Add parallel Print Page Options

Siya'y napighati, gayon man nang siya'y dinalamhati ay (A)hindi nagbuka ng kaniyang bibig; (B)gaya ng kordero na dinadala sa patayan, at gaya ng tupang nasa harap ng mga manggugupit sa kaniya ay pipi, gayon ma'y hindi niya binuka ang kaniyang bibig.

Sa pamamagitan ng kapighatian at kahatulan ay dinala siya: at tungkol sa kaniyang lahi, (C)sino sa kanila ang gumunita na siya'y nahiwalay sa lupain ng buhay? dahil sa pagsalangsang ng aking bayan ay nasaktan siya.

Read full chapter

12 (A)Kaya't hahatian ko siya ng bahagi na kasama ng dakila, at kaniyang (B)hahatiin ang samsam na kasama ng malakas; sapagka't kaniyang idinulot ang kaniyang kaluluwa sa kamatayan, at (C)ibinilang na kasama ng mga mananalangsang: gayon ma'y dinala niya ang kasalanan ng marami, at (D)namagitan sa mga mananalangsang.

Read full chapter

Kundi nakikita natin ang (A)ginawang mababa ng kaunti kay sa mga anghel, sa makatuwid ay si Jesus, na dahil sa pagbata ng kamatayan ay pinutungan ng kaluwalhatian at karangalan, upang sa pamamagitan ng biyaya ng Dios ay (B)lasapin niya ang kamatayan (C)dahil sa bawa't tao.

Read full chapter