Print Page Options
Previous Prev Day Next DayNext

Chronological

Read the Bible in the chronological order in which its stories and events occurred.
Duration: 365 days
Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)
Version
1 Mga Hari 9

Ang tipan ng Panginoon kay Salomon.

At nangyari, nang matapos ni (A)Salomon ang pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at ng bahay ng hari, (B)at ang lahat na nasa ni Salomon na kaniyang kinalulugurang gawin.

Na ang Panginoo'y napakita kay Salomon na ikalawa, gaya ng siya'y pakita sa kaniya sa (C)Gabaon.

At sinabi ng Panginoon sa kaniya, Aking dininig ang iyong panalangin at ang iyong pamanhik na iyong ipinagbadya sa harap ko: aking pinapaging banal ang bahay na ito na iyong itinayo, upang ilagay ang aking pangalan (D)doon magpakailan man; at ang aking mga mata (E)at ang aking puso ay doroong palagi.

At tungkol sa iyo, kung ikaw ay lalakad sa harap ko, gaya ng inilakad ni David, na iyong ama (F)sa pagtatapat ng puso at sa katuwiran na gagawa ka ng ayon sa lahat ng aking iniutos sa iyo, at iingatan mo ang aking mga palatuntunan at ang aking mga kahatulan:

Ay akin ngang itatatag ang luklukan ng iyong kaharian sa Israel magpakailan man, ayon sa aking ipinangako kay David na iyong ama, (G)na sinasabi, Hindi magkukulang sa iyo ng lalake sa luklukan ng Israel.

Nguni't kung kayo ay magsisihiwalay sa pagsunod (H)sa akin, kayo o ang inyong mga anak, at hindi ingatan ang aking mga utos, at ang aking mga palatuntunan, na aking inilagay sa harap ninyo, kundi kayo'y magsisiyaon at magsisipaglingkod sa ibang mga dios, at magsisisamba sa kanila:

Akin ngang ihihiwalay ang Israel (I)sa lupain na aking ibinigay sa kanila; at ang bahay na ito na aking pinapaging banal sa aking pangalan, (J)ay aking iwawaksi sa aking paningin; at ang Israel ay magiging kawikaan at kakutyaan sa gitna ng (K)lahat ng bayan:

At bagaman ang bahay na ito ay totoong mataas, gayon ma'y ang bawa't magdaan sa kaniya ay magtataka at susutsot at kanilang sasabihin, Bakit ginawa ng Panginoon ang ganito sa lupaing ito, at sa (L)bahay na ito?

At sila'y magsisisagot, Sapagka't kanilang pinabayaan ang Panginoon nilang Dios na naglabas sa kanilang mga magulang sa lupain ng Egipto, at nagsipanghawak sa ibang mga dios, at sinamba nila, at pinaglingkuran nila: at kaya't pinarating ng Panginoon sa kanila ang lahat na kasamaang ito.

Mga bayan na ibinigay kay Hiram.

10 At nangyari (M)sa katapusan ng dalawang pung taon, (N)nang si Salomon ay makapagtayo ng dalawang bahay, ng bahay ng Panginoon at ng bahay ng hari

11 (Si Hiram nga na hari sa Tiro ay nagpadala kay Salomon ng mga kahoy na sedro, at mga kahoy na abeto, at ng ginto, ayon sa buo niyang nasa,) na binigyan nga ng haring Salomon si Hiram ng dalawang pung bayan sa lupain ng Galilea.

12 At lumabas si Hiram sa Tiro upang tingnan ang mga bayan na ibinigay ni Salomon sa kaniya; at hindi niya kinalugdan.

13 At kaniyang sinabi, Anong mga bayan itong iyong ipinagbibigay sa akin, kapatid ko? At tinawag niya: lupain ng (O)Cabul, hanggang sa araw na ito.

14 At nagpadala si Hiram sa hari ng isang daan at dalawang pung talentong ginto.

15 At ito ang kadahilanan ng atang (P)na iniatang ng haring Salomon, upang itayo ang bahay ng Panginoon at ang kaniyang bahay, at ang Millo (Q)at ang kuta sa Jerusalem at ang Hasor, (R)at ang Megiddo, (S)at ang (T)Gezer.

16 Si Faraong hari sa Egipto ay umahon, at sinakop ang Gezer, at sinunog ng apoy, at pinatay ang mga Cananeo (U)na nagsisitahan sa bayan, at ibinigay na pinakabahagi sa kaniyang anak na babae, na (V)asawa ni Salomon.

17 At itinayo ni Salomon ang Gezer, at ang Beth-horon sa ibaba,

18 At ang Baalath, (W)at ang Tamar sa ilang, sa lupain,

19 At ang lahat na (X)bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at ang mga bayan sa kaniyang mga (Y)karo, at ang mga bayan sa kaniyang mga mangangabayo, at yaong pinagnasaang pagtayuan ni Salomon sa kalulugdan niya sa Jerusalem, at sa Libano, at sa lahat ng lupain na kaniyang sakop.

20 Tungkol sa lahat na tao na naiwan, sa mga Amorrheo, mga Hetheo, mga Pherezeo, mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa mga anak ni Israel;

21 Sa kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain, (Z)na hindi nalipol na lubos ng mga anak ni Israel, ay sa kanila (AA)nagtindig si Salomon ng pulutong (AB)ng alipin, hanggang sa araw na ito.

22 Nguni't hinggil sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon; (AC)kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at kaniyang mga lingkod, at kaniyang mga prinsipe, at kaniyang mga punong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo.

23 Ito ang mga punong kapatas na nangasa gawain ni Salomon, limangdaan at limangpu, (AD)na nagsisipagpuno sa bayan na nagsisigawa sa gawain.

24 Nguni't ang (AE)anak na babae ni Faraon ay umahon mula sa bayan ni David sa kaniyang bahay (AF)na itinayo ni Salomon na ukol sa kaniya: saka itinayo niya ang (AG)Millo.

25 At makaitlo sa (AH)isang taon na naghahandog si Salomon ng mga handog na susunugin at ng mga handog tungkol sa kapayapaan sa ibabaw ng dambana na kaniyang itinayo sa Panginoon, na pinagsusunugan niya ng kamangyan sa harap ng Panginoon. Ganoon niya niyari ang bahay.

Sasakyang dagat ni Salomon.

26 At nagpagawa ang haring Salomon ng mga sasakyang dagat sa Ezion-geber (AI)na nasa siping ng Elath, sa baybayin ng Dagat na Mapula, sa lupain ng Edom.

27 At sinugo ni Hiram (AJ)sa mga sasakyan ang kaniyang mga bataan, mga magdadagat na bihasa sa dagat, na kasama ng mga bataan ni Salomon.

28 At sila'y nagsiparoon sa Ophir (AK)at nagsikuha mula roon ng ginto, na apat na raan at dalawang pung talento, (AL)at dinala sa haring Salomon.

2 Cronica 8

Mga bayan na itinayo ni Salomon.

At nangyari, (A)sa katapusan ng dalawangpung taon na ipinagtayo ni Salomon ng bahay ng Panginoon, at ng kaniyang sariling bahay.

Na ang mga bayan na ibinigay ni Hiram kay Salomon, mga (B)itinayo ni Salomon, at pinatahan doon ang mga anak ni Israel.

At si Salomon ay naparoon sa Hamath-soba, at nanaig laban doon.

At kaniyang itinayo ang Tadmor sa ilang, at lahat na bayan na imbakan na kaniyang itinayo sa Hamath.

Itinayo rin niya ang Bet-horon sa itaas, at ang (C)Bet-horon sa ibaba, na mga bayang nakukutaan, na may mga kuta, mga pintuang-bayan, at mga halang;

At ang Baalath at ang lahat na bayan na imbakan na tinatangkilik ni Salomon, at lahat na bayan na ukol sa kaniyang mga karo, at ang mga bayan na ukol sa kaniyang mga mangangabayo, at lahat na ninasa ni Salomon, na itayo para sa kaniyang kasayahan sa Jerusalem, at sa Libano, at sa buong lupain ng kaniyang sakop.

Mga manggagawa ni Salomon.

Tungkol sa buong bayan na naiwan sa mga Hetheo, at mga Amorrheo, at mga Perezeo, at mga Heveo, at mga Jebuseo, na hindi sa Israel;

Ang kanilang mga anak na naiwan pagkamatay nila sa lupain na hindi nilipol ng mga anak ni Israel, ay sa kanila naglagay si Salomon ng mangaatag na mga alipin, hanggang sa araw na ito.

Nguni't sa mga anak ni Israel ay walang ginawang alipin si Salomon sa kaniyang gawain; kundi sila'y mga lalaking mangdidigma, at mga pinuno sa kaniyang mga pinunong kawal, at mga pinuno sa kaniyang mga karo, at sa kaniyang mga mangangabayo.

10 At ito ang mga pangulong pinuno ng haring Salomon, na (D)dalawang daan at limang pu na nagpupuno sa bayan.

11 At iniahon ni Salomon ang anak na babae ni Faraon mula sa bayan ni David hanggang sa bahay na kaniyang itinayo na ukol sa kaniya; sapagka't kaniyang sinabi, Hindi tatahan ang aking asawa sa bahay ni David na hari sa Israel, sapagka't ang mga dako ay banal na pinagpasukan sa kaban ng Panginoon.

Mga paghahandog ni Salomon.

12 Nang magkagayo'y naghandog si Salomon sa Panginoon ng mga handog na susunugin, sa dambana ng Panginoon, (E)na kaniyang itinayo sa harap ng portiko,

13 Sa makatuwid baga'y ayon sa kailangan sa bawa't araw, na naghahandog (F)ayon sa utos ni Moises, sa mga (G)sabbath, at sa mga bagong buwan, at sa mga takdang kapistahan, na (H)makaitlo sa isang taon, sa kapistahan ng tinapay na walang lebadura, at sa kapistahan ng mga sanglinggo, at sa kapistahan ng mga balag.

14 At siya'y naghalal, ayon sa utos ni David na kaniyang ama ng mga (I)bahagi ng mga saserdote sa kanilang paglilingkod, at ng mga (J)Levita sa kanilang mga katungkulan upang mangagpuri, at upang mangasiwa sa harap ng mga saserdote, ayon sa kailangan ng katungkulan sa bawa't araw: ang mga (K)tagatanod-pinto naman ayon sa kanilang mga bahagi sa bawa't pintuang-daan: sapagka't gayon ang iniutos ni David na lalake ng Dios.

15 At sila'y hindi nagsihiwalay sa utos ng hari sa mga saserdote at mga Levita tungkol sa anomang bagay, o tungkol sa mga kayamanan.

16 Ang lahat ngang gawain ni Salomon ay nahanda sa araw ng pagtatayo ng bahay ng Panginoon, at hanggang sa natapos. Sa gayo'y nayari ang bahay ng Panginoon.

Ang kaniyang Comersio.

17 Nang magkagayo'y naparoon si Salomon sa Ezion-geber, at sa (L)Eloth, sa tabi ng dagat sa lupain ng Edom.

18 At nagpadala sa kaniya si Hiram ng mga sasakyang dagat sa pamamagitan ng kamay ng kaniyang mga bataan, at mga bataan na bihasa sa dagat; at sila'y nagsiparoon sa Ophir na kasama ng mga bataan ni Salomon, at nagsipagdala mula roon ng (M)apat na raan at limangpung talentong ginto, at dinala sa haring Salomon.

Ang Biblia (1978) (ABTAG1978)

Ang Biblia Copyright © Philippine Bible Society 1905, 1915, 1933, 1978