Revised Common Lectionary (Semicontinuous)
Pagpuri sa Panginoon at babala laban sa di pagsampalataya.
95 (A)Oh magsiparito kayo, tayo'y magsiawit sa Panginoon:
(B)Tayo'y magkaingay na may kagalakan (C)sa malaking bato na ating kaligtasan.
2 Tayo'y magsiharap sa kaniyang harapan na may pagpapasalamat,
Tayo'y magkaingay na may kagalakan sa kaniya na may mga pagaawitan.
3 Sapagka't ang (D)Panginoon ay dakilang Dios,
At dakilang Hari sa lahat ng mga dios,
4 Na sa kaniyang kamay ang mga malalim na dako ng lupa,
Ang mga kataasan ng mga bundok ay kaniya rin.
5 Ang dagat ay kaniya, at kaniyang ginawa:
At ang kaniyang mga kamay ay lumikha ng tuyong lupa.
6 Oh magsiparito kayo, tayo'y magsisamba at magsiyukod;
Tayo'y magsiluhod sa harap ng Panginoon na May-lalang sa atin.
7 Sapagka't siya'y ating Dios,
At tayo'y (E)bayan ng kaniyang pastulan, at mga tupa ng kaniyang kamay.
Ngayon, kung (F)inyong didinggin ang kaniyang tinig!
8 Huwag ninyong papagmatigasin ang inyong puso, gaya sa Meriba,
Gaya sa kaarawan ng Masa (G)sa ilang:
9 (H)Nang tuksuhin ako ng inyong mga magulang,
Tinikman ako, at nakita ang gawa ko.
10 Apat na pung taong namanglaw ako sa lahing yaon,
At aking sinabi, Bayan na nagkakamali sa kanilang puso.
At hindi naalaman ang aking mga daan:
11 Kaya't ako'y sumumpa sa aking poot,
(I)Na sila'y hindi magsisipasok sa aking (J)kapahingahan.
Si David ay ginawang hari ng buong Israel.
11 Nang magkagayo'y ang (A)buong Israel ay nagpipisan kay David sa Hebron, na nagsasabi, Narito, kami ay iyong buto at iyong laman.
2 Nang mga panahong nakaraan, sa makatuwid baga'y nang si Saul ay hari, ikaw ang pumapatnubay at nagpapasok sa Israel: at sinabi sa iyo ng Panginoon mong Dios, Iyong aalagaan ang aking bayang Israel, at ikaw ay magiging pangulo ng aking bayang Israel.
3 Sa gayo'y lahat ng mga matanda sa Israel ay nagsiparoon sa hari sa Hebron; at si David ay nakipagtipan sa kanila sa Hebron sa harap ng Panginoon, at kanilang pinahiran ng langis si David na hari sa Israel, (B)ayon sa salita ng Panginoon sa pamamagitan ni Samuel.
Sinakop ni David ang Sion.
4 At si David at ang buong Israel ay naparoon sa Jerusalem (na siyang Jebus); at ang mga Jebuseo na mga tagaroon sa lupain, ay nangandoon.
5 At sinabi ng mga taga Jebus kay David, Ikaw ay hindi makapapasok rito. Gayon ma'y sinakop ni David ang katibayan ng Sion; na siyang bayan ni David.
6 At sinabi ni David, Sinomang sumakit sa mga Jebuseo na una ay (C)magiging pinuno at kapitan. At si Joab na anak ni Sarvia ay sumampang una, at naging pinuno.
7 At si David ay tumahan sa katibayan; kaya't kanilang tinawag na bayan ni David.
8 At kaniyang itinayo ang bayan sa palibot, mula sa Millo hanggang sa palibot: at hinusay ni Joab ang nalabi sa bayan.
9 At si David ay dumakila ng dumakila; sapagka't ang Panginoon ng mga hukbo ay sumasa kaniya.
13 At sumagot ang isa sa matatanda na, nagsasabi sa akin, Ang mga ito na nangadaramtan ng mapuputing damit, ay sino-sino at saan nagsipanggaling?
14 At sinabi ko sa kaniya, Panginoon ko, Ikaw ang nakakaalam. At sinabi niya sa akin, Ang mga ito'y ang nanggaling sa malaking kapighatian, at (A)nangaghugas ng kanilang mga damit, at pinaputi sa dugo ng Cordero.
15 Kaya't sila'y nasa harapan ng luklukan ng Dios; at nangaglilingkod sa kaniya araw at gabi sa kaniyang templo: at siyang nakaupo sa luklukan, ay (B)lulukuban sila ng kaniyang tabernakulo.
16 Sila'y hindi na magugutom pa, (C)ni mauuhaw pa man; ni hindi na sila tatamaan ng araw, o ng anomang init:
17 Sapagka't ang Cordero na nasa gitna ng luklukan (D)ay siyang magiging pastor nila, at sila'y papatnugutan sa mga bukal ng tubig ng buhay: at (E)papahirin ng Dios ang bawa't luha ng kanilang mga mata.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978