Chronological
Naglagay ng mga Hukom.
19 At si Josaphat na hari sa Juda ay umuwing payapa sa kaniyang bahay sa Jerusalem.
2 At si (A)Jehu na anak ni Hanani na tagakita ay lumabas na sinalubong siya, at sinabi sa haring Josaphat: Tutulungan mo ba ang mga masama at (B)mamahalin yaong mga napopoot sa Panginoon? dahil sa bagay na ito ay kapootan ang sasaiyo na mula sa harap ng Panginoon.
3 Gayon ma'y may (C)mabuting mga bagay na nasumpungan sa iyo, sa iyong (D)pagaalis ng mga Asera sa lupain, at inilagak mo ang iyong puso upang hanapin ang Dios.
4 At si Josaphat ay tumahan sa Jerusalem: at siya'y lumabas uli sa gitna ng bayan na mula sa Beer-seba hanggang sa (E)lupaing maburol ng Ephraim, at ibinalik niya sila sa Panginoon, sa Dios ng kanilang mga magulang.
5 At siya'y naglagay ng mga (F)hukom sa lupain sa lahat na bayang nakukutaan ng Juda (G)sa bayan at bayan.
6 At sinabi sa mga hukom, Buhayin ninyo kung ano ang inyong ginagawa: (H)sapagka't hindi kayo nagsisihatol ng dahil sa tao, kundi dahil sa Panginoon, (I)at siya'y sumasainyo sa kahatulan.
7 Ngayon nga'y sumainyo nawa ang takot sa Panginoon; magsipagingat kayo at inyong gawin: sapagka't (J)walang kasamaan sa Panginoon nating Dios, o (K)tumangi man sa mga tao, o tumanggap man ng mga suhol.
8 Bukod dito'y (L)naglagay si Josaphat sa Jerusalem ng ilan sa mga Levita, at sa mga saserdote, at sa mga pangulo sa mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, dahil sa kahatulan ng Panginoon, at sa mga pagkakaalitan. At sila'y nagsibalik sa Jerusalem.
9 At kaniyang binilinan sila, na sinasabi, Ganito ang inyong gagawin, (M)sa takot sa Panginoon, na may pagtatapat, at may sakdal na puso.
10 (N)At anomang kaalitan ang dumating sa inyo na mula sa inyong mga kapatid na nagsisitahan sa kanilang mga bayan, na dugo't dugo, kautusan at utos, mga palatuntunan at mga kahatulan, ay inyong papayuhan sila, upang sila'y huwag maging salarin sa Panginoon, at sa gayo'y kapootan ay huwag dumating sa inyo, at sa inyong mga kapatid: ito'y inyong gawin, at kayo'y hindi magiging salarin.
11 At, narito, si (O)Amarias na punong saserdote ay (P)nasa inyo sa lahat ng bagay ng Panginoon; at si Zebadias na anak ni Ismael, na tagapamahala sa sangbahayan ni Juda, sa lahat ng mga bagay ng hari: ang mga Levita rin naman ay magiging mga pinuno sa harap ninyo. Gawin ninyong may katapangan at ang Panginoon ay sumasamabuti nawa.
Si Josaphat ay dumalangin upang siya'y tulungan laban sa Moab at Ammon.
20 At nangyari, pagkatapos nito, na ang mga anak ni (Q)Moab, at ang mga anak ni (R)Ammon, at pati ng iba sa mga Ammonita, ay naparoon laban kay Josaphat upang makipagbaka.
2 Nang magkagayo'y nagsiparoon ang iba na nagsipagsaysay kay Josaphat, na nagsasabi, May lumalabas na isang lubhang karamihan laban sa iyo na mula sa dako roon ng dagat na mula sa Siria; at, narito, sila'y nangasa Hasason-tamar (na siyang (S)Engedi).
3 At si Josaphat ay natakot, at tumalagang (T)hanapin ang Panginoon; at siya'y (U)nagtanyag ng ayuno sa buong Juda.
4 At ang Juda'y nagpipisan, upang huminging tulong sa Panginoon: sa makatuwid baga'y mula sa lahat na bayan ng Juda ay nagsiparoon upang hanapin ang Panginoon.
5 At si Josaphat ay tumayo sa kapisanan ng Juda at Jerusalem, sa bahay ng Panginoon, sa harap ng bagong looban;
6 At kaniyang sinabi, Oh Panginoon, na Dios ng aming mga magulang, (V)di ba ikaw ay Dios sa langit? (W)at di ba ikaw ay puno sa lahat na kaharian ng mga bansa? at nasa iyong kamay ang kapangyarihan at lakas, na anopa't walang makahaharap sa iyo.
7 (X)Di mo ba pinalayas, Oh aming Dios, ang mga nananahan sa lupaing ito sa harap ng iyong bayang Israel, at iyong ibinigay sa binhi ni Abraham na (Y)iyong kaibigan magpakailan man?
8 At nagsitahan sila roon at ipinagtayo ka ng santuario roon na ukol sa iyong pangalan, na sinasabi,
9 (Z)Kung ang kasamaan ay dumating sa amin, ang tabak ng kahatulan, o salot, o kagutom, kami ay magsisitayo (AA)sa harap ng bahay na ito, at sa harap mo, (sapagka't ang (AB)iyong pangalan ay nasa bahay na ito,) at kami ay dadaing sa iyo sa aming pagdadalamhati, at kami ay iyong didinggin at ililigtas.
10 At ngayon, narito, ang mga anak ni (AC)Ammon at ni Moab, at ng sa bundok ng Seir na (AD)hindi mo ipinalusob sa Israel, nang sila'y magsilabas sa lupain ng Egipto, kundi kanilang (AE)nilikuan sila, at hindi sila nilipol;
11 Tingnan mo, kung paanong sila'y gumaganti sa amin, na nagsisiparito upang palayasin kami sa (AF)iyong pagaari, na iyong ibinigay sa amin upang manahin.
12 Oh aming Dios, hindi mo ba hahatulan sila? sapagka't wala kaming kaya laban sa malaking pulutong na ito na naparirito laban sa amin, ni hindi man nalalaman namin kung anong marapat gawin; nguni't ang aming mga (AG)mata ay nasa iyo.
13 At ang buong Juda ay tumayo sa harap ng Panginoon, pati ang kanilang mga bata, ang kanilang mga asawa, at ang kanilang mga anak.
14 Nang magkagayo'y dumating kay Jahaziel na anak ni Zacharias, na anak ni Benaias, na anak ni Jeiel, na anak ni Mathanias na Levita, sa mga anak ni Asaph (AH)ang Espiritu ng Panginoon sa gitna ng kapisanan;
15 At kaniyang sinabi, Dinggin ninyo, buong Juda, at ninyong mga taga Jerusalem, at ikaw na haring Josaphat: ganito ang sabi ng Panginoon sa inyo, Huwag kayong mangatakot, o manglupaypay man dahil sa malaking karamihang ito; (AI)sapagka't ang pakikipagbaka ay hindi inyo, kundi sa Dios.
16 Bukas ay magsilusong kayo laban sa kanila: narito, sila'y nagsiahon sa ahunan ng Sis; at inyong masusumpungan sila sa dulo ng libis, sa harap ng ilang ng Jeruel.
17 Kayo'y hindi magkakailangan na makipaglaban sa pagbabakang ito: magsilagay kayo, (AJ)magsitayo kayong panatag, at tingnan ninyo ang pagliligtas, ng Panginoon na kasama ninyo, Oh Juda at Jerusalem: (AK)huwag kayong mangatakot, o manganglupaypay man: bukas ay magsilabas kayo laban sa kanila; sapagka't ang Panginoon ay sumasa inyo.
18 At (AL)itinungo ni Josaphat ang kaniyang ulo sa lupa: at ang buong Juda at ang mga taga Jerusalem ay nangagpatirapa sa harap ng Panginoon, na nagsisamba sa Panginoon.
19 At ang mga Levita, sa mga (AM)anak ng mga Coathita at sa (AN)mga anak ng mga Coraita; ay nagsitayo upang purihin ang Panginoon, ang Dios ng Israel, ng totoong malakas na tinig.
Ang Moab at Ammon ay nangalat.
20 At sila'y nagsibangong maaga sa kinaumagahan, at nagsilabas sa (AO)ilang ng Tecoa: at habang sila'y nagsisilabas, si Josaphat ay tumayo, at nagsabi, Dinggin ninyo ako, Oh Juda, at ninyong mga taga Jerusalem; (AP)sumampalataya kayo sa Panginoon ninyong Dios, sa gayo'y matatatag kayo; sumampalataya kayo sa kaniyang mga propeta, sa gayo'y giginhawa kayo.
21 At nang siya'y makakuhang payo sa bayan, kaniyang inihalal sa kanila ang magsisiawit sa Panginoon (AQ)at magsisipuri sa ganda ng kabanalan habang sila'y nagsisilabas na nagpapauna sa hukbo at magsipagsabi, (AR)Mangagpasalamat kayo sa Panginoon; sapagka't ang kaniyang kaawaan ay magpakailan man.
22 At nang sila'y mangagpasimulang magsiawit at magsipuri, ang Panginoon ay naglagay ng mga (AS)bakay laban sa mga anak ni (AT)Ammon, ni Moab, at ng sa bundok ng Seir, na nagsiparoon laban sa Juda; at sila'y nangasugatan.
23 Sapagka't ang mga anak ni Ammon at ni Moab ay nagsitayo laban sa mga taga bundok ng Seir, upang lubos na magsipatay at lipulin sila: at nang sila'y makatapos sa mga taga bundok ng Seir, bawa't isa'y tumulong na (AU)lumipol sa iba.
24 At nang ang Juda ay dumating sa bantayang moog sa ilang, sila'y nagsitingin sa karamihan; at, narito, mga bangkay na nangakabuwal sa lupa, at walang nakatanan.
25 At nang si Josaphat at ang kaniyang bayan ay magsiparoon upang kunin ang samsam sa kanila, kanilang nasumpungan sa kanila na sagana ay mga kayamanan at mga bangkay, at mga mahahalagang hiyas na kanilang mga sinamsam para sa kanilang sarili, na higit kay sa kanilang madala: at sila'y nagsidoon na tatlong araw, sa pagkuha ng samsam, na totoong marami.
26 At nang ikaapat na araw, sila'y nagpupulong sa libis ng Baracah; sapagka't doo'y kanilang pinuri ang Panginoon: kaya't ang pangalan ng dakong yaon ay tinawag na Libis ng Baracah, hanggang sa araw na ito.
27 Nang magkagayo'y nagsibalik sila, bawa't lalake sa Juda, at sa Jerusalem, at si Josaphat ay sa unahan nila, upang bumalik sa Jerusalem na may kagalakan; sapagka't sila'y (AV)pinapagkatuwa ng Panginoon sa kanilang mga kaaway.
28 At sila'y nagsiparoon sa Jerusalem na may mga (AW)salterio at mga alpa, at mga pakakak sa bahay ng Panginoon.
29 At ang (AX)takot sa Dios ay napasa lahat na kaharian ng mga lupain, nang kanilang mabalitaang ang Panginoon ay nakipaglaban sa mga kaaway ng Israel.
30 Sa gayo'y ang kaharian ni Josaphat ay natahimik: sapagka't binigyan siya ng kaniyang (AY)Dios ng kapahingahan sa palibot.
31 At si Josaphat ay (AZ)naghari sa Juda: siya'y may tatlong pu't limang taong gulang nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing dalawang pu't limang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay Azuba na anak ni Silhi.
32 At siya'y lumakad ng lakad ni Asa na kaniyang ama, at hindi siya lumiko sa paggawa ng matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon.
33 (BA)Gayon ma'y ang mga mataas na dako ay hindi inalis; ni (BB)inilagak pa man ng bayan ang kanilang puso sa Dios ng kanilang mga magulang.
34 Ang iba nga sa mga gawa ni Josaphat, na una at huli, narito, nangakasulat sa kasaysayan ni Jehu na anak ni Hanani, na nasusulat sa aklat (BC)ng mga hari sa Israel.
Ang pakikipisan ni Josaphat kay Ochozias.
35 At pagkatapos nito ay nakipisan si (BD)Josaphat na hari sa Juda kay Ochozias na hari sa Israel; na siyang gumawa ng totoong masama:
36 At siya'y nakipisan sa kaniya upang gumawa ng mga sasakyang dagat na magsisiparoon sa Tharsis: at kanilang ginawa ang mga sasakyan sa Esion-geber.
37 Nang magkagayo'y si Eliezer na anak ni Dodava sa (BE)Mareosah ay nanghula laban kay Josaphat, na kaniyang sinabi, (BF)Sapagka't ikaw ay nakipisan kay Ochozias, giniba ng Panginoon ang iyong mga gawa. At ang mga sasakyan ay nangabasag, na anopa't sila'y hindi na makaparoon sa Tharsis.
Si Joram ay naghari.
21 At si Josaphat ay natulog na kasama ng kaniyang mga magulang, at nalibing na kasama ng kaniyang mga magulang sa bayan ni David: at si Joram na kaniyang anak ay naghari na kahalili niya.
2 At siya'y nagkaroon ng mga kapatid, na mga anak ni Josaphat, na si Azarias, at si Jehiel, at si Zacharias, at si Azarias, at si Michael, at si Sephatias: lahat ng ito ay mga anak ni Josaphat na hari sa Israel.
3 At binigyan sila ng kanilang ama ng mga dakilang kaloob, na pilak, at ginto, at mga mahalagang bagay, pati ng mga (BG)bayang nakukutaan ng Juda: nguni't ang kaharian ay ibinigay niya kay Joram, sapagka't siya ang panganay.
4 Nang si Joram nga ay bumangon sa kaharian ng kaniyang ama, at lumakas, ay kaniyang pinatay ng tabak ang lahat niyang mga kapatid, at gayon din ang iba sa mga prinsipe ng Israel.
5 (BH)Si Joram ay tatlongpu't dalawang taon nang siya'y magpasimulang maghari; at siya'y nagharing walong taon sa Jerusalem.
6 At siya'y lumakad ng lakad ng mga hari sa Israel, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; (BI)sapagka't siya'y nagasawa sa anak ni Achab: at siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon.
7 Gayon ma'y hindi nilipol ng Panginoon ang sangbahayan ni David, dahil sa tipan na kaniyang ginawa kay David, at yamang siya'y nangako na bibigyan siya ng ilawan at ang kaniyang mga anak magpakailan man.
Ang Edom ay naghimagsik.
8 Sa kaniyang mga kaarawan ay nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, at naghalal ng hari sa kanilang sarili.
9 Nang magkagayo'y nagdaan si Joram (BJ)na kasama ang kaniyang mga punong kawal, at dala ang lahat niyang mga karo: at siya'y bumangon ng kinagabihan at sinaktan ang mga Idumeo na kumubkob sa kaniya, at ang mga pinunong kawal sa mga karo.
10 Sa gayo'y nanghimagsik ang Edom na mula sa kapangyarihan ng Juda, hanggang sa araw na ito: nang magkagayo'y nanghimagsik ang Libna nang panahong yaon na mula sa kaniyang kapangyarihan: sapagka't kaniyang pinabayaan ang Panginoon, ang Dios ng kaniyang mga magulang.
Ang nakatatakot na sulat ni Elias.
11 Bukod dito'y kaniyang ginawa ang mga mataas na dako sa mga bundok ng Juda, at pinasamba sa diosdiosan ang mga taga Jerusalem, at iniligaw ang Juda.
12 At dumating ang isang sulat sa kaniya na mula kay Elias na propeta, na sinasabi, Ganito ang sabi ng Panginoon, ng Dios ni David na iyong ama, sapagka't hindi ka lumakad ng mga (BK)lakad ni Josaphat na iyong ama, o ng mga (BL)lakad man ni Asa na hari sa Juda:
13 Kundi ikaw ay lumakad (BM)ng mga lakad ng mga hari sa Israel, at iyong pinasamba sa diosdiosan ang Juda at ang mga nananahan sa Jerusalem, (BN)gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab; at iyo rin namang pinatay ang (BO)iyong mga kapatid sa sangbahayan ng iyong ama, na lalong mabuti kay sa iyo:
14 Narito, ang Panginoon ay mananalot ng malaki sa iyong bayan, at sa iyong mga anak, at sa iyong mga asawa, at sa lahat ng iyong pagaari:
15 At ikaw ay magkakasakit ng mabigat, na sakit ng iyong tiyan, hanggang sa lumabas ang loob ng iyong tiyan dahil sa sakit araw-araw.
16 At inudyukan ng Panginoon laban kay Joram ang diwa ng mga (BP)Filisteo, at ng mga taga Arabia na nangasa siping ng mga (BQ)taga Etiopia:
17 At sila'y nagsiahon laban sa Juda, at nagpumilit doon, at dinala ang lahat na pagaari na nasumpungan sa bahay ng hari, at pati ang mga anak niya, at ang mga asawa niya; na anopa't walang naiwang anak sa kaniya, liban si (BR)Joachaz na bunso sa kaniyang mga anak.
Ang pagkatalo at kamatayan ni Joram.
18 At pagkatapos ng lahat na ito ay sinaktan siya ng Panginoon sa kaniyang tiyan ng walang kagamutang sakit.
19 At nangyari, sa lakad ng panahon sa katapusan ng dalawang taon, na ang loob ng kaniyang tiyan ay lumabas dahil sa kaniyang sakit, at siya'y namatay sa mabigat na sakit. At (BS)hindi ipinagsunog siya ng kaniyang bayan, na gaya ng pagsusunog sa kaniyang mga magulang.
20 (BT)may tatlongpu't dalawang taon siya nang siya'y magpasimulang maghari, at siya'y naghari sa Jerusalem na walong taon: at siya'y nanaw na walang nagnasang pumigil; at inilibing nila siya sa bayan ni David, (BU)nguni't hindi sa mga libingan ng mga hari.
Naghari si Ochozias.
22 At ginawang hari ng mga taga Jerusalem si Ochozias na (BV)kaniyang bunsong anak na kahalili niya: sapagka't pinatay ang mga pinaka matanda sa kampamento ng pulutong na lalake na naparoon na kasama (BW)ng mga taga Arabia. Sa gayo'y si (BX)Ochozias na anak ni Joram na hari sa Juda ay naghari.
2 (BY)May apat na pu't dalawang taon si Ochozias nang magpasimulang maghari; at siya'y nagharing isang taon sa Jerusalem: at ang pangalan ng kaniyang ina ay (BZ)Athalia na anak ni Omri.
3 Siya rin naman ay lumakad ng mga lakad ng sangbahayan ni Achab: sapagka't ang kaniyang ina ay siyang kaniyang taga-payo upang gumawang may kasamaan.
4 At siya'y gumawa ng kasamaan sa paningin ng Panginoon, gaya ng ginawa ng sangbahayan ni Achab: sapagka't sila ang naging kaniyang taga-payo pagkamatay ng kaniyang ama, sa ikapapahamak niya.
5 Siya'y lumakad din naman ng ayon sa kanilang payo, at yumaon na kasama ni Joram na anak ni Achab na hari sa Israel upang makipagdigma laban kay Hazael na hari sa Siria sa Ramoth-galaad: at sinugatan ng mga taga Siria si Joram.
6 At siya'y bumalik upang magpagaling sa Jezreel ng mga sugat na isinugat nila sa kaniya sa Rama, ng siya'y makipaglaban kay Hazael na hari sa Siria. At si (CA)Azarias na anak ni Joram na hari sa Juda ay lumusong upang tingnan si Joram na anak ni Achab sa Jezreel, sapagka't siya'y may sakit.
Si Ochozias ay pinatay ni Jehu.
7 Ang kapahamakan nga ni Ochozias ay sa ganang Dios, sa kaniyang pagparoon kay Joram: sapagka't nang siya'y dumating, (CB)siya'y lumabas na kasama ni Joram laban kay Jehu na anak ni Nimsi, (CC)na siyang pinahiran ng langis ng Panginoon upang ihiwalay ang sangbahayan ni Achab.
8 At nangyari, nang si Jehu ay (CD)maglalapat ng kahatulan sa bahay ni Achab, na kaniyang nasumpungan ang mga prinsipe sa Juda, at ang mga anak ng mga kapatid ni Ochozias, na nagsisipangasiwa kay Ochozias, at pinatay sila.
9 (CE)At kaniyang hinanap si Ochozias, at hinuli nila siya, (siya nga'y nagtatago sa Samaria,) at dinala nila siya kay Jehu, at pinatay siya; at (CF)inilibing nila siya, sapagka't kanilang sinabi, Siya'y anak ni Josaphat, na (CG)humanap sa Panginoon ng buo niyang puso. At ang sangbahayan ni Ochozias ay walang kapangyarihang humawak ng kaharian.
Ang pagagaw ni Athalia sa kaharian.
10 (CH)Nang makita nga ni Athalia na ina ni Ochozias na ang kaniyang anak ay patay, siya'y tumindig at nilipol ang lahat na binhing hari ng sambahayan ni Juda.
11 Nguni't kinuha ni (CI)Josabeth, na anak na babae ng hari, si Joas na anak ni Ochozias, at inalis niyang lihim siya sa gitna ng mga anak ng hari na nangapatay, at inilagay niya siya at ang kaniyang yaya sa silid na higaan. Gayon ikinubli ni Josabeth, na anak ng haring Joram, na asawa ni Joiada na saserdote, (sapagka't siya'y kapatid ni Ochozias) kay Athalia, na anopa't siya'y hindi napatay.
12 At siya'y nakakubling kasama nila sa bahay ng Dios na anim na taon: at si Athalia ay naghari sa lupain.
Ang pagtutol ni Joiada.
23 At sa ikapitong taon ay lumakas si (CJ)Joiada, at nakipagtipan siya sa mga pinunong kawal ng dadaanin, kay Azarias na anak ni Joram, at kay Ismael na anak ni Johanan, at kay Azarias na anak ni Obed, at kay Maasias na anak ni Adaias, at kay Elisaphat na anak ni Zichri.
2 At kanilang nilibot ang Juda, at pinisan ang mga Levita mula sa lahat na bayan ng Juda, at ang mga pangulo ng mga sangbahayan ng mga magulang ng Israel, at sila'y nagsiparoon sa Jerusalem.
3 At ang buong kapisanan ay nakipagtipan sa hari sa bahay ng Dios. At sinabi niya sa kanila, Narito, ang anak ng hari ay maghahari, gaya ng (CK)sinalita ng Panginoon tungkol sa mga anak ni David.
4 Ito ang bagay na inyong gagawin: isang ikatlong bahagi ninyo, na pumapasok sa sabbath, sa mga saserdote at sa mga Levita, magiging mga tagatanod-pinto;
5 At ang ikatlong bahagi ay magiging sa bahay ng hari; at ang ikatlong bahagi (CL)sa pintuang-bayan ng patibayan; at ang buong bayan ay malalagay sa mga looban ng bahay ng Panginoon.
6 Nguni't walang papasok sa bahay ng Panginoon, liban sa (CM)mga saserdote, at nagsisipangasiwang mga Levita; sila'y magsisipasok, sapagka't sila'y mga banal: nguni't ang buong bayan ay magiingat ng pagbabantay sa Panginoon.
7 At kukulungin ng mga Levita ang hari sa palibot, bawa't isa'y may dalang kaniyang mga sandata sa kaniyang kamay; at sinomang pumasok sa bahay, patayin: at kayo'y magsiabay sa hari pagka siya'y pumapasok at pagka siya'y lumalabas.
8 Gayon ginawa ng mga Levita at ng buong Juda ang ayon sa lahat na iniutos ni Joiada na saserdote: at sila'y kumuha bawa't lalake ng kaniyang mga lalake, yaong nagsisipasok sa sabbath, na kasama niyaong nagsisilabas sa sabbath; sapagka't (CN)hindi pinayaon ni Joiada na saserdote ang mga pangkat.
9 At si Joiada na saserdote ay nagbigay sa mga pinunong kawal ng mga dadaanin ng mga sibat, at mga maliit na kalasag at mga kalasag na naging sa haring David, na nangasa bahay ng Dios.
10 At kaniyang inilagay ang buong bayan, na bawa't isa'y may kaniyang sandata sa kaniyang kamay, mula sa dakong kanan ng bahay hanggang sa dakong kaliwa ng bahay, sa siping ng dambana at ng bahay, sa siping ng hari sa palibot.
11 Nang magkagayo'y kanilang inilabas ang anak ng hari, at ipinutong nila ang putong sa kaniya, at binigyan siya ng patotoo, at ginawa siyang hari: at pinahiran siya ng langis ni Joiada at ng kaniyang mga anak; at kanilang sinabi, Mabuhay ang hari.
Pinatay si Athalia.
12 At nang marinig ni Athalia ang kaingay ng bayan, na tumatakbo at pinupuri ang hari, siya'y naparoon sa bayan sa loob ng bahay ng Panginoon:
13 At siya'y tumingin, at, narito, ang hari ay nakatayo sa siping ng kaniyang haligi sa pasukan, at ang mga punong kawal at ang mga may pakakak ay sa siping ng hari: at ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at humihip ng mga pakakak; ang mga mangaawit naman ay nagsitugtog ng mga panugtog ng tugtugin, (CO)at tinugmaan ang awit ng papuri. Nang magkagayo'y hinapak ni Athalia ang kaniyang suot, at sinabi: Paglililo, Paglililo.
14 At inilabas ni Joiada na saserdote ang mga pinunong kawal ng dadaanin na nangalalagay sa hukbo, at sinabi sa kanila, Palabasin ninyo siya sa pagitan ng mga hanay; at sinomang sumunod sa kaniya, patayin ng tabak: sapagka't sinabi ng saserdote, Huwag patayin siya sa bahay ng Panginoon.
15 Sa gayo'y binigyang daan nila siya; at siya'y (CP)naparoon sa pasukan ng pintuang-daan ng kabayo sa bahay ng hari: at pinatay nila siya roon.
Ang pagsamba kay Baal ay pinaram.
16 At si Joiada ay nakipagtipan sa kaniya, at sa buong bayan, at sa hari na sila'y magiging bayan ng Panginoon.
17 At ang buong bayan ay naparoon sa bahay ni Baal, at ibinagsak, at pinagputolputol ang kaniyang mga dambana at ang kaniyang mga larawan, at (CQ)pinatay si Mathan na saserdote ni Baal sa harap ng mga dambana.
18 At inihalal ni Joiada ang mga katungkulan sa bahay ng Panginoon, sa kapangyarihan ng kamay ng mga (CR)saserdote na mga Levita, na siyang (CS)binahagi ni David sa bahay ng Panginoon, upang maghandog ng mga handog na susunugin sa Panginoon, gaya ng nasusulat (CT)sa kautusan ni Moises, na may pagkagalak, at may pagawit ayon sa ayos ni David.
19 At kaniyang inilagay ang mga (CU)tagatanod-pinto sa mga pintuangdaan ng bahay ng Panginoon, upang walang pumasok na marumi sa anomang bagay.
20 At kaniyang ipinagsama ang mga pinunong kawal ng dadaanin at ang mga mahal na tao, at ang mga tagapamahala ng bayan, at ang buong bayan ng lupain, at ibinaba ang hari mula sa bahay ng Panginoon: at sila'y pumasok sa bahay ng hari, na nagdaan sa pinakamataas na pintuang-daan, at inilagay ang hari sa luklukan ng kaharian.
21 Sa gayo'y ang buong bayan ng lupain ay nagalak, at ang bayan ay natahimik: at pinatay nila ng tabak si Athalia.
Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978