Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Gawa 4:32-35

32 At ang karamihan ng mga nagsisampalataya ay nangagkakaisa ang puso at kaluluwa: at sinoma'y walang nagsabing kaniyang sarili ang anoman sa mga bagay na kaniyang inaari: (A)kundi lahat nilang pagaari ay sa kalahatan.

33 At (B)pinatotohanan ng mga apostol na may dakilang kapangyarihan, (C)ang pagkabuhay na maguli ng Panginoong Jesus: at dakilang biyaya ang sumasa kanilang lahat.

34 Sapagka't walang sinomang nasasalat sa kanila: (D)palibhasa'y ipinagbili ng lahat ng may mga lupa o mga bahay ang mga ito, at dinala ang mga halaga ng mga bagay na ipinagbili,

35 At ang mga ito'y inilagay sa mga paanan ng mga apostol: (E)at ipinamamahagi sa bawa't isa, ayon sa kinakailangan ng sinoman.

Mga Awit 133

Ang kabutihan ng pagkakaisang parang magkakapatid. Awit sa mga Pagsampa; ni David.

133 Masdan ninyo, na pagkabuti at pagkaligaya
Sa mga magkakapatid na (A)magsitahang magkakasama sa pagkakaisa!
Parang (B)mahalagang langis (C)sa ulo,
Na tumutulo sa balbas,
Sa makatuwid baga'y sa balbas ni Aaron.
Na tumulo sa laylayan ng kaniyang mga suot;
Gaya ng hamog sa (D)Hermon,
Na tumutulo sa mga (E)bundok ng Sion:
Sapagka't (F)doon pinarating ng Panginoon ang pagpapala,
Sa makatuwid baga'y ang buhay na magpakailan pa man.

1 Juan 1:1-2:2

Yaong (A)buhat sa pasimula, yaong aming narinig, (B)yaong nakita ng aming mga mata, (C)yaong aming namasdan, at (D)nahipo ng aming mga kamay, tungkol sa salita ng buhay

(at (E)ang buhay ay nahayag, at aming nakita, at (F)pinatotohanan, (G)at sa inyo'y aming ibinabalita ang buhay, ang buhay na walang hanggan, (H)na kasama ng Ama at sa atin ay nahayag);

Yaong aming nakita at narinig ay siya rin naming ibinabalita sa inyo, upang kayo naman ay magkaroon ng pakikisama sa amin: oo, at (I)tayo ay may pakikisama sa Ama, at sa kaniyang Anak na si Jesucristo:

At ang mga bagay na ito ay aming isinusulat, (J)upang ang ating kagalakan ay malubos.

At (K)ito ang pasabing aming narinig sa kaniya at sa inyo'y aming ibinabalita, (L)na ang Dios ay ilaw, at sa kaniya'y walang anomang kadiliman.

Kung sinasabi nating (M)tayo'y may pakikisama sa kaniya at (N)nagsisilakad tayo sa kadiliman, ay nangagbubulaan tayo, at hindi tayo nagsisigawa ng katotohanan:

Nguni't kung tayo'y nagsisilakad sa liwanag, na gaya niyang nasa liwanag, ay may pakikisama tayo sa isa't isa, at nililinis (O)tayo (P)ng dugo ni Jesus na kaniyang Anak sa lahat ng kasalanan.

Kung sinasabi nating tayo'y walang kasalanan, ay ating dinadaya ang ating sarili, at ang katotohanan ay (Q)wala sa atin.

Kung ipinahahayag natin ang (R)ating mga kasalanan, ay tapat at banal siya na tayo'y patatawarin sa ating mga kasalanan, at tayo'y lilinisin sa lahat ng kalikuan.

10 Kung sinasabi nating tayo'y hindi nangagkasala, (S)ay ating ginagawang sinungaling siya, at ang kaniyang salita ay wala sa atin.

Mumunti kong mga anak, ang mga bagay na ito ay isinusulat ko sa inyo upang kayo'y huwag mangagkasala. At kung ang sinoman ay magkasala, ay (T)may Tagapamagitan tayo sa Ama, si Jesucristo ang matuwid:

At (U)siya ang pangpalubag-loob sa ating mga kasalanan; at hindi lamang sa ating mga kasalanan, kundi ng sa buong sanglibutan (V)din naman.

Juan 20:19-31

19 Nang kinahapunan nga, nang araw na yaon, (A)na unang araw ng sanglinggo, at nang nangapipinid ang mga pintong kinaroroonan ng mga alagad, dahil sa katakutan sa mga Judio ay dumating si Jesus at tumayo sa gitna, at sa kanila'y sinabi, (B)Kapayapaan ang sumainyo.

20 At nang masabi niya ito, ay kaniyang ipinakita sa kanila ang kaniyang mga kamay at ang kaniyang tagiliran. (C)Ang mga alagad nga'y nangagalak, nang makita nila ang Panginoon.

21 Sinabi ngang muli sa kanila ni Jesus, Kapayapaan ang sumainyo: (D)kung paanong pagkasugo sa akin ng Ama, ay gayon din naman sinusugo ko kayo.

22 At nang masabi niya ito, (E)sila'y hiningahan niya, at sa kanila'y sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo:

23 Sinomang inyong patawarin ng mga (F)kasalanan, ay ipinatatawad sa kanila; sinomang hindi ninyo patawarin ng mga kasalanan, ay hindi pinatatawad.

24 Nguni't si Tomas, isa sa labingdalawa, (G)na tinatawag na Didimo, ay wala sa kanila nang dumating si Jesus.

25 Sinabi nga sa kaniya ng ibang mga alagad, Nakita namin ang Panginoon. Nguni't sinabi niya sa kanila, (H)Malibang aking makita sa kaniyang mga kamay ang butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking daliri sa butas ng mga pako, at maisuot ko ang aking kamay sa kaniyang tagiliran, ay hindi ako sasampalataya.

26 At pagkaraan ng walong araw ay muling nasa loob ng bahay ang kaniyang mga alagad, at kasama nila si Tomas. Dumating si Jesus, nang nangapipinid (I)ang mga pinto, at tumayo sa gitna, at sinabi, Kapayapaan ang sumainyo.

27 Nang magkagayo'y sinabi niya kay Tomas, Idaiti mo rito ang iyong daliri, at tingnan mo ang aking mga kamay; at idaiti mo rito ang iyong kamay, at isuot mo siya sa aking tagiliran: at huwag kang di mapanampalatayahin, kundi mapanampalatayahin.

28 Sumagot si Tomas, at sa kaniya'y sinabi, Panginoon ko at Dios ko.

29 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Sapagka't ako'y nakita mo ay sumampalataya ka: (J)mapapalad yaong hindi nangakakita, at gayon ma'y nagsisampalataya.

30 Gumawa rin nga si Jesus (K)ng iba't ibang maraming tanda sa harap ng kaniyang mga alagad, na hindi nangasusulat sa aklat na ito:

31 Nguni't ang mga ito ay nangasulat, (L)upang kayo'y magsisampalataya na si Jesus ay ang Cristo, ang Anak ng Dios; (M)at sa inyong pagsampalataya ay magkaroon kayo ng buhay (N)sa kaniyang pangalan.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978