Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
Mga Kawikaan 7-9

Ang kamangmangan ng pakikitungo sa nais ng masamang babae.

(A)Anak ko ingatan mo ang aking mga salita,
At impukin mo sa iyo ang aking mga utos.
(B)Ingatan mo ang aking mga utos at mabuhay ka;
At ang aking kautusan na parang (C)itim ng iyong mata.
(D)Itali mo sa iyong mga daliri;
Ikintal mo sa iyong puso.
Sabihin mo sa karunungan, Ikaw ay (E)aking kapatid na babae;
At tawagin mong iyong kamaganak na babae ang unawa:
(F)Upang kanilang maingatan ka sa babaing masama;
Sa babaing di kilala na nagtatabil ng kaniyang mga salita.
Sapagka't sa dungawan ng aking bahay
Tumitingin ako sa aking solihia;
At ako'y tumingin sa mga musmos,
Ako'y nagmasid sa mga may kabataan,
Sa may kabataang (G)walang bait,
Na dumaraan sa lansangan na malapit sa kaniyang sulok,
At siya'y yumaon sa daan na patungo sa kaniyang bahay;
[a]Sa pagtatakip silim, sa kinagabihan ng araw,
Sa kalahatian ng gabi, at sa kadiliman.
10 At, narito, doo'y nasalubong niya ang isang babae
Na nakagayak ng tila isang patutot, at tuso sa puso.
11 (H)Siya'y madaldal at matigas ang ulo;
(I)Ang kaniyang mga paa ay hindi nagsisitahan sa kaniyang bahay:
12 Ngayo'y nasa mga lansangan siya, mamaya'y nasa mga luwal na dako siya,
At nagaabang sa bawa't sulok,
13 Sa gayo'y hinahawakan niya siya at hinahagkan siya,
At may mukhang walang hiya na nagsasabi siya sa kaniya:
14 Mga hain na mga handog tungkol sa kapayapaan ay sa akin;
Sa araw na ito ay tinupad ko ang aking mga panata.
15 Kaya't lumabas ako upang salubungin ka,
Hinanap kong masikap ang iyong mukha, at nasumpungan kita.
16 Aking inilatag ang aking higaan na may mga coltsong may burda,
Na yari sa (J)guhitguhit na kayong lana sa Egipto.
17 At aking pinabanguhan ang aking higaan
Ng mira, mga oleo, at sinamomo.
18 Parito ka, tayo'y magpakasiya sa pagsisintahan hanggang sa kinaumagahan;
Magpakasaya tayo sa mga pagsisintahan.
19 Sapagka't ang lalake ay wala sa bahay,
Siya'y naglakbay sa malayo
20 Siya'y nagdala ng supot ng salapi;
Siya'y uuwi sa bahay sa kabilugan ng buwan.
21 Kaniyang pinasusuko siya ng karamihan (K)ng kaniyang mga matamis na salita,
Hinihila niya siya (L)ng katabilan ng kaniyang mga labi.
22 Pagdaka ay sumusunod siya sa kaniya,
Gaya ng toro na naparoroon sa patayan,
O gaya ng sa mga tanikala sa sawayan sa mangmang;
23 Hanggang sa lagpasan ng isang palaso ang kaniyang atay;
Gaya (M)ng ibong nagmamadali sa bitag,
At hindi nakakaalam na yao'y sa kaniyang buhay.
24 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako,
At makinig kayo ng mga salita ng aking bibig.
25 Huwag humilig ang iyong puso sa kaniyang mga lakad,
Huwag kang lumiko sa kaniyang mga landas.
26 Sapagka't kaniyang inihiga ang maraming may sugat:
Oo, lahat niyang pinatay ay (N)isang makapangyarihang hukbo.
27 Ang kaniyang bahay ay (O)daang patungo sa Sheol.
Pababa sa mga (P)silid ng kamatayan.

Ang tawag ng karunungan.

Hindi ba umiiyak (Q)ang karunungan,
At inilalabas ng unawa ang kaniyang tinig?
Sa (R)taluktok ng mga mataas na dako sa tabi ng daan,
Sa mga salubungang landas, siya'y tumatayo;
Sa tabi ng mga (S)pintuang-bayan sa pasukan ng bayan,
Sa pasukan sa mga pintuan siya'y humihiyaw ng malakas:
Sa inyo, Oh mga lalake, ako'y tumatawag;
At ang aking tinig ay sa mga anak ng mga tao.
Oh kayong mga musmos, (T)magsiunawa kayo ng katalinuhan;
At, kayong mga mangmang, makaunawa kayo sa puso.
Kayo'y mangakinig, sapagka't magsasalita ako ng mga (U)marilag na bagay;
At ang buka ng aking mga labi ay magiging mga matuwid na bagay,
Sapagka't ang aking bibig ay sasambit ng katotohanan;
At kasamaan ay karumaldumal sa aking mga labi.
Lahat ng mga salita ng aking bibig ay sa katuwiran;
Walang bagay na liko o suwail sa kanila.
(V)Pawang malilinaw sa kaniya na nakakaunawa,
At matuwid sa kanila na nangakakasumpong ng kaalaman.
10 Tanggapin mo ang aking turo at huwag pilak;
At ang kaalaman na higit kay sa dalisay na ginto.
11 (W)Sapagka't ang karunungan ay maigi kay sa mga rubi;
At lahat ng mga bagay na mananasa ay hindi maitutulad sa kaniya.
12 Akong karunungan ay tumatahan sa kabaitan,
At aking nasusumpungan ang kaalaman at gunita.
13 (X)Ang pagkatakot sa Panginoon ay ipagtanim ang kasamaan;
(Y)Kapalaluan, at kahambugan at masamang lakad,
At (Z)ang masamang bibig ay aking ipinagtatanim.
14 Payo ay akin at magaling na kaalaman:
Ako'y kaunawaan; ako'y may kapangyarihan,
15 (AA)Sa pamamagitan ko ay naghahari ang mga hari,
At nagpapasiya ng kaganapan ang mga pangulo.
16 Sa pamamagitan ko ay nagpupuno ang mga pangulo,
At ang mga mahal na tao, sa makatuwid baga'y lahat ng mga hukom sa lupa.
17 (AB)Aking iniibig sila na nagsisiibig sa akin;
At yaong nagsisihanap na masikap sa akin ay masusumpungan (AC)ako.
18 (AD)Mga kayamanan at karangalan ay nasa akin;
Oo, lumalaging mga kayamanan at katuwiran.
19 Ang bunga ko ay maigi kay sa ginto, oo, kay sa dalisay na (AE)ginto;
At ang pakinabang sa akin kay sa piling pilak.
20 Ako'y lumalakad sa daan ng katuwiran,
Sa gitna ng mga landas ng kahatulan:
21 Upang aking papagmanahin ng pagaari yaong nagsisiibig sa akin,
At upang aking mapuno ang kanilang ingatang-yaman.

Ang kaluwalhatian ng karunungan. Ang pagkamapalad ng marunong na lalake.

22 Inari ako (AF)ng Panginoon sa pasimula ng kaniyang lakad,
Bago pinasimulan ang kaniyang mga gawa ng una.
23 (AG)Ako'y nalagay mula noong araw mula ng walang pasimula,
Bago nalikha ang lupa.
24 (AH)Ako'y nailabas ng wala pang mga kalaliman;
Nang wala pang mga bukal na sagana ng tubig.
25 (AI)Bago ang mga bundok ay nalagay,
Bago ang mga burol ay ako'y nailabas:
26 Samantalang hindi pa niya nililikha ang lupa, ni ang mga parang man,
Ni ang pasimula man ng alabok ng sanglibutan.
27 Nang kaniyang itatag ang langit nandoon ako:
Nang siya'y maglagay ng balantok sa balat ng kalaliman:
28 Nang kaniyang pagtibayin ang langit sa itaas:
Nang maging matibay ang mga bukal ng kalaliman:
29 (AJ)Nang bigyan niya ang dagat ng kaniyang hangganan,
Upang huwag salangsangin ng tubig ang kaniyang utos:
Nang kaniyang iayos ang mga patibayan ng lupa:
30 (AK)Nasa siping nga niya ako na gaya ng matalinong manggagawa:
At ako ang kaniyang ligaya sa araw-araw,
Na nagagalak na lagi sa harap niya;
31 Na nagagalak sa kaniyang tinatahanang lupa;
At ang aking kaaliwan ay sa mga anak ng mga tao.
32 Ngayon nga, mga anak ko, dinggin ninyo ako:
Sapagka't (AL)mapalad ang nangagiingat ng aking mga daan.
33 Mangakinig kayo ng turo, at kayo'y magpakapantas,
At huwag ninyong tanggihan.
34 (AM)Mapalad ang tao na nakikinig sa akin,
Na nagbabantay araw-araw sa aking mga pintuang-bayan,
Na naghihintay sa mga haligi ng aking mga pintuan.
35 Sapagka't sinomang nakakasumpong sa akin, ay (AN)nakakasumpong ng buhay.
At magtatamo ng lingap ng Panginoon.
36 Nguni`t siyang nagkakasala laban sa akin ay (AO)nagliligaw ng kaniyang sariling kaluluwa;
Silang lahat na nangagtatanim sa akin ay (AP)nagsisiibig ng kamatayan.

Ang handaan ng karunungan.

(AQ)Itinayo ng karunungan ang kaniyang bahay,
Kaniyang tinabas ang kaniyang pitong haligi:
(AR)Pinatay niya ang kaniyang mga hayop: hinaluan niya ang kaniyang alak;
Kaniya namang ginayakan ang kaniyang dulang.
Kaniya namang sinugo ang kaniyang mga alilang babae;
Siya'y sumisigaw sa mga pinakapantas na dako sa bayan:
Kung sinoma'y musmos, pumasok dito:
(AS)Tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
Kayo'y magsiparito, magsikain kayo ng aking tinapay,
At magsiinom kayo ng alak na aking hinaluan.
Iwan ninyo, ninyong mga musmos at kayo'y mabuhay;
At kayo'y magsilakad sa daan ng kaunawaan.
Siyang sumasaway sa manglilibak ay nagtataglay ng kahihiyan sa kaniyang sarili:
At siyang sumasaway sa masama ay nagtataglay ng pula sa kaniyang sarili.
(AT)Huwag mong sawayin ang manglilibak, baka ipagtanim ka niya:
(AU)Sawayin mo ang pantas, at kaniyang iibigin ka.
Turuan mo ang pantas, at (AV)siya'y magiging lalong pantas pa:
Iyong turuan ang matuwid, at siya'y lalago sa pagkatuto.
10 (AW)Ang pagkatakot sa Panginoon ay pasimula ng karunungan:
At ang pagkakilala sa Banal ay kaunawaan.
11 Sapagka't (AX)sa pamamagitan ko ay dadami ang iyong mga kaarawan,
At ang mga taon ng iyong buhay ay magsisidami.
12 (AY)Kung ikaw ay pantas, ikaw ay pantas sa ganang iyong sarili:
At kung ikaw ay manglilibak, ikaw na magisa (AZ)ang magpapasan.

Ang anyaya ng hangal na babae.

13 (BA)Ang hangal na babae ay madaldal;
Siya'y musmos at walang nalalaman.
14 At siya'y nauupo sa pintuan ng kaniyang bahay,
Sa isang upuan sa mga mataas na dako sa bayan,
15 Upang tawagin ang nangagdadaan,
Na nagsisiyaong matuwid ng kanilang mga lakad:
16 Sinomang musmos ay pumasok dito:
At tungkol sa kaniya na mapurol sa pagunawa, sinasabi niya sa kaniya:
17 (BB)Ang mga nakaw na tubig ay matamis,
At ang tinapay na kinakain sa lihim ay masarap.
18 Nguni't hindi niya nalalaman na ang patay ay (BC)nandoon;
Na ang mga panauhin niya ay nangasa mga kalaliman ng Sheol.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978