Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
12 At nang makita ito ni Pedro, ay sumagot sa mga tao, Kayong mga lalaking taga Israel, bakit kayo'y nagsisipanggilalas sa taong ito? o bakit kami ang inyong tinititigan, na sa inyong akala ay dahil sa aming sariling kapangyarihan o kabanalan ay aming napalakad siya?
13 Ang Dios ni Abraham, at ni Isaac, at ni Jacob, (A)ang Dios ng ating mga magulang, ay (B)niluwalhati ang kaniyang Lingkod na si Jesus; na inyong ibinigay, at inyong tinanggihan sa harap ni Pilato, nang pasiyahan nito na siya'y pawalan.
14 Datapuwa't inyong pinakatanggihan (C)ang Banal at ang Matuwid na Ito, at (D)inyong hiningi na ipagkaloob sa inyo ang isang mamamatay-tao,
15 At inyong pinatay ang Lumikha ng buhay: na binuhay ng (E)Dios na maguli sa mga patay; (F)mga saksi kami ng mga bagay na ito.
16 At sa pamamagitan ng pananampalataya sa (G)kaniyang pangalan ay pinalakas ng kaniyang pangalan ang taong ito, na inyong nakikita at nakikilala: oo, (H)ang pananampalataya na sa pamamagitan niya'y nagkaloob sa kaniya nitong lubos na kagalingan sa harapan ninyong lahat.
17 At ngayon, mga kapatid, nalalaman ko na inyong ginawa yaon (I)sa di pagkaalam, gaya ng ginawa rin naman ng inyong mga pinuno.
18 Datapuwa't ginanap ang mga bagay na ipinagpaunang ibinalita (J)ng Dios sa pamamagitan ng bibig ng lahat ng mga propeta, na ang kaniyang Cristo ay magbabata.
19 Kaya nga mangagsisi kayo, (K)at mangagbalik-loob, upang mangapawi ang inyong mga kasalanan, upang kung magkagayon ay magsidating ang mga panahon ng kaginhawahang mula sa harapan ng Panginoon;
Panalangin sa hapon sa pagtitiwala sa Panginoon. Sa (A)Pangulong manunugtog; sa mga panugtog na kawad. Awit ni David.
4 Sagutin mo ako, pagka tumatawag ako, Oh Dios ng aking katuwiran;
Inilagay mo ako sa kaluwagan, nang ako'y nasa kagipitan:
Maawa ka sa akin, at dinggin mo ang aking dalangin.
2 Oh kayong mga anak ng tao, hanggang kailan magiging kasiraang puri ang aking kaluwalhatian?
Gaano katagal iibigin ninyo ang walang kabuluhan, at hahanap sa kabulaanan? (Selah)
3 Nguni't talastasin ninyo na ibinukod ng Panginoon sa ganang kaniyang sarili ang banal:
Didinggin ng Panginoon pagka ako'y tumawag sa kaniya.
4 (B)Kayo'y magsipanginig, at huwag mangagkasala:
(C)Mangagbulaybulay kayo ng inyong puso sa inyong higaan, at kayo'y magsitahimik.
5 (D)Mangaghandog kayo ng mga hain ng katuwiran,
At ilagak ninyo ang inyong tiwala sa Panginoon.
6 Marami ang mangagsasabi, Sinong magpapakita sa amin ng mabuti?
(E)Panginoon, pasilangin mo ang liwanag ng iyong mukha sa amin.
7 Ikaw ay naglagay ng (F)kasayahan sa aking puso,
Ng higit kay sa kanilang tinatangkilik nang ang kanilang butil, at kanilang alak ay magsidami.
8 (G)Payapa akong hihiga at gayon din matutulog:
Sapagka't ikaw, Panginoon, pinatatahan mo akong mag-isa sa katiwasayan.
3 Masdan ninyo (A)kung gaanong pagibig ang ipinagkaloob sa atin ng Ama, upang tayo'y (B)mangatawag na mga anak ng Dios; at tayo'y gayon nga. Dahil dito'y hindi tayo nakikilala ng sanglibutan, (C)sapagka't siya'y hindi nakilala nito.
2 Mga minamahal, (D)ngayon ay mga anak tayo ng Dios, at hindi pa (E)nahahayag kung magiging ano tayo. Nalalaman natin, na kung siya'y mahayag, (F)tayo'y magiging katulad niya: (G)sapagka't siya'y ating (H)makikitang gaya ng kaniyang sarili.
3 At sinomang mayroon ng pagasang ito sa kaniya (I)ay naglilinis sa kaniyang sarili, (J)gaya naman niyang malinis.
4 Ang sinomang gumagawa ng kasalanan ay sumasalangsang din naman sa kautusan: at (K)ang kasalanan ay ang pagsalangsang sa kautusan.
5 At nalalaman ninyo na siya'y (L)nahayag (M)upang magalis ng mga kasalanan; at sa kaniya'y (N)walang kasalanan.
6 Ang sinomang nananahan sa kaniya ay hindi nagkakasala; (O)sinomang nagkakasala ay hindi nakakita sa kaniya, (P)ni hindi man nakakilala sa kaniya.
7 Mumunti kong mga anak, huwag kayong padaya kanino man: ang gumagawa ng katuwiran ay matuwid, gaya niya na matuwid:
36 At (A)samantalang kanilang pinaguusapan ang mga bagay na ito, siya rin ay tumayo sa gitna nila, at sa kanila'y nagsabi, Kapayapaa'y suma inyo.
37 Datapuwa't sila'y kinilabutan, at nangahintakutan, at inakala nila na nakakakita sila ng isang (B)espiritu.
38 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo'y nangagugulumihanan? at bakit nangyayari ang pagtatalo sa inyong puso?
39 Tingnan ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: (C)hipuin ninyo ako, at tingnan; sapagka't ang isang espiritu'y walang laman at mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.
40 At pagkasabi niya nito, ay ipinakita niya sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang mga paa.
41 At samantalang hindi pa sila nagsisisampalataya dahil sa galak, at nagsisipanggilalas, ay sinabi niya sa kanila, (D)Mayroon baga kayo ritong anomang makakain?
42 At binigyan nila siya ng isang putol na isdang inihaw.
43 At kaniyang inabot yaon, (E)at kumain sa harap nila.
44 At sinabi niya sa kanila, (F)Ito ang aking mga salitang sinabi ko sa inyo, nang ako'y sumasa inyo pa, na kinakailangang matupad ang lahat ng mga bagay na nangasusulat tungkol sa akin sa (G)kautusan ni Moises, at sa mga propeta, at sa (H)mga awit.
45 Nang magkagayo'y binuksan niya ang kanilang mga pagiisip, upang mapagunawa nila ang mga kasulatan;
46 At sinabi niya sa kanila, Ganyan ang pagkasulat, na (I)kinakailangang maghirap ang Cristo, at magbangong muli sa mga patay sa ikatlong araw;
47 At ipangaral sa kaniyang pangalan (J)ang pagsisisi at pagpapatawad ng mga kasalanan (K)sa lahat ng mga bansa, (L)magbuhat sa Jerusalem.
48 (M)Kayo'y mga saksi ng mga bagay na ito.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978