Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
25 (A)Sa iyo nanggagaling ang pagpuri sa akin sa dakilang kapisanan:
Aking tutuparin ang (B)aking mga panata sa harap nila na nangatatakot sa kaniya.
26 (C)Ang maamo ay kakain at mabubusog:
Kanilang pupurihin ang Panginoon na humanap sa kaniya;
Mabuhay nawa ang iyong puso magpakailan man.
27 Lahat ng mga wakas ng lupa ay makakaalaala, at (D)magsisipanumbalik sa Panginoon:
At lahat ng mga angkan ng mga bansa ay magsisisamba sa harap mo.
28 (E)Sapagka't ang kaharian ay sa Panginoon:
At siya ang puno sa mga bansa.
29 Lahat na matataba sa lupa ay magsisikain, at magsisisamba:
Silang lahat na nagsisibaba sa alabok ay magsisiyukod sa harap niya,
Sa makatuwid baga'y ang hindi makapagingat na buhay ng kaniyang kaluluwa.
30 Isang binhi ay maglilingkod sa kaniya,
Sasaysayin ang Panginoon sa susunod na salin ng lahi,
31 (F)Sila'y magsisiparoon at mangaghahayag ng kaniyang katuwiran,
Sa bayan na ipanganganak ay ibabalita, yaong kaniyang ginawa.
Ang pagkakagutom sa buong lupa ay ibinabala.
11 Narito, ang mga araw ay dumarating, sabi ng Panginoong Dios, na ako'y magpapasapit ng kagutom sa lupain, hindi kagutom sa tinapay, o kauhawan man dahil sa tubig, kundi (A)sa pagkarinig ng mga salita ng Panginoon.
12 At sila'y magsisilaboy sa dagat at dagat, at mula sa hilagaan hanggang sa silanganan; sila'y magsisitakbo ng paroo't parito upang hanapin ang salita ng Panginoon, at hindi masusumpungan.
13 Sa araw na yaon ay manglulupaypay sa uhaw ang mga magandang dalaga at ang mga binata.
9 Datapuwa't may isang tao, na nagngangalang Simon, na nang unang panaho'y nanggagaway sa bayan, at (A)pinahahanga ang mga tao sa Samaria, at nagsasabing siya'y isang dakila:
10 Na siyang pinakikinggan nilang lahat, buhat sa kaliitliitan hanggang sa kadakidakilaan, na sinasabi, (B)Ang taong ito ang siyang kapangyarihan ng Dios na tinatawag na Dakila.
11 At siya'y pinakinggan nila, sapagka't mahabang panahong pinahahanga niya sila ng kaniyang mga panggagaway.
12 Datapuwa't nang magsipaniwala sila kay Felipe na nangangaral (C)ng mabubuting balita tungkol sa kaharian ng Dios at sa pangalan ni Jesucristo, ay nangabautismuhan ang mga lalake't mga babae.
13 At si Simon man ay naniwala rin: at nang mabautismuhan na, ay nanatili siyang kasama ni Felipe; at nang makakita ng mga tanda at ng mga dakilang himalang ginawa, ay napahanga siya.
14 Nang mabalitaan nga (D)ng mga apostol na nangasa Jerusalem na tinanggap ng Samaria ang salita ng Dios, ay sinugo nila sa kanila (E)si Pedro at si Juan:
15 Na nang sila'y makalusong, ay ipinanalangin nila sila, (F)upang kanilang tanggapin ang Espiritu Santo.
16 Sapagka't ito'y hindi (G)pa bumababa sa kanino man sa kanila: kundi sila'y nangabautismuhan (H)lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus.
17 Nang magkagayo'y ipinatong (I)sa kanila ang kanilang mga kamay, at kanilang tinanggap ang Espiritu Santo.
18 Nang makita nga ni Simon na sa pamamagitan ng pagpapatong ng mga kamay ng mga apostol ay ibinigay ang Espiritu Santo, ay inalok niya sila ng salapi,
19 Na sinasabi, Bigyan naman ninyo ako ng kapangyarihang ito, upang sinomang patungan ko ng aking mga kamay, ay tumanggap ng Espiritu Santo.
20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ni Pedro, Ang iyong salapi'y mapahamak na kasama mo, sapagka't (J)inisip mong tamuhin ang kaloob ng Dios sa pamamagitan ng salapi.
21 Wala kang bahagi ni kapalaran man sa bagay na ito: sapagka't ang puso mo'y hindi matuwid sa harap ng Dios.
22 Magsisi ka nga sa kasamaan mong ito, at manalangin ka sa Panginoon, baka sakaling ipatawad sa iyo ang pagiisip ng iyong puso.
23 Sapagka't nakikita kong ikaw ay (K)nasa apdo ng kapaitan at sa tali ng katampalasanan.
24 At sumagot si Simon at sinabi, (L)Ipanalangin ninyo ako sa Panginoon, upang huwag mangyari sa akin ang alin mang bagay sa mga sinasabi ninyo.
25 Sila nga, nang makapagpatotoo at masabi na nila ang salita ng Panginoon, ay nangagbalik sa Jerusalem, at ipinangaral ang evangelio sa maraming nayon ng mga Samaritano.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978