Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Gawa 10:44-48

44 Samantalang nagsasalita pa si Pedro ng mga salitang ito, ay bumaba ang Espiritu Santo sa lahat ng nangakikinig ng salita.

45 At silang sa pagtutuli na nagsisampalataya ay (A)nangamanghang lahat na nagsiparoong kasama ni Pedro, sapagka't ibinuhos din naman sa mga Gentil ang kaloob na Espiritu Santo.

46 Sapagka't nangarinig nilang (B)nangagsasalita ang mga ito ng mga wika, at nangagpupuri sa Dios. Nang magkagayo'y sumagot si Pedro,

47 Mangyayari bagang hadlangan ng sinoman ang tubig, upang huwag mangabautismuhan itong mga nagsitanggap ng Espiritu Santo na gaya naman natin?

48 At inutusan niya (C)sila na magsipagbautismo (D)sa pangalan ni Jesucristo. Nang magkagayo'y kanilang ipinamanhik sa kaniya na matirang mga ilang araw.

Mga Awit 98

Awit.

98 (A)Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
Sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:
(B)Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
(C)Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
(D)Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
(E)Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:
Nakita ng (F)lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri (G)ng alpa;
Ng alpa at ng tinig na tugma.
Ng mga pakakak at tunog ng corneta
(H)Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
(I)Humugong ang dagat at ang buong naroon;
Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;
(J)Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;
Sa harap ng Panginoon, (K)sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng karapatan ang mga bayan.

1 Juan 5:1-6

Ang sinomang nananampalataya na (A)si Jesus ay siyang Cristo (B)ay ipinanganak ng Dios: at (C)ang bawa't umiibig sa nanganak ay umiibig din naman sa ipinanganak niyaon.

Dito'y ating nakikilala na tayo'y nagsisiibig sa mga anak ng Dios, pagka tayo'y nagsisiibig sa Dios at tinutupad natin ang kaniyang mga utos.

Sapagka't (D)ito ang pagibig sa Dios, na ating tuparin ang kaniyang mga utos: (E)at ang kaniyang mga utos ay hindi mabibigat.

Sapagka't ang sinomang ipinanganak ng Dios ay dumadaig sa sanglibutan: (F)at ito ang pagtatagumpay na dumadaig sa sanglibutan, sa makatuwid ay ang ating pananampalataya.

At sino ang dumadaig sa sanglibutan, kundi yaong nananampalatayang (G)si Jesus ay anak ng Dios?

Ito yaong naparito sa pamamagitan ng tubig at dugo, sa makatuwid ay si Jesucristo; (H)hindi sa tubig lamang, kundi sa tubig at sa dugo.

Juan 15:9-17

Kung paanong inibig ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: magsipanatili kayo sa aking pagibig.

10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig.

11 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang (A)aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang (B)inyong kagalakan ay malubos.

12 Ito ang aking utos, (C)na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo.

13 Walang may lalong dakilang (D)pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan.

14 Kayo'y aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo.

15 Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka't hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni't tinatawag ko kayong mga kaibigan; (E)sapagka't ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo.

16 Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y (F)hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang (G)anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.

17 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, upang kayo'y mangagibigan sa isa't isa.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978