong lupa, at ang mga dating bagay ay hindi maaalaala, o mapapasa isip man.
18 Nguni't kayo'y mangatuwa at mangagalak magpakailan man sa aking nilikha; sapagka't, narito, aking (B)nililikha na kagalakan ang Jerusalem, at kaligayahan ang kaniyang bayan.
19 (C)At ako'y magagalak sa Jerusalem, at maliligaya sa aking bayan; at (D)ang tinig ng iyak ay hindi na maririnig pa sa kaniya, o ang tinig man ng daing.
20 Hindi na magkakaroon mula ngayon ng sanggol na mamamatay, o ng matanda man na hindi nalubos ang kaniyang mga kaarawan; sapagka't (E)ang bata ay mamamatay na may isang daang taong gulang, (F)at ang makasalanan na may isang daang taon ang gulang ay susumpain.
21 At sila'y mangagtatayo ng mga bahay, at ang mga yao'y kanilang tatahanan; at sila'y mangaguubasan, at magsisikain ng bunga niyaon.
22 Sila'y hindi magtatayo, at iba ang tatahan; sila'y hindi magtatanim, at iba ang kakain; sapagka't (G)kung paano ang mga kaarawan ng punong kahoy, ay magiging gayon ang mga kaarawan ng aking bayan, at ang aking mga pinili ay mangagagalak na malaon sa gawa ng kanilang mga kamay.
23 Sila'y hindi gagawa ng walang kabuluhan, (H)o manganganak man para sa kasakunaan, sapagka't (I)sila ang lahi ng mga pinagpala ng Panginoon, at ang kanilang mga anak na kasama nila.
24 At mangyayari, (J)na bago sila magsitawag, sasagot ako; (K)at samantalang sila'y nangagsasalita, aking didinggin.
25 Ang lobo at ang kordero (L)ay manginginaing magkasama, at ang leon ay kakain ng dayami na gaya ng baka; at (M)alabok ang magiging pagkain ng ahas. (N)Sila'y hindi (O)mananakit o magpapahamak man sa aking buong banal na bundok, sabi ng Panginoon.
18 Hindi ko kayo iiwang (A)magisa: ako'y paririto sa inyo.
19 Kaunti pang panahon, at hindi na ako makikita ng sanglibutan; nguni't (B)inyong makikita ako: (C)sapagka't ako'y nabubuhay, ay mangabubuhay rin naman kayo.
20 (D)Sa araw na yao'y makikilala ninyong ako'y nasa aking Ama, at kayo'y nasa akin, at ako'y nasa inyo.
21 Ang mayroon ng aking mga utos, at tinutupad ang mga yaon, ay siyang umiibig sa akin: at ang umiibig sa akin ay iibigin ng aking Ama, at siya'y iibigin ko, at ako'y magpapakahayag sa kaniya.
22 Si (E)Judas (hindi ang Iscariote) ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, ano't mangyayari na sa amin ka magpapakahayag, at hindi sa sanglibutan?
23 Sumagot si Jesus at sinabi sa kaniya, Kung ang sinoman ay umiibig sa akin, ay kaniyang tutuparin ang aking salita: at siya'y iibigin ng aking Ama, (F)at kami'y pasasa ka niya, at siya'y gagawin naming aming tahanan.
24 Ang hindi umiibig sa akin ay hindi tumutupad ng aking mga salita: at ang salitang inyong narinig ay hindi akin, kundi sa Amang nagsugo sa akin.
25 Ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, samantalang ako'y tumatahang kasama pa ninyo.
26 Datapuwa't (G)ang Mangaaliw, sa makatuwid baga'y (H)ang Espiritu Santo, na susuguin ng Ama sa aking pangalan, (I)siya ang magtuturo sa inyo ng lahat ng mga bagay, at magpapaalaala ng lahat na sa inyo'y aking sinabi.
27 (J)Ang kapayapaan ay iniiwan ko sa inyo; (K)ang aking kapayapaan ay ibinibigay ko sa inyo: hindi gaya ng ibinibigay ng sanglibutan, ang ibinibigay ko sa inyo. Huwag magulumihanan ang inyong puso, ni matakot man.
28 Narinig ninyo kung paanong sinabi ko sa inyo, Papanaw ako, at paririto ako sa inyo. Kung ako'y inyong iniibig, kayo'y mangagagalak, dahil sa (L)ako'y pasasa Ama: sapagka't (M)ang Ama ay lalong dakila kay sa akin.
29 At ngayon ay sinabi ko sa inyo bago mangyari, upang, kung ito'y mangyari, ay magsisampalataya kayo.
30 Hindi na ako magsasalita pa ng marami sa inyo, (N)sapagka't dumarating ang prinsipe ng sanglibutan: at siya'y walang anoman sa akin;
31 Datapuwa't upang maalaman ng sanglibutan na ako'y umiibig sa Ama, at (O)ayon sa kautusang ibinigay sa akin ng Ama, ay gayon din ang aking ginagawa. Magsitindig kayo, at magsialis tayo rito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978