Add parallel Print Page Options

At gumawa si Asa ng mabuti at matuwid sa harap ng mga mata ng Panginoon niyang Dios:

Sapagka't kaniyang inalis ang mga dambana ng iba, (A)at ang mga mataas na dako, at pinagputolputol ang mga haligi, at (B)ibinagsak ang mga Asera,

At iniutos sa Juda na hanapin ang Panginoon, ang Dios ng kanilang mga magulang, at tuparin ang kautusan at ang utos.

Kaniya rin namang inalis sa lahat na bayan ng Juda ang mga mataas na dako at ang mga larawang araw: at ang kaharian ay tahimik sa harap niya.

Read full chapter