Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Tawag upang purihin ang Panginoon sa pamamagitan ng mga panugtog.
150 Purihin ninyo ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Dios (A)sa kaniyang santuario:
Purihin ninyo siya sa langit ng kaniyang kapangyarihan.
2 Purihin ninyo siya dahil sa kaniyang mga makapangyarihang gawa:
Purihin ninyo siya ayon sa kaniyang marilag na kadakilaan.
3 Purihin ninyo siya ng tunog ng pakakak:
(B)Purihin ninyo siya ng salterio at alpa.
4 Purihin ninyo siya (C)ng pandereta at sayaw:
Purihin ninyo siya (D)ng mga panugtog na kawad at ng (E)flauta.
5 Purihin ninyo siya ng mga (F)matunog na simbalo.
Purihin ninyo siya sa pinaka matunog na mga simbalo.
6 (G)Purihin ng bawa't bagay na may hininga ang Panginoon.
Purihin ninyo ang Panginoon.
Ang handaan ng karunungan.
9 (A)Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay,
Kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi:
2 (B)Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak;
Kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang.
3 Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae;
Siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan:
4 Kung sinoma'y musmos, pumasok dito:
(C)Tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
5 Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay,
At magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan.
6 Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay;
At kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.
9 Nang siya nga'y magbangon nang unang araw ng sanglinggo, ay napakita muna siya kay Maria Magdalena, na sa kaniya'y pitong demonio (A)ang pinalabas niya.
10 Siya'y yumaon at (B)ipinagbigay alam sa mga naging kasamahan ni Jesus, samantalang sila'y nangahahapis at nagsisitangis.
11 At sila, nang kanilang mabalitaan na siya'y nabuhay, at nakita ni Magdalena, ay (C)hindi sila nagsipaniwala.
12 At pagkatapos ng mga bagay na ito ay napakita siya sa ibang anyo (D)sa dalawa sa kanila, nang sila'y nangaglalakad na patungo sa bukid.
13 At sila'y nagsiyaon at ipinagbigay-alam ito sa mga iba: at (E)kahit sa kanila'y hindi rin sila nagsipaniwala.
14 At pagkatapos (F)siya'y napakita sa labingisa samantalang sila'y nangakaupong nagsisikain; at pinagwikaan sila sa kawalan nila ng pananampalataya at katigasan ng puso, (G)sapagka't hindi sila nagsipaniwala sa nangakakita sa kaniya pagkatapos na siya'y magbangon.
15 At sinabi niya sa kanila, (H)Magsiyaon kayo sa buong sanglibutan, at inyong ipangaral ang evangelio sa lahat ng kinapal.
16 (I)Ang sumasampalataya at (J)mabautismuhan ay maliligtas; (K)datapuwa't ang hindi sumasampalataya ay parurusahan.
17 At lalakip ang mga tandang ito sa magsisisampalataya: mangagpapalabas sila ng mga demonio (L)sa aking pangalan; (M)mangagsasalita sila ng mga bagong wika;
18 (N)Sila'y magsisihawak ng mga ahas, at kung magsiinom sila ng bagay na makamamatay, sa anomang paraan ay hindi makasasama sa kanila; (O)ipapatong nila ang kanilang mga kamay (P)sa mga may-sakit, at sila'y magsisigaling.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978