Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Old/New Testament

Each day includes a passage from both the Old Testament and New Testament.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Ezekiel 18-19

Ang kaluluwa ng nagkasala ay mamamatay.

18 Ang salita ng Panginoon ay dumating uli sa akin, na nagsasabi,

Anong ibig ninyong sabihin na (A)inyong sinasambit ang kawikaang ito tungkol sa lupain ng Israel, na sinasabi, Kinain (B)ng mga magulang ang mga maasim na ubas, at ang mga ngipin ng mga anak ay nagsisipangilo?

Buháy ako, sabi ng Panginoong Dios, hindi na ninyo sasambitin pa ang kawikaang ito sa Israel.

Narito, lahat ng kaluluwa ay akin; kung paano ang kaluluwa ng ama, gayon din ang kaluluwa ng anak ay akin: (C)ang kaluluwa na nagkakasala ay mamamatay.

Nguni't kung ang isang tao ay maging ganap, at gumawa ng tapat at matuwid,

At hindi kumain (D)sa mga bundok, (E)o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel, o (F)nadumhan man ang asawa ng kaniyang kapuwa, o lumapit man sa isang babae na may kapanahunan:

At hindi pumighati sa kanino man, kundi nagsauli ng sangla (G)sa (H)mangungutang sa kaniya, hindi sumamsam ng anoman sa pamamagitan ng pangdadahas nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad;

Siya na (I)hindi nagbigay na (J)may patubo, o kumuha man ng anomang (K)pakinabang, na iniurong ang kaniyang kamay sa kasamaan, (L)gumawa ng tunay na kahatulan sa tao't tao,

Lumakad ng ayon sa aking mga palatuntunan, at nagingat ng aking mga kahatulan upang gawing may katotohanan; siya'y ganap, siya'y walang pagsalang mabubuhay, (M)sabi ng Panginoong Dios.

10 Kung siya'y magkaanak ng isang lalake na tulisan, mangbububo ng dugo, at gumagawa ng alin man sa mga ganitong bagay,

11 At hindi gumagawa ng alin man sa mga katungkulang yaon, kundi kumain nga sa mga bundok, at nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa,

12 Pumighati (N)ng dukha at mapagkailangan, sumamsam sa pamamagitan ng pangdadahas, hindi nagsauli ng sangla, at itinaas ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan, (O)gumawa ng kasuklamsuklam.

13 Nagbigay na may patubo, at tumanggap ng pakinabang; mabubuhay nga baga siya? siya'y hindi mabubuhay: kaniyang ginawa ang lahat na kasuklamsuklam na ito: siya'y walang pagsalang mamamatay; (P)ang kaniyang dugo ay sasa kaniya.

14 Ngayon, narito, kung siya'y magkaanak ng isang lalake, na nakikita ang lahat na kasalanan ng kaniyang ama na ginawa, at natatakot, at hindi gumagawa ng gayon;

15 Na hindi kumain sa mga bundok, o itinaas man ang kaniyang mga mata sa mga diosdiosan ng sangbahayan ni Israel; hindi nadumhan ang asawa ng kaniyang kapuwa,

16 O pumighati man sa kanino man, hindi tumanggap ng anomang sangla, o sumamsam man sa pamamagitan ng pangdadahas, kundi nagbigay ng kaniyang tinapay sa gutom, at nagbalot ng kasuutan sa hubad;

17 (Q)Na iniurong ang kaniyang kamay sa dukha, na hindi tumanggap ng patubo o ng pakinabang man, ginawa ang aking mga kahatulan, lumakad sa aking mga palatuntunan, hindi siya mamamatay, ng dahil sa kasamaan ng kaniyang ama, siya'y walang pagsalang mabubuhay.

18 Tungkol sa kaniyang ama, sapagka't siya'y pumighating may kabagsikan, sumamsam sa kaniyang kapatid sa pamamagitan ng pangdadahas, at gumawa ng hindi mabuti sa gitna ng kaniyang bayan, narito siya'y (R)mamamatay sa kaniyang kasamaan.

19 Gayon ma'y sinasabi ninyo, (S)Bakit hindi dinadala ng anak ang kasamaan ng ama? Pagka ginawa ng anak ang tapat at matuwid, at nag-ingat ng lahat na aking palatuntunan, at isinagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay.

20 (T)Ang kaluluwa na nagkakasala, mamamatay: (U)ang anak ay hindi magdadanas ng kasamaan ng ama, o magdadanas man ang ama ng kasamaan ng anak; (V)ang katuwiran ng matuwid ay sasa kaniya, at ang kasamaan ng masama ay sasa kaniya.

21 Nguni't kung ang masama (W)ay humiwalay sa kaniyang lahat na kasalanan na kaniyang nagawa, at ingatan ang lahat na aking mga palatuntunan, at gumawa ng tapat at matuwid, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.

22 Wala sa kaniyang mga pagsalangsang (X)na nagawa niya na aalalahanin laban sa kaniya: sa kaniyang katuwiran na kaniyang ginawa ay mabubuhay siya.

23 Mayroon baga akong anomang kasayahan sa kamatayan (Y)ng masama? sabi ng Panginoong Dios: at hindi baga mabuti na siya'y humiwalay sa kaniyang lakad, at mabuhay?

24 Nguni't (Z)pagka ang matuwid ay humiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at gumagawa ng ayon sa lahat na kasuklamsuklam na ginagawa ng masamang tao, mabubuhay baga siya? Walang aalalahanin sa (AA)kaniyang mga matuwid na gawa na kaniyang ginawa: sa kaniyang pagsalangsang na kaniyang isinalangsang, at sa kaniyang kasalanan na kaniyang ipinagkasala, sa mga yaon mamamatay siya.

25 Gayon ma'y inyong sinasabi, Ang daan ng Panginoon ay (AB)hindi matuwid. Pakinggan mo ngayon, Oh sangbahayan ni Israel, Hindi baga ang aking daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ang di matuwid?

26 Pagka ang matuwid ay humihiwalay sa kaniyang katuwiran, at gumagawa ng kasamaan, at kinamamatayan; sa kasamaan na kaniyang nagawa ay mamamatay siya.

27 Muli, pagka ang masama ay humihiwalay sa kaniyang kasamaan na kaniyang nagawa, at gumawa ng tapat at matuwid, kaniyang ililigtas na buháy ang kaniyang kaluluwa.

28 Sapagka't siya'y nagmunimuni, at humiwalay sa lahat niyang pagsalangsang na kaniyang nagawa, siya'y walang pagsalang mabubuhay, siya'y hindi mamamatay.

29 Gayon ma'y sabi ng sangbahayan ni Israel, Ang daan ng Panginoon ay hindi matuwid. Oh sangbahayan ni Israel, hindi baga ang aking mga daan ay matuwid? hindi baga ang iyong mga lakad ay ang di matuwid?

30 Kaya't hahatulan (AC)ko kayo, Oh sangbahayan ni Israel, bawa't isa'y ayon sa kaniyang mga lakad, sabi ng Panginoong Dios. (AD)Kayo'y mangagbalik-loob, at magsihiwalay kayo sa lahat ninyong pagsalangsang; sa gayo'y ang kasamaan ay hindi magiging inyong kapahamakan.

31 Inyong iwaksi ang lahat ninyong pagsalangsang, na inyong isinalangsang: at kayo'y (AE)magbagong loob at magbagong diwa: sapagka't bakit kayo mamamatay, Oh angkan ni Israel?

32 Sapagka't wala akong kasayahan sa kamatayan niya na namamatay, sabi ng Panginoong Dios: kaya't (AF)magsipagbalik-loob kayo, at kayo'y mangabuhay.

Ang hari ng Israel ay tulad sa nakukulong na leon.

19 Bukod dito'y (AG)magbadya ka ng isang taghoy na ukol sa mga prinsipe sa Israel.

At iyong sabihin, naging ano baga ang iyong ina? Isang leona: siya'y humiga sa gitna ng mga leon, sa gitna ng mga batang leon, pinakain niya ang kaniyang mga anak.

At pinalaki niya ang isa sa kaniyang mga anak: yao'y (AH)naging isang batang leon, at yao'y natuto na manghuli at lumamon ng mga tao.

Narinig naman yaon ng mga bansa; yao'y nahuli sa kanilang hukay; at dinala nila yaon na natatanikalaan sa lupain (AI)ng Egipto.

Nang makita nga niya na siya'y naghintay, at ang kaniyang pagasa ay nawala, (AJ)kumuha nga siya ng iba sa kaniyang mga anak, at ginawang batang leon.

At yao'y nagpanhik manaog (AK)sa gitna ng mga leon, yao'y naging batang leon; at yao'y natuto na manghuli, at lumamon ng mga tao.

At naalaman niya ang kanilang mga palacio, at sinira ang kanilang mga bayan; at ang lupain ay nagiba, at ang lahat na nangandoon, dahil sa hugong ng kaniyang angal.

Nang magkagayo'y (AL)nagsilagay ang mga bansa laban sa kaniya sa bawa't dako na mula sa mga lalawigan; at ipinaglagay nila siya ng panilo; nahuli siya sa kanilang hukay.

At (AM)may tanikalang inilagay siya nila sa isang kulungan, at dinala nila siya sa hari sa Babilonia; ipinasok nila siya sa katibayan, upang ang kaniyang tinig ay huwag nang marinig sa mga bundok ng Israel.

10 Ang inyong ina ay parang (AN)puno ng ubas sa iyong dugo, na natanim sa tabi ng tubig: siya'y mabunga at puno ng mga sanga, dahil sa maraming tubig.

11 At siya'y nagkaroon ng mga matibay na tutungkurin na magagawang mga cetro nila na nagpupuno, at ang kanilang taas ay (AO)nataas sa mga masinsing sanga, at nangakita sa kanilang taas dahil sa karamihan ng kanilang mga sanga.

12 Nguni't siya'y nabunot sa pag-aalab ng loob, siya'y nahagis sa lupa, at tinuyo ng (AP)hanging silanganan ang bunga niya: ang kaniyang mga matibay na tutungkurin ay nangabali at nagsidupok; pinagsupok sa apoy.

13 At ngayo'y natanim siya (AQ)sa ilang, sa isang tuyo at uhaw na lupain.

14 At lumabas ang apoy sa mga tutungkurin ng kaniyang mga sanga, sinupok ang kaniyang bunga, na anopa't nawalan ng matibay na tutungkurin na magiging cetro upang ipagpuno. (AR)Ito ay panaghoy, at magiging pinakapanaghoy.

Santiago 4

Saan nagbubuhat ang mga pagbabaka at saan nagbubuhat ang mga pagaaway sa inyo? hindi baga nagbubuhat dito, sa inyong mga (A)kalayawan (B)na bumabaka sa inyong mga sangkap?

Kayo'y nangagiimbot, at kayo'y wala: (C)kayo'y nagsisipatay, at kayo'y nangaiinggit, at hindi maaaring kamtan: kayo'y nangakikipagaway at nangakikipagbaka; kayo'y wala, sapagka't hindi kayo nagsisihingi.

Kayo'y nagsisihingi, at hindi kayo nagsisitanggap, (D)sapagka't nagsisihingi kayo ng masama, upang gugulin sa inyong mga kalayawan.

Kayong (E)mga mangangalunya, hindi baga ninyo nalalaman na (F)ang pakikipagkaibigan sa sanglibutan ay pakikipagaway sa Dios? (G)Sinoman ngang magibig na maging kaibigan ng sanglibutan ay nagiging kaaway ng Dios.

O iniisip baga ninyo na ang kasulatan ay nagsasalita ng walang kabuluhan? Ang (H)Espiritu baga na pinatira sa atin ay nagnanais hanggang sa kapanaghilian?

Nguni't siya'y nagbibigay ng lalong biyaya. Kaya't sinasabi ng kasulatan, Ang (I)Dios ay sumasalansang sa mga palalo, datapuwa't nagbibigay ng biyaya sa mga mapagpakumbaba.

Pasakop nga kayo sa Dios; datapuwa't magsisalangsang kayo sa diablo, at tatakas siya sa inyo.

Magsilapit kayo sa Dios, at siya'y lalapit sa inyo. Mangaglinis kayo ng inyong mga kamay, kayong mga makasalanan; at (J)dalisayin ninyo ang inyong mga puso, kayong mga (K)may dalawang akala.

Kayo'y mangagpighati, at magsihibik, at magsitangis: inyong palitan ang inyong pagtawa ng paghibik, at ang inyong kagalakan ng kalumbayan.

10 Mangagpakababa kayo (L)sa paningin ng Panginoon, at kaniyang itataas kayo.

11 (M)Huwag kayong mangagsalita ng laban sa isa't isa, mga kapatid. Ang nagsasalita laban sa kapatid, (N)o humahatol sa kaniyang kapatid, ay (O)nagsasalita laban sa kautusan, at humahatol sa kautusan: datapuwa't kung ikaw ay humahatol sa kautusan, hindi ka na tagatupad ng kautusan, kundi hukom.

12 Iisa ang tagapagbigay ng kautusan at hukom, sa makatuwid baga'y ang makapagliligtas at (P)makapagwawasak: datapuwa't (Q)sino ka na humahatol sa iyong kapuwa?

13 (R)Magsiparito ngayon, kayong nagsisipagsabi, (S)Ngayon o bukas ay magsisiparoon kami sa gayong bayan, at titira kami doong isang taon, at mangangalakal, at magtutubo:

14 Kayo ngang hindi nakaaalam ng mangyayari bukas. Ano ang inyong buhay? (T)Kayo nga'y isang singaw na sa sangdaling panahon ay lumilitaw, at pagdaka'y napapawi.

15 Sapagka't ang dapat ninyong sabihin ay, Kung loloobin ng Panginoon ay mangabubuhay kami, at gagawin namin ito o yaon.

16 Datapuwa't ngayon ay nagmamapuri kayo sa inyong mga pagpapalalo: (U)ang lahat ng ganitong pagmamapuri ay masama.

17 (V)Sa nakakaalam nga ng paggawa ng mabuti, at hindi ginagawa, ito'y kasalanan sa kaniya.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978