Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa (A)Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.
4 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
3 Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
4 (B)Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
(C)Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5 (D)Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6 Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
(E)Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7 Ikaw ay naglagay ng (F)kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8 (G)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
2 Nang mga araw na yao'y akong si Daniel ay nanangis na tatlong buong sanglinggo.
3 Hindi ako kumain ng masarap na tinapay, ni pumasok man ang karne ni alak man sa aking bibig, (A)ni naglangis man ako, hanggang sa natapos ang tatlong buong sanglinggo.
4 At nang ikadalawang pu't apat na araw ng unang buwan, palibhasa'y ako'y nasa tabi ng malaking ilog, na siyang (B)Hiddekel.
5 Aking itiningin ang aking mga mata, at tumanaw, at narito, ang isang lalake na (C)nakapanamit ng kayong lino, na ang mga balakang ay binigkisan ng taganas na (D)ginto sa Uphas:
6 Ang kaniyang katawan naman ay (E)gaya ng berilo, at ang kaniyang mukha ay (F)gaya ng anyo ng kidlat, at ang kaniyang mga mata ay gaya ng mga liwanag ng apoy, at ang kaniyang mga kamay at kaniyang mga paa, ay gaya ng kulay ng pinakintab na tanso, (G)at ang tinig ng kaniyang mga salita ay gaya ng tinig ng isang karamihan.
7 At akong si Daniel ang nakakitang magisa ng pangitaing yaon; sapagka't ang mga lalake na kasama ko ay hindi nangakakita ng pangitain; kundi sumakanila ang isang di kawasang panginginig, at sila'y nagsitakas upang magsikubli.
8 Sa gayo'y iniwan akong magisa, at nakakita nitong dakilang pangitain, at nawalan ako ng lakas; sapagka't ang aking kagandahan ay umuwi sa kasiraan at walang nanatiling lakas sa akin.
9 Gayon ma'y narinig ko ang tinig ng kaniyang mga salita; (H)at nang aking marinig ang tinig ng kaniyang mga salita, ako nga'y nagupiling sa isang mahimbing na pagkakatulog, na ang aking mukha ay pasubsob.
Inaliw siya ng lalake.
10 At, narito, isang kamay ay humipo sa akin, na nagtayo sa akin sa aking mga tuhod at sa mga palad ng aking mga kamay.
11 At sinabi niya sa akin, Oh Daniel, ikaw na lalaking minamahal na mainam, unawain mo ang mga salita na aking sinasalita sa iyo, at tumayo kang matuwid; sapagka't sa iyo'y sinugo ako ngayon. At ng kaniyang masalita ang salitang ito sa akin, ako'y tumayo na nanginginig.
12 Nang magkagayo'y sinabi niya sa akin, (I)Huwag kang matakot, Daniel; sapagka't mula nang unang araw na iyong ilagak ang iyong puso na makaunawa, at magpakababa sa harap ng iyong Dios, ang iyong mga salita ay (J)dininig: at ako'y naparito alangalang sa iyong mga salita.
13 Nguni't ang prinsipe ng kaharian ng Persia ay nakipagpunyagi sa akin na dalawang pu't isang araw; nguni't, narito, si (K)Miguel ay isa sa mga punong prinsipe, dumating upang tulungan ako: at ako'y natira doon na kasama ng mga hari sa Persia.
14 Ngayo'y naparito ako upang ipatalastas sa iyo kung ano ang mangyayari sa iyong bayan sa mga (L)huling araw; (M)sapagka't ang pangitain ay ukol sa maraming mga araw pa.
15 At nang kaniyang masalita sa akin ang ayon sa mga salitang ito, ay aking itinungo ang aking mukha sa lupa, at ako'y napipi.
16 At, narito, isang (N)gaya ng kahawig ng mga anak ng mga tao ay (O)humipo ng aking mga labi: nang magkagayo'y ibinuka ko ang aking bibig, at ako'y nagsalita, at nagsabi sa kaniya na tumayo sa harap ko, Oh panginoon ko, dahil sa pangitain ay nagbalik sa akin ang aking mga kapanglawan, at hindi nananatili sa akin ang lakas.
17 Sapagka't paanong makikipagusap ang lingkod nitong aking panginoon sa panginoon kong ito? sapagka't tungkol sa akin, ay biglang nawalan ako ng lakas, ni may naiwan mang hininga sa akin.
18 Nang magkagayo'y hinipo uli ako roon ng isa na kamukha ng tao, at kaniyang pinalakas ako.
19 At kaniyang sinabi, (P)Oh taong minamahal na mainam, huwag kang matakot: kapayapaan ang sumaiyo, (Q)magpakalakas ka, oo, magpakalakas ka. At nang siya'y magsalita sa akin, ako'y lumakas, at nagsabi, Magsalita ang aking panginoon; sapagka't iyong pinalakas ako.
26 Isinulat ko sa inyo ang mga bagay na ito tungkol sa mga may ibig na magligaw sa inyo.
27 At tungkol sa inyo, ang (A)pagkapahid na sa kaniya'y inyong tinanggap ay nananahan sa inyo, at hindi ninyo kailangang kayo'y turuan ng sinoman; nguni't kung paanong kayo'y tinuturuan ng kaniyang pahid tungkol sa lahat ng mga bagay, at siyang totoo, at hindi kasinungalingan, at kung paanong kayo'y tinuruan nito, (B)ay gayon kayong nananahan sa kaniya.
28 At ngayon, mumunti kong mga anak, manahan kayo sa kaniya; upang, (C)kung siya'y mahayag, ay magkaroon kayo ng pagkakatiwala, (D)at huwag tayong mangapahiya sa harapan niya sa kaniyang pagparito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978