Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Revised Common Lectionary (Semicontinuous)

Daily Bible readings that follow the church liturgical year, with sequential stories told across multiple weeks.
Duration: 1245 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Awit 98

Awit.

98 (A)Oh magsiawit kayo sa Panginoon ng bagong awit;
Sapagka't siya'y gumawa ng mga kagilagilalas na bagay:
(B)Ang kaniyang kanan at ang kaniyang banal na bisig ay gumawa ng kaligtasan para sa kaniya:
(C)Ipinakilala ng Panginoon ang kaniyang pagliligtas:
(D)Ang kaniyang katuwiran ay ipinakilala niyang lubos sa paningin ng mga bansa.
(E)Kaniyang inalaala ang kaniyang kagandahang-loob at ang kaniyang pagtatapat sa bahay ng Israel:
Nakita ng (F)lahat ng mga wakas ng lupa ang pagliligtas ng aming Dios.
Magkaingay kayo na may kagalakan sa Panginoon, buong lupa.
Mangagpasimula at magsiawit dahil sa kagalakan, oo, magsiawit kayo ng mga pagpuri.
Magsiawit kayo sa Panginoon ng mga pagpuri (G)ng alpa;
Ng alpa at ng tinig na tugma.
Ng mga pakakak at tunog ng corneta
(H)Magkaingay kayo na may kagalakan sa harap ng Hari, ng Panginoon.
(I)Humugong ang dagat at ang buong naroon;
Ang sanglibutan at ang nagsisitahan doon;
(J)Ipakpak ng mga baha ang kanilang mga kamay;
Magawitan ang mga burol dahil sa kagalakan;
Sa harap ng Panginoon, (K)sapagka't siya'y dumarating upang hatulan ang lupa:
Kaniyang hahatulan ng katuwiran ang sanglibutan,
At ng karapatan ang mga bayan.

Deuteronomio 32:44-47

44 At si Moises ay naparoon at sinalita ang lahat ng mga salita ng awit na ito sa pakinig ng bayan, siya, at si Josue[a] na anak ni Nun.

45 At tinapos ni Moises na salitain ang lahat ng mga salitang ito sa buong Israel:

46 At kaniyang sinabi sa kanila, (A)Ilagak ninyo ang inyong puso sa lahat ng mga salita na aking pinatototohanan sa inyo sa araw na ito, na inyong iuutos sa inyong mga anak upang isagawa ang lahat ng mga salita ng kautusang ito.

47 Sapagka't ito'y hindi hamak na bagay sa inyo; (B)sapagka't inyong kabuhayan, at sa bagay na ito ay inyong palalaunin ang inyong ipinagtatawid ng Jordan upang ariin.

Marcos 10:42-45

42 At sila'y pinalapit ni Jesus sa kaniya, at sa kanila'y sinabi, (A)Nalalaman ninyo na yaong mga inaaring mga pinuno ng mga Gentil ay nangapapapanginoon sa kanila; at ang sa kanila'y mga dakila ay nagsisigamit ng kapamahalaan sa kanila.

43 Datapuwa't sa inyo ay hindi gayon: kundi ang sinomang ibig na dumakila sa inyo, ay magiging lingkod ninyo;

44 At ang sinoman sa inyo ang magibig manguna, ay magiging alipin ng lahat.

45 Sapagka't ang Anak ng tao rin naman ay hindi naparito upang paglingkuran, kundi upang maglingkod, at ibigay ang kaniyang buhay na pangtubos sa marami.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978